Chapter 15

483 10 0
                                    


Hindi ko na narinig masyado yung mga huling sinabi niya. I don't mind it either. Dadagdag pa 'yun sa isipin ko.

After he left, I feel a little bit sad. Parang a part of me na naman is nawala. Siguro, I've got comfortable agad with his presence and then suddenly, mawawala din agad. Parang minsan, ang hirap din pumili between,

"Sana, hindi mo nalang naranasan kasi mawawala din naman or Buti nalang naramdaman mo bago 'to mawala." May mga tao na prefer nila na huwag nalang maramdaman or maranasan ang isang bagay kung alam lang mawawala din naman 'to sa kanila. But for some reason, may mga tao naman ding gusto at okay lang sa kanila na maranasan or maramdaman ang isang bagay bago ito mawala.

People is different from each other. They have different perspective and beliefs in life. We can't just judge like that kasi hindi naman natin alam kung ano yung mga pinag daanan nila. All we can do is to understand each other. Dahil nga mag kakaiba tayo, kailangan natin mag-intindihan.

I decided na mag ayos at pumunta nalang sa PGH, sa Cancer Ward. May mga bata kasi doon na lumalaban din sa cancer at napalapit narin ako sa kanila. I know how they feel, kaya mas inilalapit ko yung sarili ko sa kanila. Nakaka lungkot mang isipin na sa murang edad, ay kailangan na nilang maranasan ang mga bagay na ito. I mean, hindi pa nga nila na e-explore yung mundo eh. Hindi pa nila masyadong nakikita how beautiful life is.

Saglit lang naman ang naging byahe ko papunta sa PGH, siguro kasi linggo. Pag pasok ko ay nakasalubong ko agad si Ma'am Lou, isang head nurse dito sa ward. She really took a good care of me noong mga panahong kailangan ko ng medikal na atensyon. I salute and owe my life to them. Andaming mga sakrispisyo ang ginawa nila para lang sa amin.

I greet her with warm hug. "Nanay Lou! I miss you so much!" I said while hugging her. Iniharap niya ako sa kanya at ngumiti ng malaki. "I miss you too! Buti napadalaw ka dito! Maraming mga bata na yung nakaka miss sayo. Andiyan din sila Doctora, puntahan mo nalang." She said to me. Pakiwari ko'y nag mamadali siya.

"Teka, nag mamadali kaba nay? Parang tinataboy mo na ako ah?" Pag jo-joke ko sa kanya. Tumawa siya sakin. "Oo at hindi. Oo, nag mamadali ako kasi may mga alaga mo ay kailangan nang i-chemo. Nag karoon kasi ng delay kanina. Tska, hindi kita tinataboy. Ililibre pa nga kita mamaya ng milktea eh," Ani niya sakin. Lumapit siya sakin para bumulong. "Kahit bawal." And we laughed together. Buti nalang cheat day ko ngayon. Hehehe, sorry Doc!

Pumasok na ako at nag lakad papunta dun sa consultation room. Walking at this hall brings back so much memories. Halo-halo na. At first, takot na takot ako sa lugar na 'to. Kasi iniisip ko palang na pupunta kami dito, eh sakit na agad ang mararamdaman ko. But it turned out to be my home as time goes by. Home that opened my eyes in every aspect of life. Andaming nangyayari dito araw-araw. Bawat makakasalubong mo may mga sari-sariling laban. Bawat makakasalubong mo may tinatagong lungkot at pilit pinipigil ang mga luha mula sa kanilang mga mata. Isa itong lugar na 'to na humulma sakin sa kung anong tao na ako ngayon.

Pag karating ko ng pintuan ay agad ko itong binuksan at nakita si Ma'am JD. Isa sa mga nurse na matagal nang in-charge dito.

"Ma'am JD! Sumiseksi ka yata ah." Pag bati ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang tumili at yumakap sakin.

"Kainis kang bata ka! Bakit ngayon ka lang pumunta dito ha! Ang lapit-lapit lang naman ng UP." Pag rereklamo niya sakin. Every person dito ay naging close namin. Hindi lang ako kundi yung bawat pasyente at magulang na nag papagamot dito.

"Sorry na Ma'am JD. Alam mo namang busy na ang future Psychologist mo eh." Ani ko habang nakangisi sa kanya.

"Well. Tama ka naman diyan. Super busy nga kapag nag med kana." Pag agree niya sakin. Dati pa nila akong wina-warningan na magiging mahirap nga daw talaga kapag nag med ako. Pero kung gusto at mahal ko naman daw ang ginagawa ko, it will be smooth.

"Iwasan ang stress ha. Bawal 'yan. Just take it one at a time. I'm also excited to see you wear your white vest with a DR. at the start of your name. Also, to see you talking to these children to ease their mental state." Ani ni Doctora Ami habang papalapit samin.

Nakipag beso ako sa kanya at nakipag kamustahan. It's critical for a person lalo na sa isang bata kung nag u-undergo siya ng chemotherapy. Ang daming mawawala at mababawas sa kanya. Kaya kakailanganin ng mental health support para maiwasan yung mga overthinking ng bawat pasyente.

After kong makipag kamustahan kala doctora ay nag tungo na ako sa mga chikiting ko.

Pumasok ako sa isang kwarto where they used to play habang nag aantay ng tawag sa check up nila.

"Sinong hindi naka miss kay ate?" Ani ko pag pasok ko ng kwarto. Agad silang nag takbuhan papunta sakin. I miss this little hugs! Ang kukulit!

Nakipag laro muna ako sa kanila at tinuruan ng mga basic lessons sa age nila. Gusto ko na lagi ko silang natuturuan para may alam sila kahit hindi sila pumapasok sa school.

Pero napansin ko na tahimik si Emjay. Isang batang may Leukemia. And I think it is in stage four na. Lumapit ako sa kanya para kamustahin siya.

"Hi, Emjay! Namiss ka ni ate. Kamusta kana? Bakit parang ang tahimik mo?" Masigla kong tanong sa kanya.

Pero imbis na sagutin ako ay bigla ako nitong niyakap. Yakap na sobrang higpit. I hugged him back. But I feel na may mga luhang pumatapak sa likod ko. Oh, no. Why do I feel something bad.

Minabuti kong puntahan yung mommy niya, si Ate Jenna.

"Ate Jenna. Bakit po umiiyak si Emjay? May nangyari po ba?" Tanong ko. Pero bigla ding umiyak si Ate Jenna sa harap ko. Kinabahan ako, what is happening?

"A-ate. Ano po ba ang nangyari?" Nag aalala kong tanong.

"S-si Emjay... tinaningan na siya ng buhay." Nauutal niyang sabi sakin.

Parang tila ay tumigil ang mundo ko saglit. Bakit? Bakit kailangan mangyari to sa mga batang wala namang alam at kinalaman sa mundo?

"Ang sabi samin ng doctor, ay ibigay na hangga't maaari yung mga gusto niya. Pero hindi ko naman alam kung paano." Nag aalangan niyang sabi sakin.

"Po? Ano po bang mga gusto niya?" Hindi ko alam kung bakit yun ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Kasi... ang gusto niya eh makita yung Dave Ildefonso. Alam naman nating lahat na sikat yun eh. Paano naman ako makakalapit dun?" Tanong niya sakin.

"Huwag po kayong mag alala. Gagawan ko ng paraan. S-sa Family day! Sa saturday na yun diba?" Tanong ko. Tumango naman siya sakin.

"Okay. Dadalhin ko dito si Dave Ildefonso sa saturday kasabay nung family day. Ang gawin niyo po muna is to keep Emjay relax. Always talk to him and never leave him alone." Paalala ko.

"S-sigurado kaba? Kaya mo? Kung ganon. Maraming maraming salamat sayo." Ani niya bago yumakap sa akin.

Ten Thousand Hours Where stories live. Discover now