CHAPTER 27

114 19 0
                                    

KINABUKASAN

(Break time)

KREZHIE'S POV

Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang mga naganap kahapon. Halos mawalan ako ng gana sa lahat. Sa pagkain at sa paggawa ng takdang aralin. Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil dun. Lagi akong napapa -isip ano bang kulang? Bakit? Paano? Ni hindi ko na nga rin nagawang makipag-usap ng maayos sa boyfriend ko. Sobra akong naapektuhan ng mga pangyayari. Kaya ngayon, tulala na naman ako sa kawalan.

"Uy Krezhie" pagtawag sa akin ni Sanmer kaya naman akin siyang nilingon ng may blangkong ekspresyon. "Ayos ka lang ba?" Tanong nito at tumango naman ako.

"Boss, may problema ka ba?" Alalang tanong naman ni Jhade at umiling ako. "Eh bakit ka ganyan?" Muling tanong niya pero di ko na siya sinagot.

"Alam ko kung bakit." Sabi ni Maurice kaya agad akong napalingon dito. "Dahil kay Aczel, tama ba?"

Nagtaka ako sa kaniyang sinabi.

Paano niya nalaman?

Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Oo Boi, alam ko. Nakita ko kayo kahapon dun sa may gate. Kitang-kita ko ang lahat ng nangyari." Dagdag pa niya.

Hindi ako maka-imik dahil sa pagtataka. Napatingin na lamang ako sa kaniya.

Paano? Bakit hindi ko siya nakita?

"Boi maniwala ka man o hindi, totoo ang sinasabi ko. Alam ko lahat."

"Paano?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi na mahalaga yun. Basta alam ko ang mga nangy--" biglang napahinto si Maurice sa pagsasalita ng biglang may marinig kaming nag sisigawan.

"Myghad! Tulungan niyo si Aczel!"

"Tulong! Tulungan niyo siya!"

"Gosh! Yung face niya baka magka pasa!"

Agad naman nitong naagaw ang aming atensyon. Lalo pa at narinig ko ang pangalan ni Aczel.

Mula sa aming pinagtatambayan ay nakita namin ang mga pangyayari. Kitang-kita namin na si Aczel ay pinagtutulungan ng mga lalaking estudyante.

Biglang nabuo ang pag-aalala sa aking loob. Napatayo ako sa aking pagkaka-upo at nagtangkang lalapit ako pero biglang hinawakan ni Jhade ang kanang kamay ko at si Maurice naman ang sa kaliwa.

"Bitawan niyo ako! Kailangan kong iligtas si Aczel!" Sabi ko na agad namang tinutulan ni Sanmer.

"Hindi Krezhie, hindi."

"At bakit? Kaibigan ko yun. Kailangan ko siyang iligtas. Kung kayo din naman ang nasa sitwasyon ni Aczel ay tutulungan ko rin kayo kaya bitawan niyo ako."

"Alam naman namin yun Boss pero mapanganib para sayo, Babae ka."
Sabat naman ni Jhade.

"Wala akong pake! Bitawan niyo ako!" Sigaw ko sabay buong lakas na inialis ang aking mga kamay mula sa kanilang pagkakahawak.

Pagkatanggal ay patakbo akong nagtungo sa mga nagkakagulo at hinawi ang daan para ako'y makadaan. Wala akong pake kung may masaktan sa aking ginawa. Ang mahalaga ay mailigtas ko si Aczel sa alam kong paraan.

Pagkapasok ko sa loob na pinagtutumpukan ng mga estudyante ay nakita ko si Aczel na pasa-pasa ang mukha. Nakaramdam ako ng awa at nabuo ang galit sa aking loob. Kaya naman walang pag-aalinlangan na itinulak ko ang mga lalaking  sumusuntok sa kaniya.

Nung akin silang maitulak ay nagsitinginan sila sa akin. Kaya naman binigyan ko rin sila ng tingin, tingin na kinakatakutan ng mga nakakaaway ko noon.

ACZEL'S POV

Habang ako ay nandito sa may canteen para bumili ng snacks ang biglang may grupo ng mga lalaki ang humarang sa aking daan.

"Mga pre, makikiraan." Sabi ko sabay daan sa gitna nila pero bigla nila akong hinila sa kwelyo ng aking polo at dinala sa may gitna ng gym. " ano bang problema niyo?" Tanong ko na ikinatawa nila.

"Problema ba kamo? Ikaw." Sagot nung isang lalaking may bandana sa ulo.

"Ako? Bakit ano bang ginawa ko sa inyo?"

"Inaagaw mo lang naman yung mga girlfriend namin."

"Ano? Wala akong inaagaw."

"Wala pala ha. Hindi ba't naghahanap ka ng gbf? At mga girlfriend namin yung nahanap mo. It means gusto mo silang agawin samin."

"Hindi ganun pre, hindi ko alam na may mga boyfriend na sila."

"Akala mo paniniwalaan ka namin? Hindi! Alam naming pinapaikot mo lang kami gag*!" Sabi nung lalaking may hawak ng baseball bat  sabay hampas sa akin nun at sinundan naman iyon ng sunod-sunod na suntok mula sa  kaniyang mga kasama. Hindi ko na nagawa pang maka laban dahil hindi ko alam na mangyayari 'to. Hindi ako handa.

Maya-maya pa lamang ay biglang natigil ang pagsuntok nila sa akin ng makita kong sila'y napa-upo sa semento. May tumulak sa kanila.

Lumingon ako sa paligid at nakita ko si Krezhie na yukom-yukom ang kaniyang kamao habang nagtatangis ang kaniyang mga ngipin at masamang nakatingin sa mga lalaki.

Mabilis na tumayo naman ang mga lalaking bumugbog sa akin at hinarap si Krezhie.

KREZHIE'S POV

"Hoy babae! Tumabi ka nga  diyan kung ayaw mong madamay, umalis ka dito!" Galit na sabi nung isang lalaking sabay turo sa akin gamit ang kaniyang baseball bat.

Tiningnan ko ng mariin ang lalaki at mabilis na hinanggit sa kaniya ang baseball bat.

"Ibalik mo nga sakin yan! Bumili ka ng sayo!" Sabi nito na ikinangisi ko.

"Ikaw lalaki ka, sa tingin mo type ko baseball bat mo? Yak! Ang pangit kaya, parang ikaw." Pang-iinsulto ko na alam kong ikina-inis niya.

"Bakit ba nakikialam ka ha? Akin na yang baseball bat ko at umalis ka na dit--" hindi na natuloy yung lalaki sa pagsasalita ng aking siyang suntukin sa may panga. Nagulat ang lahat sa aking ginawa lalo na ang mga kasama nung lalaki.

"Pare tara na, baka lahat tayo sapukin niyan." Nagmamadaling sabi nung lalaki sabay hila sa lalaking sinuntok ko kanina.

Pagka-alis naman nung dalawa ay agad ng sumunod yung iba pa. Nag alisan na rin yung mga estudyanteng nanonood kanina. Kami na lang ni Aczel at mga boybest ko ang nandito.

Agad kong nilingon si Aczel na nakalupasay sa lupa. Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay para sana alalayan pero bigla niyang tinabig ang aking kamay at tumayo mag-isa. Umalis siya ng di man lang ako kinausap.

Pakiramdam ko'y napako ako sa aking kinatatayuan. Nakatingin sa likod niya habang naglalakad palayo, palayo ng palayo hanggang sa aking paningin siya'y naglaho.

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon