CHAPTER 26

116 20 0
                                    

KINABUKASAN

Nandito na naman ako sa may bench sa pathway, iniintay si Aczel. Kahit na nasaktan ako kagabi dahil dun sa post niya ay binalewala ko na lang. Wala din namang mangyayari kung magtatampo ako sa kaniya. Tsaka baka naman trip niya lang magpost kasi wala siyang magawa diba? Kaya kinalimutan ko na lang.

Maya-maya pa lamang ay biglang umawang ang pintuan ng gate at iniluwa nito ang taong aking hinihintay. Pagkapasok niya ay saktong sa akin pumatak ang kaniyang tingin kaya naman akin siyang nginitian pero gaya kahapon, seryoso pa rin ang kaniyang mukha at agad na umiwas sa akin.

Nagulat ako ng makita kong may kasunod siyang pumasok sa gate. Hindi lang isa, kundi lima at mga babae pa. Bigla akong napa-isip sa aking nakita.

Hindi naman siya pumapasok ng may kasama ah? Ngayon lang siya pumasok ng may kasama at mga babae pa? Hay naku, ano ba 'tong iniisip ko? Baka naman kakilala lang or kaklase. Hays sana nga.

Naglalakad ang mga ito ng magkakahilera. Si Aczel ang nasa gitna nila na para bang alagad sila nito.

Nung tumapat na sila sa aking harapan ay nakangiti kong binanggit ang pangalan ni Aczel.

"Aczel" pagtawag ko pero laking gulat ko ng lampasan lang ako nito. "Aczel" muli kong pagtawag pero di man lang niya ako nilingon. Tuloy ang kaniyang paghalakhak habang kausap ang mga babaeng yaon.

Para akong hangin.

Kitang-kita ko ang ngiti sa kaniyang labi. Ngiti na nakita ko lang nung mga panahong bago pa lang kaming magkaibigan. Dinig ko rin ang mga tawa niya. Ang mga tawa na kakaiba sa mga tawang naririnig ko noon sa kaniya. Ang saya niya, ang saya-saya niya.

Biglang tumulo ang aking luha mula sa aking mga mata. Bumalik na naman  yung sakit na naramdaman ko kagabi.

Ano bang nangyayari?

Siguro yung mga kasama niya ay yung mga babae na nagcomment sa post niya. Okay lang naman sana eh kung magkaroon pa siya ng maraming kaibigang babae pero di naman dapat ganito. Di naman dapat lampasan lang ang mga taong minsan ng nagpasaya sayo kahit bilang kaibigan lang. Napasaya ko naman siya ah, lagi nga siyang tunatawa sa mga jokes ko kapag kasama ko siya. Pero bakit ganun? Nilampasan niya lang ako kanina na parang hindi niya kilala. Ang sakit lang para sakin kasi bigla siyang nagkaganun. Ano ba kasing nagyari? Ano bang nagawa ko? Wala naman akong maalala na mali kong nagawa para maging ganun ang trato niya sa akin.

Siguro ayaw niya na sa akin. Siguro ayaw niya ng kaibigang gaya ko. Siguro ayaw niya ng ugali ko. Siguro naaartehan siya sa gaya ko. Kung ganun nga ang dahilan, bakit di niya sinabi sakin? Para hindi ganito. Dapat sinabi niya sakin, hindi yung ganitong wala akong alam sa mga pinapakita niya.

Okay lang naman sakin kung kakalimutan niya na ako bilang kaniyang kaibigan. Basta sabihin niya ng maayos. Tatanggapin ko kahit masakit. Tatanggapin ko kahit ayaw ko. Kasi kung dun siya sasaya ay hahayaan ko. Magiging masaya na lang din ako para sa kaniya at kakalimutan ang kaniyang pangakong binitawan sa akin. Ang pangakong HINDI NIYA daw AKO IIWAN.

MAURICE' POV

Totoo ba ang nakita ko? Nagawa ni Aczel yun kay Krezhie? Bakit ganun? Anong nangyari? May hindi ba ako nalalaman? Okay pa naman sila kahapon ah, magkasabay pa nga sila nung umaga eh. Bakit bigla na lang naging ganun si Aczel? Kailangan kong malaman kung anong nangyari. Hindi ako papayag na basta-basta niyang gaganunin si Krezhie ng walang dahilan, hindi ako papayag.

Kababati lang naming apat kahapon, tapos ito naman ngayon?

Humanda kang lalaki ka at aabangan kita.

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon