SANMER'S POV
"Ang tagal naman nina Boss." Nakangusong sabi ni Jhade.
"Oo nga eh, kanina pa tayo dito sa tambayan pero wala pa rin." Sabi pa ni Maurice.
"Baka naman late lang pinag recess ng teacher nila, malay niyo overtime." Sabi ko naman.
"Siguro nga."
"Oh nandito na pala sila eh." Sabi ko kaya naman sila'y napalingon sa likuran nila. "Teka, bakit kayo lang? Nasaan si Krezhie?" Tanong ko, napansin ko kasi na hindi nila ito kasama.
"Ayun absent." Sagot ni Aldren na ikinagulat namin.
"Huh? Bakit daw?" Alalang tanong ni Jhade.
"Ewan, di sinabi eh. Nalaman na lang namin na absent siya kasi third period na ay wala pa rin siya." Sabi naman ni Verl Jhon na ipinagtaka namin.
Hindi kasi ugali ni Krezhie ang hindi magsabi na siya ay aabsent. Dati-rati kasi ay nag-aabalang mag chat pa yun isa-isa sa amin, mapaalam lang na absent siya tapos ngayon wala man lang kahit isa?
"Talaga? Di man lang ba siya nagsabi kahit isa sa inyo na kaklase niya?" Tanong ni Maurice na halata ang pagtataka sa mukha.
"Hindi nga eh, nag aalala tuloy kami ni Aldren sa kaniya."
"Di bale, puntahan na lang natin siya mamaya sa kanila." Sabi ni Jhade na naging dahilan ng pag ngiti namin.
"Haha game ako diyan!" Masayang sabi ko na sinundan nila.
"Kung gayon ay tuloy tayo mamaya? After class?" Muling tanong ni Jhade na sinang-ayunan naming lima.
"So...what now? Haha" tanong ni Maurice.
"What now nga? Hahaha isip-isip." Sabi ni Aldren.
"Ehem baka naman." Pagpaparinig ni Verl Jhon.
"Anong baka naman?" Takang tanong ni Maurice.
"Ehem libre, ehem libre. Inuubo ata ako." Pagbibiro ni Verl Jhon na ikinatawa namin lalo na si Maurice.
"Ahh yun ba? Haha sige ba. Ano bang gusto niyo?"
"Ikaw" sagot ni Jhade na ikinatawa namin.
"Lol! Haha bakla ka pre?" Natatawang tanong ni Maurice. "Sabihin mo lang jojowain kita."
"Haha loko! Biro lang yun, wag ka nga."
"Hmmmm? Palusot pa hahaha."
"Baliw ka na Maurice! Hahaha lumayas ka na nga dito at bumili kana." Tatawa-tawang sabi ni Jhade na di mapigilan ang pagtawa.
"Ano ngang gusto niyo? Si Jhade kasi parang t*nga, may pa ikaw-ikaw pa. Ulul! Hahaha"
"Sorry akin haha."
"Dali na, ano ngang gusto niyo nang makabili na ako." Tanong ni Maurice habang nilalabas ang kaniyang wallet mula sa kaniyang bulsa.
"Kahit ano na lang pre. Kung san ka sasaya." Banat ko na ikinatawa na naman nila.
"Haha mga loko! Ano bang nakain niyo ha at nagkakaganyan kayo? Nawala lang si Boi, naging bakla na kayo? Ay iba! Hahaha." Sabi ni Maurice na agad naming tinutulan.
"Hoy di kami bakla ha, wag kang pilingero haha." Sabi ko.
"Oo nga naman Maurice, di ka namin type noh hahaha." Dagdag naman ni Jhade.
"Haha mga palusot niyo, luma! Ikaw Aldren? Bakla ka na din ba?"
"Sira! Baka ikaw ang bakla! Idadamay mo pa ako haha ikaw na lang!" Sabi ni Aldren na animo'y may kaaway.
"Kalma, kalma bakit ka nagagalit? Hahaha"
"Haha bumili ka nga! Kung ano-ano na naiisip mo eh." Sabi ko.
"Ano nga kasing gusto niyo?"
"Kahit ano na. Kung gusto mo bilhin mo na din pati canteen." Pagbibiro ni Jhade.
"Loko! Hahaha sige na nga, maiwan ko na muna kayo. Pag balik ko ha, dapat lalaki na ulit kayo." Tatawa-tawang sabi ni Maurice habang patalikod na naglalakad papuntang canteen.
"Nga pala guys." Sabi ko na nakaagaw ng kanilang atensyon. "Saan nga pala tayo sasakay mamaya pag pumunta na tayo kina Krezhie?" Pagtutuloy ko.
"Naku, hindi pwede ang driver namin eh. Susunduin niya si Mom mamaya." Dismayadong sabi ni Aldren.
"Ang amin naman, hindi rin pwede. May pupuntahan si Papa mamaya." Sabi naman ni Jhade.
"Sa amin na lang. Magpapahatid tayo mamaya sa driver namin." Sabi ni Verl Jhon na ikinatuwa namin.
"Yun ayos! Haha salamat pre." Sabi ko at tumango naman si Verl Jhon sa akin.
"Mga bro! Here's the food!" Sigaw ni Maurice na may dala-dalang mga pagkain.
Pagkarating niya dito ay agad niyang inilapag ang mga binili niya. May iba't-ibang junk foods at sandwiches. Bumili din siya ng limang bote ng c2, yung maliit lang naman haha.
"Thanks tol." Sabi ni Jhade.
"Haha wala yun, kayo pa ba? Lakas niyo kaya sakin." Sabi naman ni Maurice.
"Ay sana all malakas haha." Sabi ko.
"Baliw!" Natatawang sabi ni Maurice sabay subo ng sandwich.
Ang astig noh? Ang saya namin. Para kaming magkakapatid. Kung magbiruan parang mga may sapak sa utak hahaha. Pero alam niyo ba na isang tao lang ang dahilan kung bakit kami nagkakila-kilala? Isang tao na napakahalaga sa aming lima. Isang tao na aming prinsesa. Walang iba kundi si Krezhie. Dahil sa kaniya, nakakilala ako ng mga lalaking gaya nila, mga lalaking marunong at masarap kasama.
Ang astig nga ng barkada namin eh, barkada ng mga single hahaha. Wala ba namang mga jowa. Pati kasi si Krezhie single na din eh. Kaya kung iisipin parang SQUAD GOALS hahaha. May mga jowa naman kami dati, kaso di naman naging masaya eh. Jinowa lang nila kami dahil sa fame at looks namin. Ang sasama ng ugali haha. Sana makahanap kami ng bababeng gaya ni Krezhie, iba kasi siya eh. Siya kasi yung tipo na nasa kaniya na lahat ng gusto ng isang lalaki. Actually, si Krezhie ang ideal girl naming lima. Ayaw nga maniwala ni Krezhie eh, pag sinasabi namin sa kaniya ay tinatawanan niya lang kami. Haha luka luka. Akala lagi ay pinag ti-tripan siya. Ay totoo naman yung sinasabi namin. Alam niyo ba dati, crush ko yun hahaha. Kaya lagi ko siyang iniinis nung magkaklase pa kami last year. Wala eh, na-friendzone tayo haha joke. Mas pinili ko na lang maging kaibigan siya kaysa jowain kasi naisip ko na ang pagka-kaibigan ay walang hanggan di gaya ng mga jowa-jowa. Tsaka di naman ako yung tipo na gusto ni Krezhie haha. Pero dati lang naman yun, wala na akong feelings para sa kaniya ngayon. Masaya na ako bilang matalik niyang kaibigan na laging nasa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Novela JuvenilGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520