"Pre, may problema ka ba kay Krezhie?"
"Wala naman, ang ganda niya kasi."
"Oo maganda siya, eh ano naman sayo ngayon ha?" Muling tanong nito pero di ito pinansin nung lalaki.
Sinubukan na naman ako nitong hawakan pero hindi ko hinayaan.
"Pre, wag mong hawakan si Krezhie."
Hindi na ako naka-iwas ng biglang hanggitin nung lalaki ang kamay ko na ikinagulat ko at na ikinagalit naman nung boybest ko, "Sabi ng wag mong hahawakan eh!" Kaya naman agad siyang nilingon nung lalaki.
"Eh ano bang paki-alam mo?! Bakit ba nangingi-alam ka ha?! Sino ka ba?!"
"Sino ako? Ako si Jhade Sanchez at best friend ko lang naman yang binabastos mo! Kaya pwede ba layuan mo si Krezhie at wag na wag ka ng magpapakita sa kaniya!"
"Binabastos? Ko?"
"Oo! MO!"
"Hindi ko binab---'
"Tama na ang satsat umalis ka na sa harapan ko baka kung ano pang magawa ko sa 'yo!"
"Akala mo matatakot ako sa'yo? Pwe!"
Hindi ko na narinig pa ang pag-uusap nila nung bigla akong hilahin nung babaeng nakabangga ko kanina.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Tingnan mo yung boyfriend mo, makikipag basag ulo sa boybest ko!"
"Tapos?" Pang-iinis nung babae.
"Pigilan mo gag*!" Inis na sagot ko.
"Bakit ko pipigilan? Hayaan mo sila at tayong dalwa ang mag tutuos!"
"Ano?!"
"Wala! Sabi ko, ang b*b* mo!" Mayabang na sabi nung babae sabay tangkang hahanggitin ang buhok ko pero syempre alisto ako kaya agad na iniwasan ko yun sabay suntok sa tiyan nito.
"Ikaw ang b*b*!" Sigaw ko na naging dahilan ng pagtakbo nito sa boyfriend niya.
"Baby! Let's go! Let's go!" Pagmamadaling sabi nung babae sa boyfriend niya na agad sinunod nito.
Kaya naman naiwan kaming dalawa ni Jhade dito.
"Boss, are you okay?" Alalang tanong ni Jhade sa akin.
"Yeah, I'm fine. Ikaw okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?"
"Okay lang ako. Tsaka hindi naman ako nakipag basag-ulo gaya MO..."
"Oy! Hindi naman ako nakipag basag-ulo ah!"
"Hindi ba? Eh bakit nagka-ganun yung babae? Bakit biglang tumakbo?" Natatawang tanong ni Jhade.
"Abay malay ko!" Pag tanggi ko na alam kong hindi nito pinaniwalaan.
"Nako! Boss wag akoooo! Kilala kita, umamin ka...anong ginawa mo dun sa babae?"
"Punch?"
"What?! Boss! Sinuntok mo yung babae?"
"Y-yes?"
"Wth! Boss?!"
"What?"
"Bakit mo naman sinuntok?"
"Syempre tinangka niya akong sabunutan eh, tsaka isa pa...naka-isa na sakin yun kanina. Hindi naman ako papayag na ma-doblehan ako nun noh! Dzuhh!"
"Hays, kahit na...Pano kung isumbong ka nun sa magulang niya tapos ipa-guidance ka?"
"Tss ano siya bata, para magsumbong?" Tanong ko sabay irap sa hangin.
"Hays..pinapa-iral mo na naman yang ka-pilosopohan mo eh." Pag sesermon sakin ni Jhade na ikina-busangot ko. "Oh bakit hindi ka na naka-imik diyan?" Tanong nito.
"Eh paano? Kahit naman anong sabihin ko, hindi mo maiintindihan yung side ko."
"Boss, naiintindihan kita. Kaya nga pinapangaralan kita eh para sa sunod, alam mo na ang dapat mong gawin."
"Hays oo na! Oo na! Ikaw naaa. Panalo kana, sayo na ang korona."
"Boss naman eh, seryoso ako."
"Sorry naman..." naka-tungo kong sabi.
"Oh sige pumunta kana sa room mo at late kana." Natatawang sabi nito na ikinatawa ko rin naman.
"Oo nga noh! Myghad! Sige boss bye bye muna, see you later!" Sigaw ko habang tumatakbo patungo sa classroom ko.
JHADE'S POV
Si boss talaga, kahit kailan...napaka-taas ng pride! Hinding-hindi magpapatalo eh. Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko yun.
Actually kanina, hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako dun sa babae eh. Suskupo! Hitsura baga! Hahaha.
Btw ako nga pala si Jhade Sanchez. Krezhie is my Girlbestfriend. Nakilala ko siya sa hindi inaasahang pagkakataon. Kasi sa chat lang kami nagkakilala eh. Na-wrong send ako hehe. Hindi ko naman sinasadyang ma-wrong send eh bakit ba? Haha. Pero alam niyo ba, iba siya. Iba siya kasi kung sa iba siguro ako na-wrong send, kagagalitan ako. Siya kasi hindi eh. Pinagsabihan niya lang ako, na sa susunod daw...mag iingat ako sa pagsesend ng mga bagay-bagay lalo na kung ito'y importante.
Pero alam niyo ba, kahit mataas pride nun, lab na lab ko yun! Napaka-bait nun. Siya lang ang babaeng nakaka-intindi sa ugaling meron ako, syempre maliban sa mama ko haha. Siya lang din yung kaibigang laging nandiyan para sakin kaya naman ganun din ako sa kaniya. Siguro curious kayo kung bakit ako ganun sa kanya noh? Mahalaga kasi siya sa akin. Prinsesa ang turing ko sa kaniya. Pero lilinawin ko lang ha, magkaibigan lang kami. Boss ang call sign namin. Ewan ko ba kung bakit boss, ang mahalaga tunay kami sa isa't-isa.
Bihira lang maka-hanap ng babaeng gaya niya. Yung tipo ng babae na maganda na, mabait pa! Oh diba? San kapa?! Hahaha..kaso tampuhin at mainitin ang ulo hehe.
---FLASHBACK---
"Boss, pansinin mo naman ako oh." Pagmamaka-awa ko na di niya pinansin. "Boss naman eh, bakit ba bigla kang nagka-ganyan? Bigla kang hindi namansin. May nagawa ba ako? Kung ano man yun, sorry na oh pleaseee..."
"Sino yung kasama mo kanina?"
"Saan?"
"Saan daw!"
"Boss naman eh, saan nga?"
"Dun sa may stage kanina!"
"Ahh kabarkada ko yung mga yun boss."
"Kabarkada? Puro babae?"
"Eh boss ganito kasi yan, tinuturuan nila akong mag model para sa gagawin naming presentation sa miyerkules kaya puro babae sila. Alangan namang magsama pa ako ng mga lalaki? Edi pinagtawan nila ako!"
"Teka...model?"
"Yup."
"Anong ganap? Bakit ka magmo-model?"
"Ang presentation kasi namin ay Miss Q and A."
"Ahh, eh diba mga bakla lang yung nagmo-model dun?" Natatawang tanong nito.
"Oo..."
"Ayy! Barbie ka boss?"
"Uy! Hindi ah! Nukaba! Hindi ako bakla haha. Gagawin ko lang yun para sa grades, alam mo na..."
"Ahh okay, akala ko eh... hahaha"
"Ikaw talaga, teka...ibig sabihin ba nito, kaya hindi mo ako pinapansin kanina ay gawa nung may kasama akong mga babae kanina? Uyyy, si boss oh nagseselos." Pang-aasar ko.
"Uy hindi h--"
"Hindi pa ba yang lagay na yan? Ikaw boss ha, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"
"Hoy wag ka nga! Wag kang feeling."
"Hahaha kalma, binibiro lang eh."
"Hahaha ikaw kasi."
---END OF FLASHBACK---
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520