KINABUKASAN...
Pagka ring ng bell namin ay agad akong nagtungo sa building ng room nina boss.
Pagkarating ko doon ay saktong recess na rin nila. Kaya inabangan ko siya sa may pintuan.
Maya-maya pa lamang ay lumabas na din siya.
"Boss!" Pagtawag ko na alam kong ikinagulat niya.
"Boss, bakit nandito ka? Bakit hindi mo pa ako inintay dun sa tambayan?" Tanong nito.
"Boss may sasabihin kasi ako sayo eh."
"Ano yun?"
"May kilala ka bang Aczel Pasia?"
"Parang wala, bakit?"
"Ano kase...mahigit tatlong buwan ko na yung nakakachat tas kagabi nagchat siya sakin kung pede daw ba makipag kaibigan."
"Pumayag ka?"
"Amm oo mukha naman siyang mabait."
"Saan naman yun napasok?"
"Same school as ours."
"Grade?"
"Eleven boss."
"Ahh...alam na ba 'to nina Maurice?"
"Hindi pa, sayo ko unang sinabi kasi akala ko kilala mo."
"Ahh okay, BTW nakita mo na ba yun sa personal?"
"Oo...maraming beses na rin."
"Ahh..."
"Ayy oo nga pala boss, mauna na ako ha. May meeting kasi kaming mga classroom officers. Pakisabi na lang kina Maurice at Sanmer na di ako makakapunta sa tambayan ha salamat." Pagpapaalam ko sabay takbo pababa ng building nila. Hindi ko na naintay ang sagot niya sa bilin ko. Baka kasi ma-late ako sa meeting eh, mahirap na.
JHADE'S POV
Naiwan akong gulat sa mga sinabi ni Krezhie sa akin. Parang ang bilis naman ata nun. Hays bahala na nga. Kailangang malaman 'to ng iba pa niyang boybest.
Walang pag-aaksayang oras na pumunta ako sa tambayan namin dito sa campus.
Pagdating ko dito ay naabutan kong nag-uusap ang dalawa.
"Maurice! Sanmer!" Pagtawag ko habang tumatakbo papalapit sa kanila.
"Oh Jhade, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Maurice.
"Kinausap kasi ako ni Krezhie kanina."
"Ahh eh bakit hindi mo siya kasama?"
"Nagmamadali kasi siya. May meeting pa daw siyang pupuntahan. Ibinilin niya din sa akin na hindi daw siya makakapunta dito."
"Eh ano yung sinabi niya sayo?" Curious na tanong ni Sanmer.
"May bagong kaibigan si Krezhie."
"Ahh, babae? Ano pangalan?" Muling tanong nito na mukhang excited pa.
Lalaking 'to! Hahaha joke lang.
"Lalaki siya pre." Sagot ko na ikinagulat nila.
"Ano?" "Ano?"
"Oo"
"Teka, anong pangalan?"
"Aczel daw."
"Apelyido?"
"Pasia"
"Aczel Pasia?"
"Oo, sabi."
Bigla silang nagtinginan na para bang problemadong problemado.
"Teka, san niya yun nakilala?"
"Matino ba yan?"
"Mabait ba yan?"
"Grade ano na ba yun?"
Bigla akong natahimik sa mga sunod-sunod nilang tanong. Hindi naman ako nabigla eh, hindi talaga Promise.
"Okay lang kayo?" Tanong ko.
"Bakit mo naman natanong yan?" Takang tanong ni Maurice sa akin.
"Kasi parang hindi kayo okay eh."
"Hindi talaga!" Galit na sigaw ni Sanmer na ikinagulat namin ni Maurice.
Grabe, grabe!
"Mukhang hindi nga."
"Hindi talaga. Kasi pano kung masamang tao pala yung lalaking yun? Pano kung may masama siyang balak kay Krezhie? Hindi ako papayag!"
"Pre, kalma."
"Nag-aalala lang kasi ako para kay Krezhie."
"Kami din naman, hindi lang ikaw." Pagsingit ni Maurice sa aming usapan.
"Alam ko naman yun."
"Ay siya wag ng magtalo at baka kung san pa mapunta 'to." Sabi ko.
"Sino kaya yun? Parang hindi ko siya nakikita dito sa campus." Tanong ni Maurice na sinundan naman ni Sanmer. "Diba nag-usap kayo kanina? Wala ba siyang nabanggit tungkol dun sa lalaking yun?"
"Meron..."
"Ano?!" "Ano?!"
"Grade eleven daw gaya ko."
"Ahh edi kilala mo?" Tanong ni Sanmer.
"Hindi nga eh."
"Paano na yan? Hindi natin alam kung magiging good or bad influence yun kay Krezhie."
"Abangan kaya natin mamaya sa may gate?" Suggest ni Maurice.
"Pede pede, pero paano natin aabangan? Ni-hitsura nga hindi natin alam."
"Oo nga noh."
"Wait!"
"Bakit?"
"May naisip ako."
TIME SKIP...
Ngayon ay nandito kaming tatlo sa may gate, inaabangan namin yung Aczel na yun.
Oo inaabangan namin. Alam na kasi namin yung hitsura. Hinanap namin sa fb at mabuti na lang nahanap namin.
"Pre, pre!" Pabulong na sigaw sa amin ni Maurice.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Diba yun yung Aczel?" Tanong nito sabay turo sa isang lalaki na naglalakad papunta dito sa gate.
"Hala pre! Yan nga yun."
"Asan? Asan? Babanatan ko." Nanggigil na sabi ni Sanmer.
"Huh? Bakit mo babanatan?" Tanong ni Maurice.
"Syempre baka may masamang balak yan kay Krezhie, kaya uunahan ko nang banatan yan."
"Alamin muna natin pre." Sabi ko na sinang-ayunan naman nila.
Nung malapit na yung Aczel sa amin ay nilapitan namin ito. Halata sa mukha niya ang pagtataka.
"Ikaw ba si Aczel Pasia?" Tanong ni Sanmer.
"Ako nga. Bakit?"
"Anong kailangan mo kay Krezhie?" Muling tanong ni Sanmer. Hinayaan na lang namin siya na siya muna ang magsalita.
"Kailangan? Wala."
"Talaga ba? Bakit nakikipagkaibigan ka kay Krezhie?"
"Gusto ko lang. Tsaka porket ba nakikipag kaibigan, may kailangan na agad?"
"Naninigurado lang kami brad. Baka kasi may masama kang balak sa kaibigan namin."
"Ahh kaibigan niya pala kayo. Hindi naman ako ganung klase ng tao. Tsaka gusto ko lang makipag kaibigan sa kaniya, yun lang."
"Siguraduhin mo dahil kung hindi kami makakalaban mo."
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520