CHAPTER 3

327 24 0
                                    

MAURICE' POV

Nakita ko lahat ng nangyari. Mula nung nakabangga niya yung babae hanggang sa dumating si Jhade.

Hindi ko na siya pinuntahan nung inaaway siya nung babae kasi lalaki ako, alangan namang makisali ako diba? Tsaka isa pa, alam ko namang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Siya pa ba? Sisiw lang yan sa kaniya. Lagi niya ngang sinasabi na  kaya na daw niya sarili  niya eh, kaya hinahayaan ko na lang. Lagi ko naman siyang binabantayan ng hindi niya alam. Gusto ko kasi lagi siyang ligtas. Ayaw ko ng siya'y nasasaktan, prinsesa ko yan eh.

Pero sa totoo lang, nag-init ang ulo ko nung napansin kong binabastos nung lalaki si Krezhie. Pupuntahan ko na sana siya pero bigla namang dumating si Jhade. Kaya pina-ubaya ko na lang yung lalaki kay Jhade. Pasalamat siya, si Jhade ang humarap sa kaniya. Kung ako yun, tatamaan siya sakin! Masyado kasing mabait si Jhade. Actually, siya nga lagi yung sumisita kay Krezhie eh pag nakikipag basag-ulo. Pero hindi naman masama si Krezhie, ginagawa niya lang yun as self-defense. Marami kasing gustong lumapit at manakit sa kaniya eh kaya ganun na lang ang pagbabantay ko sa kaniya.

Tuwing umaga bago ako pumasok, sinisigurado ko muna na nasa room na siya. Kaya kung late siya, mas late ako haha. Ganun talaga, ginusto ko naman. Okay lang na ma-late ako basta safe yung prinsesa ko.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganun ako sa kaniya noh? Haha. Ako si Maurice De Luna at girbestfriend ko si Krezhie Cortez. May call sign nga  kami eh, BOI. Ayaw niya daw kasi ng masyadong girly kaya BOI ang naisip naming call sign.

Paano ba kami nagka-kilala? Hmmm... hindi inaasahan eh, aksidente lang. Tumatakbo kasi siya nun tapos naglalakad ako. Hindi ko alam na may kasalubong pala ako at hindi rin niya alam, kaya ayun BOOM! SUMALPOK SIYA SA DIBDIB KO. Mas matangkad kasi ako hehe. Edi ayun nga, sumalpok siya tapos nagpa-tuloy siya sa pagtakbo na parang walang nangyari. Napanga-nga nga ako noon eh. Mabuti sana kung sumalpok lang pero hindi, natapunan pa ako ng dala niyang tubig. Hindi man lang siya nag sorry sakin. Tapos kinabukasan, nakita ko ulit siya sa may canteen kaya  nilapitan ko siya.

---FLASHBACK---

"Hi" pagbati ko sa kaniya.

"Do I know you?" Taas-kilay niyang tanong sa akin.

Taray naman...

"Nope."

"Oh bakit ka nag ha-hi sa akin?"

"Bakit masama ba?"

"Oo kasi hindi mo naman ako kilala."

"Ahh...alam mo bang masama ding hindi mag sorry lalo na kung naka purwisyo ka?"

"Anong connect?"

"Wala kang naaalala?"

"Huh?"

"Hindi mo ako naaalala?"

"Hindi."

"Talaga ba?"

"Ano ba?! Ang kulit mo." Inis na sabi nito na naka-kunot pa ang noo. Hahaha ang sarap inisin nito oh.

"Mag sorry ka sakin." Sabi ko.

"Ano?"

"Sabi ko, mag sorry ka sakin."

"At bakit?"

"Basta."

"Tss ewan ko sayo." Mataray na sabi nito sabay talikod kaya pinigilan ko, hinawakan ko ang braso niya baka maka-alis eh. Hindi ako papayag ng hindi siya mag so-sorry sakin.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

"Bibitawan lang kita pag nakapag sorry kana."

"Bakit nga kasi ako mag so-sorry? Wala naman akong ginawa sayo!"

"Wala? Talaga ba? Baka nakakalimutan mo, sumalpok ka sa dibdib ko tapos tinapunan mo pa ako ng tubig na dala mo."

"Abay malay ko bang ikaw yun."

"Mag sorry ka na bilis."

Mataas kasi pride ko hehe.

"Ayaw ko."

"Mag s---" hindi ako natuloy sa pagsasalita ng biglang may isang lalaki na sumulpot.

"Boss may problema ba?" Tanong nito.

Wow boss...

"Boss ito kasi eh, pinag so-sorry ako eh ayaw ko nga."

"May ginawa ka ba para maging dahilan para mag sorry ka?"

"Wala."

"Anong wala? Tinapunan mo ko ng tubig kahapon tapos wala!" Galit na sabi ko.

"Ay siya ako na ang hihingi ng sorry pre. Pasensya kana, mataas kasi talaga ang pride nitong boss ko eh."

"Pasalamat kang babae ka, mabait 'tong boss mo!" Inis na sabi ko sabay irap niya sa  akin na lalong ikina-inis ko.

---END OF FLASHBACK---

Nakakatawa kung pano kami nagka-kilala diba? Haha di ko inakala na dahil dun magiging close kami. Hindi ko akalain na magiging kaibigan ko siya.

Siguro nga mali ang unang pagkakilala namin sa isa't-isa. Akala ko suplada siyang babae pero mali pala ako, napaka-bait niya.

Minsan nga pag nalalaman nun na hindi ako kumain ng umagahan nagagalit yun sakin. Hindi ako pinapansin buong araw. Syempre ayaw ko ng maulit pa yun kaya kumakain na ako palagi haha.

Aminado akong mataas din ang pride ko pero pag dating kay Krezhie nababa agad ang loob ko, mapagkumbaba kumbaga. Talo kasi ako nun eh, lalo na pagdating sa kalokohan at pilosopohan.

Ang lakas lakas nung man-trip sakin. Pero pag siya ang pinag tripan ko magagalit, hayss ang unfair niya hahaha. Okay lang, dun siya masaya eh. Hahayaan ko na lang.

Alam niyo ba, napaka tunay niyang kaibigan. Kasi kahit nag ka boyfriend na siya, di parin siya nakakalimot sa aming mga  boybest niya. May time parin siya sa aming lahat. Tsaka fair siya sa lahat, sa aming mga boybest niya. Pantay-pantay ang pagtingin niya sa amin, wala siyang paborito.

Actually hindi naman kaming mga boybest niya magkaka-close. Hindi rin kami magkaka-kilala. Dahil kay Krezhie nagkakila-kilala kami at naging close. Gaya na lang pag magkakasama kami, pag may ginawang mali si Krezhie. Pinagsasabihan namin siya kaya wala siyang nagagawa kundi sumunod kasi nag kaka-isa kami. Magkaka-sundo kami pag dating kay Krezhie.

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon