The night went well for us. I didn't felt anything but pure love and happiness. He said that he is grateful because he's able to show me how much he love me. But for me? Having his presence by my side just shows how much he loves me.Sa bawat galaw na ipinapakita niya, lalo akong natatakot na umalis dahil baka hindi na ako makabalik.
Baka hindi ko na siya mabalikan.
Pero sa isang banda, unti-unti rin ako nitong binibigyan ng pag asa. Pag asa sa lahat ng bagay. Pag asa na kakayanin ko.
Sana nga ganun nalang kadali ang lahat. Pero hindi eh. Hindi talaga.
Walang ganun.
Bumangon ako para mag hilamos. Inayos ko ang sarili ko at pumunta sa kusina. Naamoy ko kasi na nag luluto na si mama and ang sarap sa pang amoy.
Ngunit pag kalabas ko'y isang lalaki ang nag luluto.
"Uhm, excuse me?" Nag aalangan kong tanong. Nakatalikod kasi ito kaya hindi ko makita kung sino.
Lumingon ang lalaki. Omo!
"Dave?" Gulat kong tanong. Ano ba 'toh! Ang aga aga nandito na agad ang nilalang na 'to sa bahay namin.
"Oh, nandiyan kana pala misis ko. Halika kana. Kumain kana, ipinagluto kita nang masarap na almusal." Aniya. Natatawa naman ako kasi pawis na pawis talaga siya. And I can see na talagang nag effort siya para lang sa almusal na 'to.
Tumango ako sa kanya. Kumuha ako ng plato at umupo sa mesa.
Pero pasubo palang ako ng pag kain ng bigla siyang mag hubad.
"H-hoy! Anung gagawin mo? B-bakit ka mag huhubad ha? Ibalik mo yang damit mo letse ka!" Ani ko. Ito na ba ang kasama sa almusal ko? Yung mga pandesal niya?
"Mag papalit lang ako ng damit, misis ko. Sabi mo kasi diba bawal ang natutuyuan ng pawis. Ikaw ha! Masyado kang minded. HAHAHA." Pang aasar niya sakin. Wow ha! Ako pa talaga? Ako pa?
"Tsaka, huwag kang masyadong ma-bothered sa katawan ko misis ko. Dahil sayo lang naman yan at ikaw rin lang ang pwedeng makinabang nito." Aniya sabay kindat. Buysit, ka! Umirap nalang ako sa kanya.
Kapag nag salita pa ako? Lalo niya pa akong aasarin.
Mabuti naman at payapa kaming nakakain. Infairness naman talaga. Nakaka bother yung katawan ni Dave. Like, kailangan ko talaga siyang i-ignore. My goodness!
Dave didn't leave the house. He just stayed with me. Nag general cleaning kami. Feeling ko nga bonding moment na namin lagi yun eh. Nag movie marathon din kami pag katapos para mag pahinga. Nakasandal lang ako sa kamay niya the whole time. Huwag ko daw balakin na umalis dahil hahalikan niya daw talaga ako.
Grabe po. Grabe talaga.
Nag hahanda na ako dahil aalis daw kami ulit. Sabi ko, aalis na naman? Hindi ba siya napapagod? Sabi niya kailangan daw niyang sulutin yung tatlong araw. Yun nalang daw kasi ang meron siya. As of now.
Nakatulog ako sa byahe dahil sa pagod sa pag lilinis kanina. Effort na effort kami dun.
Effort na effort na mag harutan.
Naramdaman kong humalik siya sa noo ko.
"Gising na, misis ko. Nandito na tayo." Pag gising niya sakin. Inalalayan niya akong makabangon dahil na enjoy kong humiga dito sa kotse niya.
"Enchanted Kingdom?" Galak kong ani. Ang tagal ko nang hindi nakapunta dito and andami naming memorable moments dito!
"Opo, misis ko. Tara na. Para naman masulit natin yung oras." Pag aya niya sakin. Kumilos ako agad para mapasok na kami agad. Grabe! Sobra akong na excite!
Habang nag lalakad kami dito sa loob ay puro saya lang ang nararamdaman ko. Yung tipong sa bawat tingin ko sa mga bagay-bagay ay may naaalala akong masasayang pangyayari.
"Alam mo, misis ko." Aniya. Tumingin ako sa kanya. "Thankful talaga ako na bago tayo gumraduate, eh nag field trip muna tayo." Wika niya. Nag taka naman ako.
"Huh? Bakit?" Tanong ko. "Ang daming beses kasi kitang na tyansingan dito eh." Wika niya habang kinakamot yung ulo. Ano!
"Ano! Manyak ka talaga! Kainis ka!" Nang gigigil kong ani sa kanya. Bastos talaga tong lalaking 'to.
"Nays. Mali naman iniisip mo eh." Aniya. "Eh ano ba dapat?" Tanong ko. Nakakaloka 'tong lalaking to.
"I mean, ang daming beses kitang nayakap, nahawakan yung kamay mo, at maakbayan sa tuwing may mga lalaking tumitingin sayo." Ani niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hoy! Hindi ko napansin yun ah.
"Huy! Wala pang tayo nun ah." Ani ko. Wala pa naman talaga kasi hindi pa siya umaamin nun eh. Tsaka ngayon lang kami nag karoon ng something diba?
"Kaya nga eh. Wala pang tayo, pero inaangkin na kita." Aniya. Syet, ka! Umirap lang ako sa kanya. Namumula na ako sa kilig ngayon bes. Sa totoo lang.
Ang daming games na ang napag laruan namin. Gigil na gigil pa tong batang kasama ko dahil hindi niya makuha yung mga teddy bear na prices. Hanggang sa naikot na namin lahat, wala parin talaga siyang nakukuha.
Kaya sabi ko, Dave sukuan mo na.
Kaya nag aya nalang siya mag rides. Pero habang naksakay naman kami e parang siya yung matatanggalin ng hininga at mapuputol ang mga litid sa lalamunan kaka sigaw. Siya 'tong nag aya aya tapos takot naman.
HAHAHA!
Our last stop is the ferris wheel. Sinakto talaga namin na mag su-sunset na para mas maganda yung view.
Nang makasakay na kami ay finally! Makakapag pahinga muna ako. Na enjoy masyado ni Dave! Parang batang ngayon lang nakapunta dito eh.
"Maraming salamat, Mister ko." Ani ko. Gulat siyang tumingin sakin. Napangiti naman ako sa reaksyon niya.
"Salamat kasi ginagawa mo ang lahat ng ito. Kahit na pilit kang ngumingiti at tumatawa, para lang ipakita sakin na okay ka. Sa isang banda, nakikita ko parin yung lungkot at sakit sa mga mata mo. Ngunit hindi naman kita masisisi dahil nasasaktan ka." Ani ko sabay kagat sa aking labi. Seryoso lang siyang nakatingin sakin.
"Maging ako man, mister ko. Nasasaktan din ako kasi, alam mo yun? Dumating tayo sa point na, kailangan natin sulitin yung bawat oras na mag kasama tayo. Kasi alam natin na kinabukasan, mawawala na ang lahat." Malungkot kong ani. Hindi parin siya kumikibo.
"Pero gusto ko lang sabihin na kapag nawala na ako, kahit mabagal piliin mo paring mag patuloy." Ani ko.
Ugh! I hate this kind of situation.
"Na kahit minsan, kapag naramdaman mo mag-isa ka at walang tao para suportahan ka, sana lagi mong isipin na ako, handa akong suportahan ka. Kaya sana, piliin mo paring tumuloy." I said as I wipe my tears.
Mabilis niyang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga pisngi.
Pasensya na, mahal ko.
"At kapag dumating na yung mga oras na nasasaktan at nahihirapan kana, sana maisip mong mag patuloy parin. Kasi, wala akong ibang ginusto kundi ang mapabuti ka at maging maayos ka." I said. Mahal na mahal ko 'tong lalaki na to. Kaya ko 'to ginagawa.
I hope he'll understand me.
"Pasensya na kasi, kahit 'yun yung gusto ko. Paulit-ulit naman kitang winawasak at sinasaktan." Pag hingi ko ng tawad.
Minsan kasi, yung pag mamahal ay nakakasakit. To the point na hindi natin makita na nasasaktan din sila.
"No. You're not. Kasi kung ginagawa mo yun? Hindi ako kakapit sayo. Titigil na akong mahalin ka pero hindi eh. Kabaliktaran lahat 'yun ng mga iniisip mo." Ani niya. Ayoko na eh. Ayoko na siyang saktan.
"Basta. Kung ano man ang mangyari, you had my full trust. And I know that someday? You'll get there."
"No, we will get there."
YOU ARE READING
Ten Thousand Hours
FanfictionHanna, a normal girl who had a cancer. Cancer made her whole life messed up. But before that happened, she and Dave had something special. Speacial thing that she couldn't imagine she'll lose. But now, they've unexpectedly met and suddenly, Dave w...