SAMJUN'S POV
Pagkapatay ko ng tawag ay akoy napa-upo sa aking kinatatayuan. Bigla akong nanlumo. Kitang-kita sa labi at mata ng girlfriend ko ang saya. Ang saya na boybest niya ang nagdulot. Sana ako na lang yung nandun para pasayahin siya. Ayaw ko man na pasayahin siya ng iba, wala akong magagawa kasi syempre malayo ako. Yung mga boybest niya lang ang nandun para magawa yun.
Pero nagpapasalamat ako ng sobra sa mga boybestfriends niya kasi lagi silang nandiyan para sa girlfriend ko. Pero kahit na ganun, di ko parin talaga maiwasang makaramdam ng selos. Kasi syempre sila yung laging kasama ni Krezhie, samantalang ako na boyfriend niya ay tuwing bakasyon lang. Hays bakit pa kasi ayaw akong pag aralin ng mga parents ko sa Pilipinas eh. Edi sana araw-araw kong nakakasama si Krezhie.
Nagseselos ako kasi syempre mahal ko si Krezhie, mahal na mahal. Siya lang ang babaeng nakapag paramdam sakin ng ganito. Yung tipo na makita ko lang na masaya siya habang hindi ako yung kasama ay masakit na. Alam niyo yun, yung parang may kumikirot sa dibdib ko.
Kahit walang kwentang bagay pinagseselosan ko pero di ko yun sinasabi kay Krezhie. Ayaw kong malaman niya yun at alam kong sesermonan ako nun na kung bakit daw ba ako nagseselos eh mga kaibigan niya yun. Alam ko naman yun, kaya nga sila yung pinagkatiwalaan kong tagabantay ni Krezhie eh habang malayo ako. Pero kahit syempre di mawala-wala sa isip ko na what if ma-inlove siya sa isa sa mga yun? What if mas piliin niya yung mga yun over me? Paano na ako?
Sa bawat tanong na pumapasok sa isip ko ay laging isa lang ang inaalala kong kasagutan at yun ay ang MAY TIWALA AKO SA GIRLFRIEND KO.
Totoo at napakalaki ng tiwalang yun. Nangako kasi kami sa isa't-isa na walang lilingon sa iba at ang pangakong yun ang pinanghahawakan ko sa bawat araw lalo na kapag ako'y nagseselos.Miss na miss ko na siya. Gusto ko na ulit siyang makita at mayakap. Kaya sana magbakasyon na para makasama ko na siya ulit. Miss ko ng gumawa ng memories kasama siya. Kaya tinitingnan ko na lang ang mga pictures namin dito sa phone ko. Napakarami pala naming pictures. Naalala ko tuloy kapag pumupunta kami ni Krezhie kung saan-saan, picture dito..picture don haha kakatuwa ang girlfriend ko noh? Mahilig kasi siyang magpicture. Kapag nakikita ko ang mga pictures na yun ay napapangiti ako ng sobra kasi para bang bumabalik ako sa oras na yun dahil naaalala ko ang mga masasayang memories namin at gusto kong dugtungan pa iyon pag nagkita na ulit kami ng binibini ko.
Alam niyo minsan kapag nasa school ako kasama ko ang barkada ko, minsan sinasabi nila na magcheat daw ako kasi hindi naman malalaman ni Krezhie. Madami daw magaganda sa paligid namin pero lagi kong sinasabi sa kanila na AYAW KO, KUNTENTO NA AKO SA GIRLFRIEND KO. Alam niyo yun, yung kahit anong tulak sayo na lumingon ka sa iba..hindi mo magawa kasi loyal ka. Kasi para sakin si Krezhie ang pinakamaganda, wala ng iba. It might sounds cheesy but ganun talaga pag masaya at kontento ka na sa isa. Hindi ka na mag hahanap ng iba kasi alam mong siya ay sapat na. Syempre sa isang relasyon di maiiwasang magkaroon ng problema. Palaging may problema na dapat harapin niyo ng magkasama. Kailangan niyong maging matatag para sa isa't-isa.
Ako aaminin ko, maraming beses na akong sinubok ng panahon. Sinubok na bumitaw at sumuko sa relasyong mayroon kami ni Krezhie pero pilit at pilit ko itong nilalaban sa sarili kong paraan. Lagi ko lang isinasaisip na matatapos din 'to. Malalampasan ko rin ang lahat ng ito. Kakayanin ko ang lahat ng pagsubok sa abot ng aking makakaya. Konting tiis na lang at makakasama ko na ulit ang girlfriend ko.
*phone rings
*incoming call from Aljohn
Pre napatawag ka?
Pre pumarito ka sa school,
Bilis!Huh? Bakit?
Basta! Bilisan mo na.
Oo na coming.
Geh hihintayin kita
Sa may canteen.Sige
*call ended
Naku pano na yan? Hindi na ako makakatawag kay babe mamaya. May gagawin ako. Makapag iwan na nga lang ng chat sa kaniya. Sana maintindihan niya ako.
Babe sorry, hindi na kita
Makaka-usap mamaya.
Pinapapunta kasi ako sa
School namin eh. Something
Happened siguro. Don't worry
Babe, I'll call you pag naka-uwi na
Ako. Take care and I love you!
Pagka send ko ng message ko kay Krezhie ay mabilis kong kinuha ang bag ko at nagtungo sa driver's room ng mansion namin. Isa lang ang nakita kong driver namin doon at yun ay si Kuya Gerome."Kuya Gerome, paki-hatid ako sa school." Nagmamadali kong sabi sabay takbo papuntang garahe at agad naman siyang sumunod sa akin . Nung nakasakay na kami ay nagsimula na siyang magdrive.
"Kuya Gerome, pakibilisan naman oh. Importante lang."
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520