"I-I'm sorry. Pero kailangan ko ng umalis." Ani ko at nag lakad palabas ng chapel. God knows how much I wanted to talk to him. Kasi parang sa pag uusap lang, kahit doon lang, nararamdaman ko yung saya na kung paano kami noon.
Ngunit bago pa man ako maka gawa ng hakbang ay bigla niya akong pinigilan.
"Please. Talk to me. Hindi ko na kaya 'to. P-para na akong mababaliw. Yes, you're there and I can see you. But I couldn't talk to you." He pleaded to me. Ildefonso, huwag mo naman ako saktan please.
Nag dalawang isip pa ako, kaya ko na ba?
Tumango ako at umupo ulit. Sa isang upuan lang kami nakaupo pero nasa mag kabilang dulo ang pwesto ng isa't isa. Siguro kailangan din namin 'to.
After ng ilang segundong katahimikan, he finally speak.
"Ang gusto ko lang ay bumalik tayo noon. Kung paano tayo noon. Kung paano natin hinaharap yung mga problema ng mag kasama. Kung paano natin napapasaya ang isa't isa nang hindi naman natin alam."
"Let's bring back the old us."
"N-no,"
"Let's start over."
Start over? Hangga't maaari ayoko na. Gustuhin ko man pero parang sinasabi sakin ni tadhana na hindi na pwede. Dahil sa tuwing may mag bubukas na pinto para ipakita samin na mayroong pag asa, agad naman itong isinasara ng mga dahilan kung bakit kami hindi puwede.
"Dave. Alam mo ba na sobra akong nasasaktan ngayon? Sobra mo akong sinasaktan habang sinasabi sakin yung mga salitang 'yan. Hindi mo deserve na mag sabi niyan, Dave. Hindi. You deserve someone better than me." Ani ko. Hindi na napigilan ng mga luha ko na hindi lumabas. Ayoko na. Ayoko na ng ganito.
"But I do deserve you." Kalmado niyang sabi sakin habang nakatingin parin sa altar.
"Dave-"
"Maling-mali ako na dumating ako sa point na naisip ko yun. Mali, sobrang mali." Ani niya. "Ipinaliwanag sakin ni nanay at tatay yung side mo. Sabi nila, may iba't ibang uri daw ng pag papakita ng pag mamahal dahil hindi naman pare-pareho ang tao." Dugtong niya.
"May pag mamahal na bigay lahat, ngunit may pag mamahal din na maramot." Ani niya at tumingin sakin.
Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Tulad ko. Nandun ako sa give it all, bigay lahat. Kasi gusto ko na maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Kung gaano ko ginugusto na bawat oras kasama ka. Hangga't kaya ko, ibibigay ko. Mahal kasi kita." Pag papaliwanag niya.
Minsan, mahirap ang mag mahal. Kasi ipaparanas nito lahat sayo eh. Kung hindi ka malakas at matapang, talo ka.
"Ikaw, nandun ka naman sa selfish love. Hindi dahil selfish love ay wala ng pag mamahal. Mas sobra pa nga yung pag mamahal mo eh, kaya dumating sa punto na kailangan mo nang ipagdamot. Ipinag damot niyo yung pag mamahal dahil ayaw niyo na malagay sa alanganin yung taong mahal niyo." He said while wiping his tears.
"Pigilan yung pag mamahal na nag uumapaw mula sa puso mo? Hindi ko naisip how hard it is for you. Without knowing na ang gusto mo lang din naman ay mag mahal at mahalin." Ani niya at ngumiti ng mapait.
"Alam mo ba... mula noon hanggang ngayon, mahal parin kita." Ani ko.
He look at me and showed a little smile.
"Kaya ako nasasaktan kasi mahal parin kita. That after all these years, my love for you hasn't even faded. Kahit anung gawin kong limot, nandiyan parin. Nandito ka pa rin." Sabi ko sabay turo ng dibdib ko.
"Maniwala ka man o hindi, wala akong gustong gawin kundi mahalin ka. Gustong-gusto ko na ipakita sayo kung gaano kita kamahal. Pero, naiipit ako eh. Lagi may choices pag dating sakin." I said and smiled disappointedly.
"At kung magiging tayo man, kahit gusto ko. Ay huwag nalang." Ani ko at humarap sa kanya.
"B-bakit?" Tanong niya.
"Dahil hindi ko na hawak yung buhay ko." I said and cried.
"H-huh?" Naiiyak niyang tanong.
"Hindi mawawala yung cancer sa katawan ko. Namamatay siya pero nandito parin siya sa katawan ko. Anytime, anywhere, anything could happen." Mapait kong sabi sa kanya.
"Right now, I am just living my life to the fullest. So, that kapag kinuha na ako, wala akong regrets." Naiiyak kong sabi sa kanya.
"You don't know how scared I was sa tuwing pumipikit ako. Dahil baka isang araw, hindi na dumilat yung mga mata ko." I said while crying.
Minsan ayoko nang matulog. Ayoko na kasi mamaya hindi na ako gumising. Ang hirap, sobrang hirap sa pakiramdam. Gusto ko lang naman mabuhay ng normal. Pero hindi parin naibigay sakin.
"Ayokong sayangin mo yung pag mamahal mo sa taong mawawala din naman." Saad ko.
Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang higpit.
"Shhh. Don't say that, okay? You are going to live longer that you thought. Ang dami pa nating plano! Maranasan yung maraming dates na mag kasama tayo. Ikasal sa kung saan mo gusto. Mag palaki ng mga anak natin," He said.
"Diba? Sobrang dami pa, Marí." Dugtong niya.
~
Thank you very much po sa pag babasa nito! Always keep safe po and stay at home po!
YOU ARE READING
Ten Thousand Hours
FanfictionHanna, a normal girl who had a cancer. Cancer made her whole life messed up. But before that happened, she and Dave had something special. Speacial thing that she couldn't imagine she'll lose. But now, they've unexpectedly met and suddenly, Dave w...