"Krezhie anak, matulog kana." Mahinahong sabi sa akin ng aking ina.
"Mom, tatapusin ko na lang po ito. Mabilis lang naman po, tsaka bukas na po ang pasa nito eh."
"Siya sige, tapusin mo na yan at pagkatapos matulog kana, okay?"
"Yes, Mom."
"Tutulog na ako."
"Opo"
"Good night" nakangiting pagpapaalam niya sa akin and I smiled back, "Good night Mom."
Pagkalabas niya ay mabilis kong tinapos ang aking mga assignments. Inayos ko na rin ang aking mga gamit para sa pagpasok ko sa eskwelahan bukas. Pagkatapos kong gawin ang mga ito ay agad na akong humiga sa aking kama.
Habang pinagmamasdan ko ang aking silid ay biglang naagaw ng aking atensyon ang aming family picture. Nandoon ako, si Mom at si Dad.
I miss you Dad.
Nasa France kasi si Dad. Dun siya nagtatrabaho. Siya ang namamahala ng mga ari-arian ng family nila doon. Naiintindihan ko naman si Dad tsaka umuuwi naman siya twice a year. Medyo busy din kasi siya doon, maraming ginagawa. Ikaw ba namang mamahala ng isang kumpanya at mga ari-arian diba? Nakaka-stress yun and I understand him kaya hindi ako nagkakaroon ng anumang hinanakit kung minsan lang siya maka-uwi dito sa amin sa Pilipinas.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng biglang maisip ko na mag online, baka kasi may nagchat sa akin.
Pagka-online ko, gaya ng inaasahan meron nga. Nangunguna ang chat ng boyfriend ko.
*chat from Samjun Ogam
Babe hindi kana nakapag-online eh..siguro busy ka po
Busy sa mga school works mo
Wag ka mag-alala babe, naiintindihan kita. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha at ganun din ako para maganda ang future natin. I miss you and I love you. Good night sweet dreams...Muahh!Napangiti na lang ako sa ka-sweet-an ng boyfriend ko. Napaka-swerte ko sa kaniya dahil naiintindihan niya ako. Hindi kasi siya gaya ng iba na tampuhin, yung tipong hindi lang nareplyan ay magagalit at magtatampo na agad. Iba siya, he is an understanding boyfriend.
BTW, ldr kami ni Samjun. Sa States kasi siya nag-aaral eh. Dun kasi sila nakatira. Minsan lang sila umuwi dito sa Pilipinas, tuwing bakasyon lang kaya siguro ganun na lang ang pagka-miss naming dalawa sa isa't-isa.
Pero kahit na ganun, hindi naman ako gaanong nalulungkot kasi marami namang nagpapasaya at nagpapangiti sa akin dito gaya ni Mom at mga Kaibigan ko.
They're always on my side...
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520