Pagkapasok namin sa library ay namangha ako sa dami ng mga libro.
Myghad! Heaven!
Maya-maya pa ay kumuha na ng libro yung dalawa.
"Ikaw Krezhie? Magbabasa ka ba?" Tanong ni Allan.
"Pwede ba?"
"Syempre naman, bakit naman kindi diba?"
"Kasi you know, hindi ako estudyante dito." Nahihiya kong tanong na ikinatawa nito.
"Ano ka ba, pwede yun. Tsaka magbabasa lang naman eh, hindi naman maninira. Kaya sige na, kumuha ka na diyan."
Sa bagay may point siya...
Kaya naman ako ay lumapit na sa bookshelf at humanap ng mababasa.
"Sickness Love"Sickness Love,
Kay gandang pamagat.
At gaya ng pamagat, ganun din kaganda ang istorya.Ilang beses ko na itong nabasa. Palagi kong inuulit-ulit. Isa kasi ito sa mga paborito kong story.
Mabasa nga ulit haha.
Maingat ko itong kinuha sa bookshelf at umupo katabi nina Aldren at Allan.
"Krezhie sa tingin ko, mahilig ka sa mga libro. Tama ba?" Tanong ni Allan na nakapagpangiti sa akin at ako ay tumango sa kaniya as my response. "Wow naman! Haha book lover pala tayong tatlo eh."
"Mahilig ka din pala sa libro Aldren." Sabi ko.
"Hindi naman masyado, tama lang hehe. Si Allan talaga yung mas mahilig kesa sakin." Sabi ni Aldren na sinang-ayunan naman ni Allan.
"Ahh" sabi ko sabay tingin kay Allan. "Nabasa mo na ba yung BOYBESTFRIENDS ARE ENOUGH?"
"Alin? Yun bang kay goldenarmy12? I nod. "Ahh oo, kakatapos ko lang nung isang araw."
"Talaga?"
"Haha oo."
"Wow sana all haha."
"Bakit ikaw ba? Hindi mo pa nababasa?"
"Binabasa ko pa lang hehe."
"Ahh, tapusin mo yun. Maganda yun promise."
"Haha sige sige. Ikaw Aldren, anong nabasa mo na?"
"Kay goldenarmy12 din yun eh. Teka, nakalimutan ko yung title." Natatawang sagot ni Aldren.
"Yun bang UNEXPECTED?" tanong ko.
"Hindi"
"O yung SICKNESS LOVE?"
"Haha oo, SICKNESS LOVE nga yun."
"Nabasa ko na din yan!" Masayang sigaw ni Allan. "Diba yan yung story ni Kacy at Yunho?"
"Oo, sayang nga eh namatay pa pareho." Sabi ni Aldren.
"Pero atleast nagkasama na din sila diba? Kahit namatay sila, sa afterlife naman sila magsasama at itutuloy yung naudlot nilang love story." Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Fiksi RemajaGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520