VERL JHON'S POV
"Bakit pre? May problema ba?" Alalang tanong ko kay Krezhie.
"Nakita ko kasi sina Boss na papunta dito. Sasalubungin ko sana sila pero bigla silang bumalik nung makita nila ako." Sagot nito.
"Baka may nakalimutan lang."
"Hindi eh, ni hindi man lang nga ako nginitian. Parang nagpanggap silang hindi nila ako nakita. Para bang umiiwas sila."
"Umiiwas? Bakit naman nila gagawin yun diba?"
Mabuti naman at tumupad sila.
---FLASHBACK---
Ano kayang magawa? Kaka-boring naman. Kakatapos lang kasi ng pagte-train sa akin ni Dad kahapon at binigyan niya ako ng dalawang araw na pahinga.
Hmm... what if puntahan ko kaya si Krezhie sa school niya? Total, isang buwan na din naman kaming hindi nagkikita. Miss ko na rin siya. Oppss, wala yang malisya ha. Lilinawin ko lang, magkaibigan kami mula pagkabata at ayon sa kaniya, ako ang kauna-unahang lalaki na naging kaibigan niya. Nagkahiwalay lang kami dahil lumipat kami ng tirahan.
Actually, every month ko siya binibisita. Pumupunta ako sa bahay nila. Kinakamusta ko rin kasi ang mama niya na ninang ko, si Ninang Jasmin. Kinakamusta ko rin si Ninong Gino minsan sa video call, nasa France kasi siya.
Gusto kong puntahan si Krezhie pero gusto ko may twist. What if i-surprise ko siya? Pero paano?
Hmm...
Yun! Bukas nga pala ay may gala kami ng mga kagrupo ko. What if pagkatapos naming gumala ay dumiretso na kami sa school nina Krezhie? Malapit naman sa school nila ang pupuntahan namin eh, yun ang alam ko.
Bigla akong napa-isip sa aking gagawin. Ngayon lang kasi ako makakapunta sa school nila at kapag pumunta ako dun, tiyak na hindi ko makakasama ng maayos si Krezhie dahil sa mga boybest niya doon. Tiyak na hati ang atensyon niya sa amin. Ayaw ko ng ganun. Hindi naman sa nagdadamot ako pero gusto kong masolo si Krezhie sa araw na yun. Miss na miss ko na talaga siya, para ko na din yung kapatid. What if kausapin ko ang mga boybest niya about my plan?
Kaya naman agad akong gumawa ng group chat at isinali ko sina Sanmer, Maurice at Jhade.
-CALL-
Hello?
Sanmer: Uy Verl Jhon!
Kamusta?Jhade: Anong meron?
Bakit may gc?Maurice: Oo nga, anong meron?
Mga pre pasensya na sa
Abala. May papaki-usap sana
Ako.Jhade: Ayos lang pre,
Ano ba yun?May plano kasi ako.
Maurice: Ano?
![](https://img.wattpad.com/cover/218022655-288-k82277.jpg)
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520