CHAPTER 33

120 19 0
                                    

"Naku naku! Kung ako yung nandun, babanatan ko ng husto yung Van Josh na yun, tatapakan na parang langgam at kekembotan." Pagbibiro ni Maurice na ikinatawa naman namin.

"Nice one, men!" Tatawa-tawang sabi ni Sanmer sabay apir kay Maurice.

Hahaha parang loko ang dalawa.

"Pero guys, salamat ha kasi tinulungan niyo si Pre." Nakangiti kong sabi.

"Syempre naman, magkakaibigan tayo dito. Kaya walang mag-iisa. Palaging sama-sama." Sabi ni Jhade na ikinangiti namin.

"Yown naman! Naks! Lakas! Hahaha." Sigaw ni Verl Jhon na ikinatawa namin.

"Haha malakas talaga! Sa grupong 'to walang mahina, tama ba?" Tanong ko.

"Tama!" Sabay-sabay nilang sambit at muling nabuo ang matatamis na ngiti sa aming labi.

Ang saya, ang saya-saya. Sana laging ganito. Walang away, walang tampuhan, walang problema. Puno lang lagi ng biruan at tawa.

Kay saya siguro ng mundo kung lahat ng tao ay ganito. Walang nagkakagulo, masaya lang lahat.

Masaya na ako sa mga kaibigang mayroon ako ngayon. Kung madadagdagan, okay at kung hindi naman, okay lang din.

Gaya ng aking inaasam-asam, natupad na ang hiling ko na matanggap rin nila si Aldren at ngayon, magkakasama kami na parang isang pamilya.

Ang saya-saya ko nga nung nagpalipat si Aldren ng school dito eh at lalo pang nadagdagan ang sayang yun ng malaman ko  din na dito na rin mag-aaral si Verl Jhon. Lagi ko na silang nakakasama, wala ng inggitan sa pag-itan nila.

Pero minsan, di ko rin maiwasang maisip na kung kamusta na kaya si Aczel? Masaya kaya siya gaya namin? May mga kaibigan ba siyang nasasandalan sa oras ng pangangailangan? Sana meron. Kahit gaano ako nasaktan noon dahil sa kaniya ay di ko pa rin nakakalimutan na naging isa siya sa mga naging kaibigan ko, isa siya sa mga nasandalan ko noon. Pero lilinawin ko lang ha, wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Gaya ng panahon, lumipas din ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Paminsan-minsan nakikita ko pa rin siya dito sa campus. Minsan nga ay nakakasalubong ko pa. Nginingitian ko siya kahit di siya tumitingin sa akin. Alam ko na hanggang ngayon ay iniiwasan niya pa rin ako kahit hindi ko pa rin alam ang dahilan. Kung ano man ang dahilan na yun ay sana maintindihan ko rin balang-araw.

Minsan naiisip ko rin si Samjun. Kamusta na rin kaya siya? Sana okay lang siya. Hindi pa rin kasi kami nag-uusap mula nung maghiwalay kami. Medyo na kaka-move on na rin ako. Hindi na ako umiiyak kapag naalala ko ang aming nakaraan. Napapangiti na lang ako kasi nakakatawa lang isipin na kung babalikan ang mga linyahan namin at pangako sa isa't-isa ay napakalabong maghiwalay kaming dalawa. Hindi ko akalain na sa konting tampo niyang iyon ay iyon pala ang magiging dahilan ng aming paghihiwalay. Pero okay lang, kung dun siya sasaya ay hahayaan ko na lang. Magiging masaya ako para sa kaniya. Kung dumating man yung time na makahanap na siya ng bago ay tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib at magiging masaya para sa kanila. Masaya na rin ako na naging parte siya ng buhay ko.

Minsan hindi ko rin maiwasang ma-miss yung dating kami. Pero pilit kong sinasabi sa sarili ko na WALA NA, FINISH NA. Tsaka alam kong masaya na siya ngayon kaya okay na ako. Pero kahit wala na kami ni Samjun ay still in-contact parin ang mga parents namin. Tinanggap nila ng buo ang naging desisyon namin kahit daw ito'y mahirap. Kahit rin naman kami ay nahirapan din pero wala eh, ganun talaga. May mga bagay talaga na akala mo panghabang buhay pero...AKALA lang pala. Sa isang relasyon kasi, hindi maiiwasang mayroong isang magiging mahina. Let say na oo malakas kayo sa una, malakas kayo pareho pero pagdating sa dulo mapapagod at susuko yung isa. Siguro may relasyon talagang perpekto at syempre meron ding hindi. Kaya kailangan muling mag hintay para sa sinasabi nilang THE ONE. Pero di ko na muna yan iniisip sa ngayon. Mas nagfo-focus muna ako sa studies ko total bata pa naman ako. I am only 15 years old, napakarami ko pang pagdadaanan sa buhay na mas kailangang tuunan ng pansin kaysa sa lovelife na yan.

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon