"Mga pre!" Sigaw ko ng makita ko sina Jhade at Sanmer dito sa tambayan namin.
"Oh, bakit? Anyare? Bakit ka sumisigaw?" Tanong ni Jhade.
"Tanda niyo ba yung manliligaw ni Krezhie?" Tanong ko na ikinatawa nila.
"Pre, sino dun? Haha." Tanong ni Sanmer.
Kaya naman napatawa na rin ako. Naalala ko, hindi nga lang pala yun ang manliligaw niya haha. Sorry naman...
"Yung John Neil."
"Anong apelyido?"
"Franco, John Neil Franco."
"Ahh si Franco, oo naaalala pa namin. Bakit anong meron?" Tanong ni Jhade.
"Nakita ko yun kanina. Sa may tapat ng classroom ni Krezhie. Hindi ko alam ang mga nangyari eh, basta pagkakita ko na lang yakap-yakap niya si Krezhie." Sabi ko na ikinagulat nilang dalawa.
"Ano?" "Ano?"
"Oo nakita ko, kitang-kita ng dalawang mata ko."
"At pumayag naman si Krezhie na yakapin siya ng lalaking yun?" Tanong ni Sanmer.
"Ewan ko, hindi ko kasi masyado kita ang mukha niya eh. Taklob kasi ng likod ni John Neil si Krezhie."
"Ahh pero teka, imposible namang magpayakap si Krezhie. Ayaw nun ng niyayakap siya ng hindi niya ka-close. Tsaka isa pa, hindi yun gumagawa ng mga bagay na ikakaselos ng boyfriend niya."
"Yun nga din ang naisip ko. Pero ano kayang dahilan ng yakap na yun?"
"Teka, diba yung John Neil na yun ay matagal ng nanliligaw kay Krezhie?" Curious na tanong ni Jhade and I nod as my response. Tapos biglang sumingit sa usapan namin si Sanmer.
"Diba kina-usap na natin yun? Matagal na nating pinatitigil yan sa panliligaw pero hindi pa rin pala tumitigil? Matigas pala talaga ulo niya ha."
"Anong plano mo?" Tanong ni Jhade tapos biglang tumakbo si Sanmer. "Uy san ka pupunta?" Muling tanong ni Jhade pero di man lang siya pinansin nito. "Hoy Sanmer!"
Sinundan na lamang namin ito kahit di namin alam ang kaniyang patutunguhan. Mahirap na, baka kung ano pang magawa nito.
Biglang nabuo ang pag-aalala sa aking dibdib ng mapansin kong nasa daan kami papuntang classroom ni Krezhie.
"Sanmer, anong gagawin mo? Bakit nagpunta ka dito?" Alala kong tanong.
"May itatanong lang ako kay Krezhie."
"At ano naman yun?"
"Basta" seryosong sagot nito sa akin. "Excuse nga po kay Ms. Cortez."
Maya-maya pa lamang ay lumabas na rin ito.
"Uy andyan na pala kayo. Tara na sa tambayan." Nakangiting sabi nito.
"Krezhie ano yung nangyari kanina?" Tanong ni Sanmer na naging dahilan ng pagkawala ng ngiti nito.
"Huh? Alin?" Naguguluhan nitong tanong.
"Di bale na nga. Totoo ba na pinuntahan ka nung John Neil dito sa classroom mo kanina?"
"A-ahh oo, pano niyo nalaman?"
"Hindi na importante yun."
"And--"
"Saan ang classroom nung lalaking yun?" Tanong ni Sanmer.
"Bakit?"
"Basta, saan ang classroom?"
"Bakit n--"
"Saan ang classroom?" Muling tanong ni Sanmer na ikinabusangot ni Krezhie.
"Hays, tara. Sasamahan ko kayo." Nakangusong sabi nito at nagsimula ng maglakad at syempre, sinundan namin siya.
Maya-maya pa lamang ay biglang huminto ito sa paglalakad.
"Andito na tayo. Yan, yang room na yan ang classroom ng hinahanap niyo." Sabi nito sabay turo sa karapat naming classroom. "Ngayong alam niyo na, pwede ko bang malaman kung bakit niyo siya hinahanap?"
"Wala may sasabihin lang kami." Seryosong sagot ni Sanmer.
"Andaya naman eh!"
"Excuse mo na lang siya Krezhie. Kami ng bahala." Paki-usap ko na ginawa naman niya.
"Excus--" biglang napahinto sa pagsasalita si Krezhie ng biglang mag hiyawan at magsi tilian ang mga estudyante sa classroom na iyon.
"John Neil, ie-excuse ka ata ng crush mo oh!" Sigaw ng isang babae na naging dahilan ng mas malakas na tilian ng mga estudyante.
"Krezhie" pagtawag ni Jhade na ikinalingon naming tatlo. "Halika dito, ako ng mag e-excuse."
At tumabi nga sa amin ni Sanmer si Krezhie at si Jhade naman ang nagtungo sa may pintuan para mag excuse kay John Neil.
Maya-maya pa lamang ay lumabas din ang aming hinihintay.
"Hinahanap niyo raw ako?"
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Ficção AdolescenteGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520