CHAPTER 22

120 19 0
                                    

KINABUKASAN

Myghad! Late na ako!

Takbo-takbo ako ng mabilis patungong classroom ko. Mabilis, matulin. Hinahabol ko ang bawat segundo.

Kakainis naman si Aczel eh! Ang tagal-tagal.

Kanina ko pa kasi siyang hinihintay dun sa may pathway. Gaya ng aming usapan araw-araw na tuwing umaga niya ako sasabayan.

Lumipas ang mahigit 30 minuto na aking paghihintay. Kung patuloy ko pa siyang hihintayin ay tiyak na mahuhuli ako sa aming klase, male-late ako.

Kaya heto ako ngayon, tumatakbo na parang kabayo. Kulang na lang ay mapatid ako ng mga batong nadadaanan ko.

"Ah!" Pagdaing ko dahil sa sakit ng balikat ko.

Hindi ko namalayan na habang tumatakbo pala ako ay may kasalubong ako at nagkabangga ang aming balikat.

Hays, lagi na lang. Mamalag-malag na naman ako!

"Ay bastos!" Sigaw nung babaeng nakabanggaan ko. Natapunan pala siya ng kapeng dala niya.

"Trisha, sorry..."

"Sorry? Nakikita mo ba ang ginawa mo sakin? Ha?" Inis niyang tanong habang nandidiring tinitingnan ang kaniyang blouse.

"Pasensya na, di ko naman sinasadya." Sabi ko sabay subok na punasan ang blouse niya pero bigla niyang tinabig yung kamay ko.

"Ano? Hindi mo sinasadya? Talaga ba?" Mataray niyang tanong.

Pasalamat ka, ako ang mali sa sitwasyong ito. Kung nagkataong ikaw ang mali, tatarayan din kita. Kala mo ha!

"Maniwala ka Trisha. Hindi ko tal--"

"Ang sabihin mo, may galit ka sakin! Kasi akin na si Van Josh ngayon."

"Hindi gan--" bigla akong napahinto sa pagsasalita ng biglang makarinig kami ng nakakabinging sigawan at iritan ng mga kapwa naming babaeng estudyante.

"Oh my! May dumating daw!"

"Gosh! Ka-edad daw natin!"

"Bess! Akin yung isa ha!"

"Basta sakin yung leader!"

Ang iba naman ay nakita kong nakikipag-away pa sa mga kaibigan nila dahil sa pagkataranta.

"Siz ano? Okay na ba 'tong make-up ko? Maganda ba?" Tanong nung isang babae habang patingin-tingin sa sarili niya sa salamin.

"Oo, okay na yan. Tara na!" Nagmamadaling sabi nung kaibigan sabay hila dun sa babae pero hindi nagpahila yung babae. "Sasama ka ba o hindi?"

"Sasama malamang."

"Oh, tara na!"

"Wait lang!"

"Ano na naman?"

"Okay lang ba yung face powder ko? Hindi sobra? Okay lang?"

"Ano ba, kanina pa yan eh. Tara na baka di natin sila mabutan."

"Tara na nga."

Nagmamadaling nagtatakbuhan ang mga ito patungong harap ng gate.

Naguguluhang natulala na lang kami ni Trisha. May pagkakataon ding kami ay nagkakatinginan na para bang naguguluhan.

Maya-maya pa lang ay biglang humila si Trisha ng isang babae mula sa mga tumatakbo.

"Anong nangyayari?" Tanong nito sa babae.

"May gang daw na dumating dito sa school natin at dun kami papunta." Mabilis na sagot nung babae. Tatakbo naulit sana ito pero pinigilan siya ni Trisha. "Ano? Nagmamadali ako!"

"Teka lang, last question na."

"Ano? Bilis!"

"Bakit kayo pupunta dun? Diba gang nga? Masama ang mga yun."

"Oo, alam naman ng lahat yun dzuhh!"

"Bakit pupunta ka pa rin? Alam mo naman pala na ganun nga?"

"Syempre naman, mga gwapo daw kasi kaya bitawan mo na ako!" Inis na sabi nung babae sabay mabilis na tumakbo papunta doon sa harap ng gate.

"Gwapo? Oh My, Wait! Hintayin mo ako, sasama ako!" Sigaw ni Trisha sabay dali-daling sumunod dun sa babae.

Anyare na sa Earth?

Gusto ko ring makita ang tinutukoy nung babae. Hindi dahil sa gwapo sila, kundi dahil curious ako kung sino-sino ba sila.

Gustuhin ko mang makita iyon ay hindi na ako nakipag sabayan pa sa mga babaeng nagsisiksikan at nagkakagulo. Kaya nanatili na lang ako sa aking kinatatayuan.

Maya-maya pa lamang, ang kaninang mga nagsisiksikang mga estudyante ay biglang nahawi sa gitna. Nagsi tabi ang mga ito na para bang nagbibigay sila ng daan.

Makalipas ang ilang segundo, may nakita akong grupo ng mga lalaki na dumadaan sa daang iyon at mula ito doon sa gate.

Hindi kaya, sila yung gang na tinutukoy nung babae kanina?

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon