ONE WEEK LATER
"Guys anong plano niyo sa bakasyon?" Tanong ni Jhade.
"What if mag vacation tayo? Pumunta sa iba't-ibang beaches, mag road trip tayo o kaya naman travel around the world?" Excited na suggest ni Krezhie.
"Boi, gusto ko yan. Agree ako sa mga sinabi mo. Masaya yan. G na g ako diyan." Pag sang ayon ni Maurice kay Krezhie.
"Ako din. Tiyak na masaya yun." Dagdag pa ni Aldren.
"Yun naman ata ang gusto ng nakararami?" Tanong ni Jhade and we all nod as our response. "Kung ganun eh, yun na. Yun na ang gagawin natin sa darating na bakasyon."
"Yay!" Tuwang-tuwa na sigaw ni Krezhie.
Habang sila ay nasa kalagitnaan ng pag-uusap ay biglang nag ring ang cellphone ni Krezhie, may tumatawag.
Biglang natigilan si Krezhie ng makita niya kung sinong tumatawag sa kaniya.
*Cheztah del Lino calling...
Napatitig ito ng ilang segundo bago niya ito sagutin dahil nagtaka siya kung bakit ito napatawag. Ngayon lang kasi ito ulit tumawag mag mula nung maghiwalay sila dalawang taon na ang nakakaraan.
Napatingin ang mga boybest nito sa kaniya. Na ko-curious kung sino ba yung tumatawag na naging dahilan ng pagka tulala ni Krezhie.
"Hello?" Pagtawag ni Krezhie sa kabilang linya.
"Krezhie" pagsagot naman ni Cheztah.
"Cheztah napatawag ka?" Tanong ni Krezhie na ikinagulat ng mga boybest niya.
Biglang nagkatinginan ang mga boybest nito na para bang nag-aalala at nagtataka sa pagtawag ni Cheztah na iyon.
"Krezhie, gusto kong malaman mo na mahal na mahal pa rin kita. Dalawang taon na ang lumipas pero ikaw pa rin talaga ang mahal ko. Dalawang taon akong sumubok na umibig ng iba pero ikaw pa rin talaga ang gusto ko. Krezhie please, mag comeback na tayo."
Gumuhit sa mukha ni Krezhie ang pagkabigla sa kaniyang mga narinig mula sa kabilang linya. Magkahalong saya at gulat ang kaniyang nadarama.
Lumayo siya ng ilang hakbang mula sa mga boybest para maka-usap niya si Cheztah ng maayos at masinsinan.
Muli na namang nagkatinginan ang mga boybest niya. Ngunit sa pagkakataong ito ay may halo ng kaba at takot. Natatakot sila na baka pumayag si Krezhie na makipag comeback kay Cheztah lalo pa at lingid sa kanilang kaalaman na mahal pa ni Krezhie si Cheztah. Kaya malaki ang posibilidad na makipag comeback ito. Mula kasi noong maghiwalay sina Krezhie at Samjun ay bumalik ang nararamdaman ni Krezhie para kay Cheztah sa di maipaliwanag na dahilan.
"Paano kung pumayag si Krezhie na makipag comeback?" Alalang tanong ni Aldren.
"Kaya nga? Paano na?" Tanong din ni Maurice.
"Kung ano man ang maging sagot ni Boss dun ay suportahan na lang natin. Wala naman tayong karapatan na pigilan siya eh." Malungkot na sabi ni Jhade na bumuhay sa isip ng lima.
"Sa bagay, may punto ka dun Jhade. Wala tayong magagawa. Kung yun ang gusto niya, edi susuportahan na lang." Pag sang ayon ni Sanmer.
"Mga tol, tingnan niyo oh. Ang ganda ng ngiti ni Pre. Sigurado nag comeback na sila." Dismayadong sabi ni Verl Jhon na ikinasimangot din nung iba.
Maya-maya pa lamang ay nakangiting bumalik si Krezhie sa kanilang tambayan. Masaya ito. Agad naman niyang napansin na malungkot ang mga boybest niya na ipinagtaka niya kung bakit.
"Anyare sa inyo?" Taas-kilay na tanong nito pero di man lang siya nilingon nung anim. "Wuy! Anyare?"
"Sana all may jowa." Sabi ni Sanmer tapos pekeng tumawa.
"Huh?" Naguguluhang tanong ni Krezhie.
"Sabi ni Sanmer, sana all daw may jowa." Pag-uulit ni Aldren.
"Bakit sino bang may jowa?" Tanong ni Krezhie na nakakunot pa ang noo dahil naguguluhan ito sa mga sinasabi ng mga boybest niya.
"IKAW" sabay-sabay na sagot ng mga boybest niya na ikinatawa niya.
"Anong sabi niyo? Ako? May jowa? Hahahahahaha"
"Bakit ka tumatawa? Diba totoo naman?" Tanong ni Verl Jhon na mukhang nagtatampo.
"Di kami makapaniwala na kaya mong sumira sa pangako mo sa amin. Nangako ka pa sa amin na hindi ka muna magjo-jowa kasi mas mag fo-focus ka muna sa studies mo. Pero ano ngayon? Wala na. You broke your promise." Dagdag pa ni Jhade.
Natawa na lang si Krezhie sa inasta ng mga boybest niya.
"Teka, ano bang mga sinsabi niyo? Tsaka saan niyo naman nakuha ang balitang may jowa ako?" Tatawa-tawang tanong nito.
"Diba nga kakatawag lang sayo ni Cheztah? At nakikipag comeback siya sayo? At pumayag ka diba?" Tanong ni Maurice.
"Oo tumawag siya at nakikipag comeback pero hindi ako pumayag." Sagot ni Krezhie na ikinagulat ng mga boybest niya.
"Talaga?" Gulat na tanong ni Verl Jhon.
"Oo" muling nasilayan ang mga ngiti sa labi ng mga boybest niya. "Alam niyo kung bakit? Bukod sa nangako ako sa inyo, inisip ko ang mga panahong dinamayan niyo ako sa lahat. Lalo na sa mga panahon na sobrang lungkot at basag na basag ang sarili't puso ko. Binuo niyo ako ng buong puso, binuo niyo akong anim. Binuo niyo ako para bumangon, para maging matapang at lumimot sa nakaraan. Binuo niyo ako at hindi ko na hahayaan pang sirain muli ako ng iba. Oo alam ko, dadating ang panahon na magkakahiwa-hiwalay din tayo. Pero di ko yun iniisip kasi ang iniisip ko ay ang ngayon. Alam ko na balang-araw ay iiwan niyo din ako kasi makakahanap na kayo ng babaeng mamahalin niyo habang buhay. Kaya heto ako, sinusulit ang pagkakataong ako pa ang prinsesa niyo. Sinusulit ang panahong kapiling ko pa kayo. Sa ngayon, masasabi kong KAYO ay SAPAT NA. Maraming salamat. Mahal na mahal ko kayo mga boybest ko."
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520