Ngayon ay nandito na kami sa harapan ng bahay nina Krezhie. Pagkatapos ng aming mga klase ay agad kaming dumiretso dito gaya ng napag-usapan namin kanina.
"Mag doorbell na kayo." Sabi ni Jhade.
"Bakit kami? Ikaw na." Sabi naman ni Maurice.
"Oh bakit ako? Si Sanmer na lang."
"Luhh bakit ako?" Takang sabi ko.
"Nagpa uyuhan pa nga. Ako na nga." Sabi ni Verl Jhon na may konting inis. Kanina pa kasi kami nagpapauyuhan. Mga nahihiya daw, parang first time lang nakapunta dito haha.
Lumipas ang mahigit limang minuto at hindi pa rin nagbubukas ang gate nina Krezhie.
"Bakit hindi nagbubukas?" Takang tanong ni Aldren.
"Subukan mo ulit mag doorbell pre." Sabi ni Maurice.
"Tatawagan ko na lang si Ninang Jasmin." Sabi naman ni Verl Jhon na ikinagulat namin.
"Ninang mo si Tita Jasmin?" Tanong ko.
"Haha oo"
"Bakit di mo sinasabi samin?" Taas-kilay na tanong ni Jhade.
"Hindi naman kayo nagtanong eh. Hahaha peaceyow!"
Ayy pilosopo.
"Haha may pagka Krezhie ka din pala?" Pabirong tanong ni Aldren na ikinatawa namin.
"Haha nahawaan lang." Tatawa-tawang sabi ni Verl Jhon. "Teka lang, tatawag lang ako kay Ninang para makapasok na tayo."
Pagkasabi niya nun ay lumayo siya ng kaunti sa amin at sinimulan ng kausapin ang Mommy ni Krezhie.
...
"Mabuti naman at naisipan niyong dalawin si Krezhie." Nakangiting sabi ni Tita Jasmin.
"Hehe syempre naman po. Nag-alala po kasi kami, absent po pala siya eh hindi man lang nagsabi maski isa sa amin." Magalang na sabi naman ni Jhade.
"Ahh hindi ba siya nagsabi? Kahit isa man lang sa inyo?" Takang tanong ni Tita at tumango kami na ikinakunot ng noo niya. "Talaga? Mabuti pa ay puntahan niyo na lamang siya sa kaniyang kwarto."
"Sige po Ninang salamat po." Nakangiting sabi ni Verl Jhon.
Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa kwarto ni Krezhie. Dahan-dahang kumatok si Verl Jhon.
*knock knock
"Come in" sabi ni Krezhie na nasa loob.
Dahan-dahan namang pinihit ni Verl Jhon ang doorknob at pagkabukas ay agad kaming pumasok at muling isinara na ang pinto.
"Oy kayo pala." Nakangiting bati ni Krezhie sa amin na nakahiga sa kaniyang kama. "Napadalaw kayo?"
"Amm Pre, nag aalala kasi kami sayo. Absent ka tapos di ka man lang nagsabi kahit isa sa amin." Alalang sabi ni Verl Jhon.
"Ahh oo nga pala, sorry kakagising ko lang eh. Hindi ko na rin nabilin kay Mom kagabi na ichat kayo. Hindi ko naman kasi alam na lalagnatin ako ngayon. Pasensya na kung napag alala ko kayo." Nanghihinang paliwanag ni Krezhie.
"Ahh ganun ba? Okay lang, naiintindihan naman namin." Nakangiting sabi ni Aldren.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Umo-okay na ba?" Tanong ko.
"Amm medyo pero kumikirot-kirot pa rin yung ulo ko."
"Ay siya magpagaling ka na para makapasok ka na, baka may miss kang quiz, patay ka." Pagbibiro ni Aldren na ikinangisi ni Krezhie.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Krezhie at pumasok si Tita Jasmin.
"Gutom na ba kayo? Ipaghahanda ko kayo ng hapunan?" Tanong nito.
"Amm Tita sama po kami. Tutulong po kami sa pag hahain." Suggest ko na pinahintulutan naman niya.
"Oh siya tara na at maghain. Jhade hijo, samahan mo muna ang aking anak dito." Sabi nito sabay labas ng kwarto.
"Sige po Tita." Magalang na sabi ni Jhade.
Agad kaming sumunod kay Tita gaya ng sabi niya. Naiwan naman si Jhade doon kasama si Krezhie gaya ng bilin niya.
JHADE'S POV
"Boss, makakapasok ka na ba bukas?" Tanong ko.
"Hindi ko pa alam Boss. Siguro kung gagaan ang pakiramdam ko." Di siguradong sagot ni Krezhie.
"Nga pala Boss, may nabalitaam ako kanina."
"About?"
"Sayo at kay John Neil." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
"Anong about sa akin at kay John Neil?"
"Pinatigil mo na daw si John Neil sa panliligaw?"
"Saan mo naman nalaman yan?"
"Basta, totoo ba?"
"Oum"
"Bakit? Tagal na ding nanliligaw nun sayo diba?"
"Hindi ko naman siya gusto, tsaka alam ko ang totoo niyang ugali na magaling lang siya pagkaharap ako tapos pag nakatalikod na ako, para na siyang ibang tao."
"Talaga? Ganun si John Neil?"
"Oo, halata naman na hindi siya totoo pag kaharap ako. Para kasing ang weird lagi tapos parang bait-baitan. Alam mo yun?"
"Parang may nabanggit din sakin si Sanmer tungkol kay John Neil na ganyan."
"See?"
"Umm Boss, kung may manliligaw ulit sayo, papayagan mo?"
"Oo naman basta gwapo." Seryoso niyang sagot na ikinanganga ko.
"Eh?"
"Baliw! Syempre joke lang. Ayaw ko muna magjowa. Mas mag fo-focus muna ako sa studies ko."
"Ah--"
*knock knock
"Come in"
"Umm tara na daw, baba na tayo. Hain na." Sabi ni Maurice sabay labas ng kwarto.
Kaya naman inalalayan ko na si Krezhie bumaba ng kama niya at magkasabay na nagtungo sa Dining Room.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520