RECESS TIME
Ngayon ay nandito kami ng mga boybest ko sa tambayan naming bench dito sa campus. Dito kami lagi nagkikita-kita pag ka-recess. Pero sa pagkakataong ito, napansin ko na parang kulang kami.
"Nasan si Sanmer? Alam niyo ba kung nasaan yun? Bakit wala pa siya dito?" Curious kong tanong pero umiling lang sa akin sina Jhade at Maurice.
Nasaan kaya yun? Ngayon lang yun na-late ng ganito.
Maya-maya pa lamang ay hingal na hingal itong dumating.
"Oh san ka galing?"
"May dinaan lang ako sa Faculty Office."
"Ahh oka--"
"Nga pala Krezhie, nakita ko yung magaling mong ex!"
"Huh? Sino?"
"Sino pa, edi yung Van Josh Salveta na impakto!"
"Wow maka-impakto naman 'to oh haha." Natatawang sabi ni Maurice.
"Impakto naman talaga yung lalaking yun! Lakas-lakas manchicks mukha namang aso!" Inis na inis na sabi ni Sanmer.
"So anong meron?" Pagsingit ko.
"Ayun nga, nakita ko siya. Nandun sa may pathway nagpapakilig na naman ng mga babae."
"Tapos?"
"Yun na yun." Sagot niya na ikinataas ng kilay ko.
"Eh? Yun na? Oh eh anong problema mo dun?" Natatawa kong tanong.
"Wala, nasusura lang kasi ako sa lalaking yun. Lakas maka confidence! Akala mo naman gwapo. Pwe! Paa ko lang siya." Taas noo na sabi nito na ikinatawa naming lahat.
"Uy pre, okay ka lang?" Pang-aasar ni Jhade.
"Ano ba naman kayo? Seryoso ako. Kanina nga eh, gustong-gusto kong sapakin yung lalaking yun."
"Bakit naman?" Tanong ni Maurice.
"Simula kasi nung naghiwalay sila ni Krezhie, uminit na ang dugo ko diyan. Nangako-ngako pa yan sakin na hindi daw niya sasaktan at paiiyakin si Krezhie pero ano? Olats! Napaka gag*!"
"Oh kalma, kalma. Kalma ka lang pre. Haha pero bakit parang ikaw pa yung apektado sa break-up nila?"
"Hahaha baka siya talaga yung naging jowa ni Van at hindi ako." Pagbibiro ko na naging dahilan ng pagsama ng tingin sa akin ni Sanmer. Hahaha kawawa naman pinagtutulungan HAHAHA.
"Hay naku! Basta pagdating sa lalaking yan, wala akong tiwala. Mukha palang kala mo na magnanakaw. Lalo na ang ugali, basura. Alam mo Krezhie, hindi ko alam kung ano bang nagustuhan mo sa lalaking yun."
Halos mabalot kami ng katahimikan ng masabi ni Sanmer ang lahat ng yun. Minsan talaga tinatamaan ng yabang 'to, kaya hindi na rin bago sa akin. Nasanay na rin ako sa ugali niyang iyon.
"Hindi naman siya gwapo at isa siyang walang kwentang tao."
Ayan humirit pa.
Mabait naman si Sanmer kaso sobrang yabang. Pero kahit na ganun siya, tinuturing ko pa rin siyang kaibigan. Minsan lang naman siya tamaan ng kayabangan kaya lang sobra haha.
Naalala ko tuloy nung una kaming nagkakilala.
Magkaklase kami nun, nung isang taon. Lagi ko siyang nakakasama sa mga groupings nun. Ayaw tumulong sa paggagawa ng mga reports. Kaya lagi ko siyang nabubungangaan noon, syempre ako yung leader eh. Edi ayun nga, ma-pride na ako VS. mayabang na Sanmer is equal to babag to the max. Haha oo, lagi kaming magkagalit nun. Para kaming aso't pusa. Nakakatawa noh? Akalain niyo yun, sa kabila ng mga away namin noon...isa pa pala siya sa mga magiging malapit kong kaibigan.
Oo mayabang siya, pero mabait yan. Alam niyo ba nung araw na nilagnat ako sa school, hindi siya umattend ng kahit anong klase niya. Buong araw niya kasi akong binantayan sa clinic. Bawal kasi lumabas ng school nun eh kaya hindi ako maka-uwi. Hindi niya talaga ako iniwanan nung araw na yun. Pinipilit ko siyang pa-attendin ng klase pero ayaw niya talaga.
---FLASHBACK---
"Sanmer sige na, umattend kana ng klase mo. Okay na ako." Mahinahong sabi ko.
"Krezhie naman, hayaan mo akong bantayan ka."
"Okay na ako."
"Kahit na, hindi kita pwedeng iwan."
"Bakit naman? Okay na ako."
"Edi kapag umalis ako maiiwan kang mag-isa dito."
"Ano naman? Sanmer ano kaba, hindi ako bata." Natatawa kong sabi.
"Haha alam ko naman yun. Basta babantayan kita sa gusto at sa gusto mo."
"Huh? Sa gusto at sa gusto ko? Meron ba nun? Hahaha"
"Haha oo meron. Ngayon mo lang nalaman?"
"Oo eh."
"Hahaha."
---END OF FLASHBACK---
Grabe noh? Nagawa ko pang tumawa ng mga panahon na yun. Nilalagnat ako nun ha pero kung maka tawa wagas. May sakit ba talaga ako nun? Hahaha
"Krezhie?"
Tinatawag niya pala ako hehe di ko napansin. Sorry naman haha.
"Krezhie? Wuy!"
"U-uy!"
"Anyare sayo?" Natatawang tanong nito sa akin.
"Ah wala haha. May naalala lang ako."
"Ahh kala ko na inlove ka na sa kagwapuhan ko eh."
"Luhh! B*b* ka? B*b* ka?"
"Haha biro lang."
"Hahaha teka, nasaan na yung dalawa?" Taka kong tanong. Ngangayon ko lang kasi napansin na kaming dalawa na lang pala ang nandito sa tambayan namin.
"Si Jhade, babalik na daw sa classroom nila kasi may tatapusin pa daw siyang seatwork. Si Maurice naman, nandun sa canteen. May bibilhin lang daw saglit."
"Ahh..."
"Teka ano bang naalala mo at nagka ganyang ka bigla?"
"Wala" pagsisinungaling ko.
"Krezhie naman eh, daya!"
"Hahaha blee!"
"Daya talaga! Nag se-secret sakin."
"Haha naku! Pa-awa ka pa diyan eh. Kahit anong gawin mo di ko sasabihin hahaha."
"Uy kayong dalawa, oh anyare kay Sanmer? Haha bakit ganyan hitsura niyan?" Natatawang tanong ni Maurice na kagagaling lang sa canteen.
"Ito kasi si Krezhie, ayaw sabihin sakin kung ano yung naalala niya."
"Haha nyenye!"
"Hahaha nakakatawa kayo, Para kayong bata. Oh ito binili ko kayo ng sandwich." Sabi ni Maurice sabay abot sa amin ng tig-isang sandwich.
"Mamats Boi." "Thanks Pre"
"Haha welcome."
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Novela JuvenilGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520