Hindi kaya, sila yung gang na tinutukoy nung babae kanina?
Tinitingnan ko silang maigi habang sila'y naglalakad. Mga naka-itim sila. Napansin ko din ang magaganda nilang tindig.
Ang angas nila.
Gusto ko ang pormahan nila. Talagang may dating.
Masasabi kong hindi na rin masama yung sinabi ng babae kanina tungkol sa kanila. May kagwapuhan nga ang mga ito.
Lakas maka gangster ang datingan!
Maya-maya ay bigla kong napansin ang isang lalaki na nasa kanilang unahan. Yun siguro ang leader nila.
Naalala ko tuloy si Verl Jhon, gang leader din kasi yun.
Muli kong tiningnan yung lalaking nasa gitna. May katangkaran ito ngunit hindi ko gaanong makita ang kaniyang mukha dahil ito'y nakatungo at nakapamulsa pa.
Sino kaya siya?
"Hanapin niyo siya, bilis!" Seryosong sabi nito.
"Masusunod Master." Sabay-sabay na wika ng mga lalaking kasama nito.
Luminga-linga sila sa paligid.
"Yun siya Master!" Sigaw ng isang lalaki sabay turo sa aking direksyon.
Huh? Bakit sa akin?
Kaya naman ay nilingon ko ang aking likuran para makita kung sino ba ang tinuturo nun.
Pagkalingon ko ay wala namang tao. Bigla akong napa-isip...
Hindi kaya, ako ang tinuturo?
Bakit?Muli kong nilingon ang grupo ng mga lalaki at nabigla ako sa aking nakita. Lahat sila ay nakaturo na sa akin. Nasilayan ko ang ngiti sa labi nung lalaking nasa gitna.
Ang ngiti niya, it's familiar.
Maya-maya pa lamang ay bigla ako nitong nilapitan. Habang siya ay nalalakad papalapit sa akin ay para bang ako'y natutuwa. Hindi ko alam kung bakit.
Nung nasa harapan ko na ang lalaki ay hindi ko pa rin ito makilala, nakatungo parin kasi ito kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha.
Unti-unti akong umukod para sana silipin ang kaniyang mukha pero bigla niya akong niyakap na aking ikinagulat.
Nakaramdam ako ng takot sa kaniyang ginawa. Kaya naman agad kong sinubukang mag pumiglas pero hindi yun naging sapat para makawala ako.
"Sino ka ba? Bakit mo ako niyayakap? Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko na may halong takor habang sinusubukan paring makawala.
"Krezhie, ako 'to." Mahinang bulong nito sa akin na nakapag patigil sa aking pag pupumiglas.
His voice...
Napa-isip tuloy ako kung sino ba itong taong 'to. Para akong naging bato dahil sa pag-iisip ko.
Unti-unting kumalas ang lalaki sa pag kakayakap sa akin. Unti-unti rin nitong tinanggal ang kaniyang sombrero at tumunghay.
Magkahalong tuwa at gulat ang aking naramdaman nung aking makita ang kaniyang mukha.
"Verl Jhon?" Gulat kong sabi.
"Pre" bati nito sa akin na nakangiti pa.
Grabe, hindi ko siya nakilala kanina. Hindi ko akalain na siya nga yun. Isamg buwan lang kaming hindi nagkita pero ang laki na agad ng pinagbago niya.
Hindi ko na napigilang yakapin siya.
Na-miss ko siya.
Pagkabitaw namin sa yakap ay hinampas ko siya sa braso.
"Aray ko naman." Natatawang daing nito.
"Kakainis ka!"
"Haha bakit?"
"Pupunta ka pala dito, di ka man lang nagsabi."
"Syempre, surprise nga."
"Pa-surprise surprise ka pa, papatayin mo naman ako sa takot." Natatawa kong sabi.
"Hahaha sorry po."
Maya-maya ay nakarinig ako ng bulungan mula sa mga kapwa ko babaeng estudyante. Pinagtitinginan nila ako. Ang iba naman ay sumisigaw na para bang malaki ang galit sa akin.
"Hoy Krezhie! Lahat na lang ba ng kaibigan mo lalaki? Ha?"
"Ang landi mo girl!"
"May boyfriend ka diba? Akin na lang yan!"
Napatungo ako sa aking mga narinig. Pero bigla akong napatunghay nang magsalita si Verl Jhon.
"Girls, don't you dare to say that on Krezhie. FYI, I'm her friend, her boybestfriend."
Nagsitunguhan ang mga estudyante.
Hinila ko naman si Verl Jhon palayo sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin.
Dinala ko siya dito sa tambayan naming magkakaibigan. Dito ko siya dinala kasi alam kong mamaya ay pupunta rin dito sina Boss. Gusto kong magkakita-kita at magkausap-usap sila.
"Pre" pagtawag ni Verl Jhon sa akin.
"Yes?"
"Pre na-miss kita." Nakangiti niyang sabi kaya naman ako'y napangiti na rin.
Ganito talaga 'to. Nakakatakot na gangster pag iba ang kasama pero pag ako, aakalain mong maamong hayop haha.
"Namiss din kita pre." Sabi ko. "Nga pala pre, di kita nakilala kanina ah."
"Ayy haha talaga?"
"Oo, akala ko kung sino. Bigla ba naman akong niyakap. Kakakaba kaya yun haha."
"Haha sorry talaga pre."
"Hahaha tsaka kinabahan ako bigla nung ituro ako ng isa sa mga miyembro mo. Dagdag pa natin yung pagkakasabi mo ng HANAPIN NIYO SIYA BILIS, grabe parang kriminal naman ako nun haha."
"Haha gangster nga diba?"
"Haha pasikat!" Pagbibiro na ikinatawa niya ng husto.
"Pre, kita mo ba yung kanina? Pinagkakaguluhan ako ng mga babae!" Inirapan ko siya pero syempre biruan lang.
"Oh edi ikaw ng gwapo hahaha."
"Ako naman talaga pre, diba?"
Napatawa na lang ako sa kaniya.
Namiss ko 'tong kakulitan niya.
Maya-maya pa ay nakita ko sina Boss, Boi at Sanmer na papunta dito sa tambayan. Tatayo na sana ako pero bigla silang tumalikod at naglakad pabalik ng ako'y makita nila.
Anyare?
Naguguluhan akong napa-upo at nakita iyon ni Verl Jhon.
"Bakit pre? May problema ba?" Alalang tanong nito sa akin.
"Nakita ko kasi sina Boss na papunta dito. Sasalubungin ko sana sila pero bigla silang bumalik nung makita nila ako."
"Baka may nakalimutan lang."
"Hindi eh, ni hindi man lang nga ako nginitian. Parang nagpanggap silang hindi nila ako nakita. Para bang umiiwas sila."
"Umiiwas? Bakit naman nila gagawin yun diba?"
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520