Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Kasi naman! Kami agad? As in agad agad? Ano yun? Naihipan ng hangin yung utak niya? At siya mismo yung nag decided ha. Kaming dalawa dapat 'to diba?
And hanggang ngayon, clueless parin ako kung saan kami pupunta. Like, hindi naman niya ako siguro ililigaw diba? Kanina pa ako tanong ng tanong, ayaw niya naman akong sagutin.
Ano na ghorl?
Hindi naman sa ayaw ko na maging kami. Gusto ko. Pero syempre dapat dumaan parin sa tamang proseso. Teka, ano ba yung tamanag proseso?
Tsaka, ayoko masampal ng mama ko. Ano yun? Uuwi ako dun sa bahay at sasabihin na boyfriend ko na si Dave? Ayoko pa pong mapalayas.
Inikot ko ang mga mata ko dito sa kotse ni Dave. Ang linis at ang bango niya. Mahilig kasi 'to sa mga kotse. Kaya walang duda na inaalagaan niya talaga 'tong sasakyan niya.
Pero something catch my attention. I saw a small picture frame hanging in his mirror. Nung tinignan kong mabuti, syet! First picture namin 'to ah!
Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya nilagay yung picture namin diyan. I mean, kung sino man ang sasakay dito, eh makikita 'yan!
Pero at the same time, pinipigilan ko ring ngumiti. Dahil pag napansin niya, hindi 'yan titigil kakaasar sakin. Trust me, magaling si Dave diyan. Magaling siyang mang bwisit.
Huminto kami sa isang condominium. Woah. Ang laki ha. Dito kaya siya nakatira? Ewan ko rin.
Nauna siyang bumaba at pinag buksan ako ng pinto. Inalalayan akong bumaba bago niya ayusin yung kotse niya. Ganda ka ghorl?
Nung naayos na niya, sabay kaming nag lakad papasok. And when we entered the condo, syet! Bigla niyang hinawakan yung kamay ko! HHWW?
Grabe yung panginginig ng kamay ko. Hindi ko alam kung ano ba yung dapat na ma feel sa mga oras na 'to. Sa tuwing tatangkain kong alisin yung kamay ko, ay siya namang pag higpit ng hawak niya dito.
Enebe.
Sumakay kami sa isang elevator and magka hawak parin kami ng kamay! Silence is very evident. Wala ni isa samin ang nag sasalita. I can smell his perfume. I smiled. I suggested to him that he must use yung pabango na 'yan dahil hindi masyadong OA yung amoy. Sakto lang for him. Hindi ko naman alam na hanggang ngayon, 'yan parin yung ginagamit niya.
Lumabas na kami ng elevator and walk a little. We stopped sa isang door and he input the password in it. I think that he is living here nga.
Pag bukas ng pinto ay agad nanlaki ang mga mata ko. Oh, my, gosh. Totoo ba 'to?
"T-Tito? T-Tita?" Nauutal kong wika. Ang tagal ko narin silang hindi nakita and I miss them so much! They've been a mother and father figure to me. Since Dave and I knew each other. Mas comfortable kaming gumawa ng mga kung ano-ano sa bahay nila kaysa kung saan kaya naman kilala nila ako.
"Hanna? Ikaw na ba yan?" Tanong ni tita. Lumapit siya samin kasama si tito. Agad akong tumango.
Niyakap niya ako and I hugged her back. I really miss tita! Her cakes to be exact. Lagi niya kasi kaming nilulutuan ng mga cake ni Dave. Lagi pa nga kaming nag aaway ni Dave kung anong flavor ang dapat i-bake.
"Ang laki, laki mo na! Sobrang ganda mo pa." Ani ni tita at kumalas sa pag kakayakap. Tita naman, masyadong nag sasabi ng totoo. Chos!
"Hala! Tita naman. Ikaw nga yun eh!" Ani ko at ngumiti sa kanya. Hugging her makes me feel my mom's presence.
"Sino ba 'yang Tita at Tito na 'yan? Nawala ka lang saglit, iba na agad tawag mo samin." Nag tatampong ani ni tito sakin. Niyakap ko rin siya para hindi na siya mag tampo. I used to call them Nay and Tay rin kasi. Wala lang. Baka kasi hindi na sila sanay na tawagin ko silang ganun. Diba? After what I did to Dave.
"Nay, Tay." Pag tawag ni Dave sa mga magulang niya. Napalingon naman kaming lahat sa kanya. OA nito. Panira ng moment.
"Girlfriend ko nga po pala." Aniya at hinawakan ako sa waist. Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Akala ko hindi siya serious!
Kinurot ko yung tagiliran niya. "Aray!" He shouted and smile at me. Nako, ginigigil mo ako ha! Mamaya ka lang sakin.
Pinanlilisikan ko siya ng mata. I am trying to say to him to explain what is really happening here!
"What?" Natatawa niyang tanong sakin. Hindi ako maka sagot! Syempre nahihiya rin ako sa mga parente niya ngayon.
"Parang ang bilis naman anak?" Interisadong tanong ni Tito habang hinihimas ang baba niya. Nako, naman!
"Mabait naman ako, Tay. Kaso nakita ko na maraming umaaligid. Baka maagaw pa sakin, sobra kasing ganda eh."
YOU ARE READING
Ten Thousand Hours
FanfictionHanna, a normal girl who had a cancer. Cancer made her whole life messed up. But before that happened, she and Dave had something special. Speacial thing that she couldn't imagine she'll lose. But now, they've unexpectedly met and suddenly, Dave w...