KREZHIE'S POV
"Sige Boss, hakbang ka lang ako bahala sayo." Sabi ni Jhade habang inaalalayan ako sa paglalakad. Piniringan niya kasi ako kanina, hindi ko alam kung bakit. Pumayag ako kahit may kaunting tampo pa ako sa kanila, pinilit kasi nila ako. Naiinis lang ako kapag nangulit pa sila ng nangulit.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Tanong ko na may konting inis.
Hindi kasi mawala sa isip ko na baka pag tripan na naman ako ng mga ito at isa itong ginagawa ni Jhade sa mga iyon.
"Basta." Sagot ni Jhade kaya naman ako'y huminto sa paglakad. "Bakit ma tumigil?"
"Baka kasi kung saan mo ako dalhin."
"Di naman ako ganun Boss."
"Saan mo nga kasi ako dadalhin?"
"Secret nga, kaya nga kita pinirinigan eh tapos sasabihin ko sayo kung saan? Edi wala din. Kaya tara na, humakbang kana. Nang makarating na tayo doon." Sabi niya na nakakumbinsi sa akin na humakbang muli.
Maya-maya pa lamang ay biglang huminto si Jhade sa paglalakad kaya naman ako'y napahinto rin.
"Bakit ka tumigil?" Tanong ko na may konting inis pa rin.
"Nandito na tayo Boss." Masaya niyang sabi. Alam kong masaya ito kahit hindi ko siya kita kasi halata sa tono ng kaniyang pananalita. "Ready ka na ba? Kung ready ka na ay tayanggalin ko na itong piring mo?" Tanong nito.
Bigla akong nakaramdam ng pag ka-excite sa sinabi niyang iyon. Nawala ang inis ng nadarama ko kanina. Kaya naman dahil sa pag ka-excite ko ay napasigaw ko ang aking sagot sa kaniyang katangungan.
"Ready na!"
Pagkasigaw ko ay sabay na natanggal ang piring sa aking mata pero dilim lamang ang bumungad sa akin. Wala akong makita kahit ano. Madilim ang paligid. As in DILIM. Muling nabuo ang inis sa aking loob na kawawala lamang kanina.
"Ano na namang pakulo 'to?" Inis kong tanong kay Jhade na hawak-hawak ako sa aking kanang braso.
"Haha sorry boss. Ito na talaga, ito na."
Biglang nagliwanag ang paligid. Ang kaninang dilim ay napalitan ng liwanag ng mga ilaw na nakapalibot sa amin.
"Charan!" Sigaw ni Jhade habang turo-turo ang isang higanteng kahon na nasa aking harapan.
Grabe, ang laki.
"Ano yan? Anong meron? Para kanino?" Sunod-sunod kong tanong.
"Haha Boss isa-isa lang ang tanong. Ano yan? Gift box. Anong meron? Secret. Para kanino? Sayo."
"S-sakin?" Di makapaniwalang tanong ko at tumango siya. "Sure?" Tanong ko ulit at tumango lamang siya muli.
Muli kong ibinalik ang aking tingin sa higanteng regalo na nasa aming harapan.
Grabe! So big! At sakin daw ito.
Pinagmasdan kong maigi ang giant gift box na ito. Pinagmamasdan habang inikutan ko ito para makita ang kabuuan.
Hihilahin ko na sana ang malaking pulang ribbon na magbubukas dito pero biglang hinawakan ni Jhade ang braso ko.
"Bakit?"
"Boss hindi mo pa maaaring buksan yan."
"Bakit?"
"Dahil kailangan mo muna kaming makita."
Bigla akong napatingin sa aking likuran ng biglang may nagsalita doon.
Paglingon ko ay bigla kong nakita ang aking ina.
"Mom!" Masaya kong sigawa habang takbo-takbo papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Mom, ano pong ginagawa niyo dito?"
"Hindi maaaring mawala ang pasimuno ng lahat."
Bigla akong napatingin sa bandang likod ni Mom. Si Verl Jhon pala at kasama pala silang lahat.
Yayakapin ko na sana sila pero bigla kong naalala na may tampo nga pala ako sa kanila. Kahit maliit na bagay lang ang dahilan ng tampuhan naming iyon ay talagang dinamdam ko kasi madamdamin akong tao. Nasaktan din kasi ako nung pagtulungan nila ako. Ni-isa man lang sa kanila hindi ako kinampihan. Nilampasan ko na lamang sila ng tingin na parang hindi ko sila nakita.
Muli ko na lamang ibinalik kay Mom ang aking tingin.
"Mom ano po bang laman nun?" Excited kong tanong.
"Halika, lapitan natin nang iyo na iyang mabuksan at malaman ang laman." Sagot ni Mom habang hawak-hawak ang aking kamay habang naglalakad papalapit sa regalo. "Sige anak, hilahin mo na."
Gaya ng sabi ni Mom ay hinila ko na ang pulang ribbon na nagsasara at nagbubukas sa regalong iyon.
Pagkahila ko ay dahan-dahang natumba ang apat na malalaking karton at tuluyan nang ipinakita ang laman nun.
Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakitang laman nuon. Halos hindi ako makapagsalita sa pagkabiglang nadama ko. Napa-upo na lamang ako habang naluluha sa aking kinatatayuan. Lubos-lubos ang aking galak.
"Sige anak, lapitan mo na ang Dad mo." Sabi ni Mom sa akin habang inaalalayan ako patayo.
Nung ako ay makatayo na ay dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa papalapit sa aking pinakamamahal na ama.
Nung siya ay nasa akin ng harapan ay hindi na ako nagdalwang isip pa na siya'y yakapin ng mahigpit.
"Dad! I miss you!" Masaya kong sabi.
"I miss you too my Princess." Sabi ni Dad sa akin sabay halik sa aking noo.
Namiss ko 'to, sobra!
"Dad bakit hindi niyo ako sinabihan na uuwi pala kayo?" Nakangiti kong tanong habang pinupunasan ang sarili kong luha.
"Gusto kitang sorpresahin anak."
"Talaga Dad?" He nod. "Aww! Thank you!"
"Hindi ako ang dapat mong pasalamatan anak. Kundi sila." Sabi ni Dad sabay turo sa mga boybest ko.
Magpapasalamat ba ako sa kanila? Ihh may tampo pa ako sa kanila eh. Pero dahil sa kanila, masaya ako ngayon. Kaya...
"Sige na nga!" Nakangiti kong sigaw sabay yakap sa kanilang anim. "Thank you!"
"Welcome as always our princess." Sabay-sabay nilang sabi na lalong nakapag pangiti sa akin.
"Mga hijo, salamat sa inyong tulong para sa sorpresang ito sa aking pinakamamahal na anak. Gusto ko din palang magpasalamat kasi naging kaibigan kayo ng anak ko. Salamat dahil hindi niyo siya pinababayaan. Napaka laki ng pasasalamat ko sa inyong anim. Hayaan niyo at babawi ako sa inyo."
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520