Habang nagkaklase kami ay hindi ko mapigilang lingunin si Pre mula sa aking kina uupuan. Katabi niya kasi si Trisha, kilala niyo naman yun. Delikado ang babaeng yun lalo pa at parang may interes ito sa aking boybest.
Paminsan-minsan, habang ako'y lumilingon kay Verl Jhon ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin kaya naman ako'y natatawa ng wala sa oras.
"Shh!" Pagsaway sa akin ni Aldren na nakikinig sa discussion. Kaya naman aking tinakpan ang aking bibig gamit ang aking dalawang kamay.
Maya-maya pa lamang ay muli ko na namang nahuli si Pre na nakatingin sa akin at ako'y natawa na naman dahil nakita siya ng A.P. teacher namin.
"Mr. Adamian, may sasabihin ka ba kay Ms. Cortez?" Tanong nito at kinakabahang umiling ito na akin namang ikinatawa. Dahil dun ako ay pinag tinginan ng mga kaklase ko. Napatungo ako bigla dahil sa pag kailang. Pero kahit na nakatungo ako ay tuloy pa rin ang aking pagtawa, pero mahina lang.
"Krezhie" pagtawag sa akin ni Aldren kaya naman ako'y napatunghay. "Kanina ka pa tawa ng tawa diyan. Ano bang tinatawanan mo diyan?" Taas-kilay niyang tanong sa akin.
"Haha si Pre kasi, kanina pa tingin ng tingin at nahuli siya ni Ma'am hahaha." Bulong ko.
"May gusto ata sayo yung boybest mong yun eh?" Pang-aasar niya.
"Luhh parang baliw 'to! Hahaha ganun lang talaga yun. Mula pag kabata kasi namin magkaibigan na kami." Pagpapaliwanag ko.
"Ahh...siya tumahimik ka na at makinig sa discussion." Natatawang sabi nito na akin namang ginawa.
Maya-maya habang nagkaklase kami ng Filipino ay naagaw ang pansin ko ni Trisha. Bigla kasi akong may narinig na mahinang tawa, tawa na parang nang-aakit na t*nga. Peaceyow!
Nang akin siyang lingunin ay nakita ko ang ngisi niya sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang katauhan ni Verl Jhon. Bigla akong kinabahan sa aking nakita. Hindi malayong landiin ni Trisha ang gaya ni Pre na may hitsura.
Lumipas ang isa, dalawang linggo.
Nagpatuloy ang gawain ni Trisha na ganun. Sa tingin ko pa ay palala ng palala sa bawat araw. Sinasabihan ko naman si Pre na mag-ingat siya kay Trisha kasi baka nga ano, mahirap na lalo pa't may boyfriend ito. Baka pag-initan siya ni Van Josh, iba din kasi ang ugali ng isang iyon.
"Susntone, ano ang inyong masasabi sa katauhan ni Crisostomo Ibarra?" Tanong ng aming Filipino teacher at nag sitaasan kami ng kamay. "Halos lahat ay nais sumagot ah... mabuti pa ay isulat niyo na lamang ang inyong mga kasagutan sa inyong kwaderno at pag tapos na kayo ay ilagay niyo dito sa mesa sa unahan. " Pagtatapos niya.
Gaya ng utos ng aming guro ay isulat ko nga ang aking sagot sa aking notebook.
Napansin kong parang nakatingin sa akin si Aldren kaya ako'y napatunghay.
"B-bakit?" Tanong ko.
"Inaantay kita, para ako na ang magpapasa ng sa ating dalawa." Sagot niya na ikinangiti ko.
"Wow bait mo ngayon ah?" Pagbibiro ko na ikinatawa naman niya.
"Tss mabait naman ako sapul."
"Talaga lang ha?" Natatawa kong tanong.
"Haha akin na nga yan." Sabi niya sabay hawak sa aking notebook. "Tapos ka na ba?" Tanong niya.
"Opo Sir!"
Napatawa na naman siya.
"Sir ka diyan!" Galit-galitan niyang sabi sabay tayo at tungo sa unahan para ilagay ang aming kwaderno sa mesa ni Ma'am.
Pagkabalik niya ay agad siyang umupo at ako'y kinausap.
"Krezhie, tingnan mo yung Pre mo oh. Mukhang nag e-enjoy katabi si Trisha." Sabi nito sabay pasimpleng itinuro ang dalawa.
"Hayaan mo na sila, alam kong may dahilan ang lahat ng ginagawa ni Pre. Abangan mo lang."
"Okay sabi mo eh."
"Teka, bakit parang affected ka sa dalawa?" Tanong ko na ikinatawa niya. "Type mo si Trisha noh?" Dagdag ko na lalo niyang ikinatawa.
"Anong sabi mo? Ako? Type si Trisha?" Tanong niya sabay kunwaring nasusuka.
"Haha grabe ka naman. Bakit maganda naman si Trisha ah?"
Tinetest lang kita Aldren haha.
"Tss maganda nga, makati naman."
"Grabe siya...pero maganda nga?"
"Oo pero gaganda pa ba yun sayo?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko sa gulat.
"A-ano?"
"Wala sabi ko, wag kang maingay."
"Luhh ang daya, sabi mo maganda ako eh."
"Huh? Kailan?"
"Kanina"
"Wala kaya."
"Hala kadaya naman."
"Haha wala nga."
"Haha joke lang." Natatawa kong sabi.
"Joke lang din." Sabi niya na naging dahilan para hampasin ko siya sa braso. "Aray! Haha bakit mo ako hinampas?"
"Ikaw eh, niloloko mo 'ko."
"Hahaha sorry na agad. Oo na totoo yung narinig mo, maganda ka."
"Yay! Hahaha ganda pala ako eh." Pagbibiro ko.
"Ano? Happy na?"
"Hahaha haping-happy."
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520