Ngayon ay nandito ako sa tambayan namin. Kanina pa ako dito pero hindi pa rin dumadating ang mga boybest ko.
Ang tagal naman ng mga yun, kakainip. Hays, nasaan na kaya ang mga yun. Bakit wala pa sila?
Dahil sa pagkainip ko sa pag-iintay sa kanila ay naisipan kong sunduin na si John Neil sa classroom nito para pag dumating yung mga boybest ko ay nandito na rin siya.
Habang naglalakad ako ay biglang nakita ko si John Neil na parang may iniintay sa may pathway. Kaya naman akin siyang nilapitan.
"John Neil" pagtawag ko na ikinalingon niya.
"Krezhie" nakangiting bati naman nito sa akin.
"Kanina ka pa ba diyan?"
"Umm oo hehe." Natatawang sagot nito.
"Ay ganun ba? Pasensya ka na ha, hindi pa kasi dumadating ang mga boybest ko sa tambayan namin eh."
"Ano ka ba, okay lang yun."
"Samahan na lang kita dito. Total, inaantay ko din naman sila."
"Ay haha salamat."
"Wala y--"
"Uy Krezhie!"
Bigla akong napahinto sa pagsasalita ng biglang may sumigaw sa gawing likuran ko. Kaya naman nilingon ko ito.
"Andyan na pala kayo." Sabi ko.
"Oo at hinahanap ka namin." Seryosong sabi ni Maurice.
"Pagdating namin sa tambayan, wala ka dun. Tapos pinuntahan ka namin sa classroom niyo, wala ng tao. Pinag-alala mo kami." Dagdag pa ni Sanmer.
"Grabe naman kayo, nandito lang naman ako sa pathway."
"Kahit na, pano kung may mangyaring masama sayo?"
"Sanmer hindi na ako bata, teenager na ako at kaya ko na ang sarili ko."
"Alam naman namin yun--"
"Yun naman pala eh."
"Sige na nga, sumama ka na muna kay Maurice at mag-uusap kami ni John Neil."
"Ay--" hindi na ako natuloy sa pagsasalita ng biglang sumabat si Maurice.
"Krezhie, tara na." Mahinahong sabi nito.
Hays, pasalamat siya...
SANMER'S POV
Pagka-alis nina Maurice at Krezhie ay akin nang nilingon si John Neil. Tinitigan ko siya ng mariin at wala akong takot na nakita dito.
Iba talaga ang ugali ng isang ito.
"Bakit mo ba ako hinahanap kanina?" Tanong nito na ikinangisi ko.
"May gusto lang naman akong itanong." Sagot ko na ikina-taas ng kilay niya.
"At ano naman yun?"
"Bakit mo pinuntahan si Krezhie kanina?"
"Bakit kailangan mong malaman?" Taas-noo nitong tanong sa akin.
Napaka yabang talaga nito eh. Sarap bigwasan. Kala mo naman may maipagmamamlaki, pwe!
"Syempre boybestfriend ako ni Krezhie." Sagot ko sabay lapit ng mukha ko sa mukha niya.
"Yun na nga, boybestfriend ka lang." Mayabang na sabi nito tapos mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin na ikina-kunot ng noo ko.
"Ang yabang mo ah, oo nga at boybestfriend niya lang ako. Eh ikaw? Ano ka niya? Wala!" Sigaw ko na naging dahilan ng pagpikit niya.
Tss...
"Sa ngayon wala, mag hintay ka lang at masasaksihan mo mismo ang aming pag-iibigan."
"Malakas din tama mo eh noh? Lakas maka-ambisyon!"
"Pakealam mo?" Tanong niya na nakanguso pa na ikina-inis ko lalo sa kaniya.
Dahil sa inis at galit na naramdaman ko ay napayukom ang aking kamao at gustong-gusto ng sumuntok sa gaya niyang g*go.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nasuntok ko ito sa may pisngi. Napalupagi ito sa semento dahil sa pwersang aking nailabas. Galit na galit itong tumayo na nanlilisik pa ang mata. Gaganti na sana siya pero bigla namang dumating si Jhade na awat-awat agad kami.
"Hoy, ano bang ginagawa niyo?! Para kayong mga bata! Nag-iisip ba kayo ha?"
"Yan kasing kaibigan mo! Akala mo kung sino!"
"At ako pa? Baka ikaw! Lakas-lakas magpakitang tao pag kaharap si Krezhie pero kapag wala na, akala mo kung sino? Lakas magmatapang! Akala mo naman, may ibubuga!"
"Tama na nga yan!" Muling pag-aawat sa amin ni Jhade na ikinatahimik namin. Ngunit biglang nabasag ang katahimikan ng mapansin kong pabulong-bulong si John Neil.
"Hoy, may sinasabi ka ba ha?" Galit kong tanong pero tiningnan lang ako nito ng masama.
Aba g*go!
"Magka-ayos na nga kayo." Sabi ni Jhade na ikinatawa ko.
"Tss"
"Pede naman." Sabi ni John Neil na naging dahilan ng paglingon namin sa kaniya. "Sa isang kondisyon."
At sa tingin niya, makikipag-ayos ako? Aba, aba.
"Ano yun?"tanong ni Jhade.
"Tutulungan niyo ako sa panliligaw ko kay Krezhie." Sagot nito na ikina-init ng ulo ko at ikinagulat ni Jhade.
"What?!" "Ano?"
"Bakit? Madali lang naman yung hinihiling ko ah."
"Tulungan mo yang mukha mo! At sino ka para tulungan namin? Para sa kaalaman mo, ni-isa sa mga standards ni Krezhie wala kang na-reach." Sabi ko na ikinatawa nito.
"Anong sabi mo? Wala? Wow ha, para din sa kaalaman mo...mayaman ako. Alam ko ba yun ha?"
"Ay mayaman ka pala, hindi halata brad. Mukha ka kasing pulubi." Sabi ko na ikina-inis niya. Tapos bigla akong hinila ni Jhade palayo kay John Neil. "Bakit mo ako hinila?"
"Alam mo ba ang mga ginagawa mo? Ha Sanmer?"
"Syempre naman. May utak ako Jhade."
"Pilosopo! Alam mo naman na pag nalaman 'to ni Krezhie ay magagalit siya sayo diba?"
"Eh para sa kaniya naman yung ginawa ko."
"Kahit na, magagalit pa rin yun."
"Hays...oo na, oo na. Kakainis naman oh." Sabi ko na ikina-iling ni Jhade.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520