Matulin akong naglalakad dahil late na ako sa klase. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayang may kasalubong pala akong babae kaya naman nagsalpok kaming dalawa.
"Myghad!" Galit na sabi nung babae.
"Oh my! I'm sorry.." sabi ko sabay lakad palayo pero biglang hinanggit nung babae ang buhok ko.
"How dare you?! Anong sabi mo ulit? Sorry? Maaayos ba ng sorry mo ang shoes ko? Tinapakan mo! Ayan! Ang dumi-dumi na!"
"I'll pay for it later. Sorry but I really have to go." Pagpapaalam ko sabay talikod sa babae pero bigla niya akong hinila paharap sa kaniya at sinampal ng malakas. "Ouch! Why did you slapped me?"
"Ang kapal naman ng mukha mo! Anong akala mo sa shoes ko? Mumurahin na kaya mong bayadan? Dzuhh! This is imported! I-M-P-O-R-T-E-D..IMPORTED." Pag mamayabang nung babae na ikinainis ko.
Payabangan pala ha...pwes mas mayabang ako sayo.
"Magkano ba yang sapatos mo at babayadan ko?!" Sigaw ko sa babae na ikina-irap niya.
"Ang yabang mo ah! Tinatanong mo kung magkano ang shoes ko? Twenty thousand pesos lang naman, kaya mong bayadan? I'm sure you can't because you're a P-O-O-R...POOR."
"Tss! Ako? tinawag mong poor? Ikaw ata ang poor sa ating dalawa? You know why? Because you're shoes' price is just a half of mine . Isa pa... kung talagang mayaman ka, hindi mo na pababayadan sa akin ang sapatos mo! Nasaan ang pera mo? Bakit hindi mo gamitin? At palitan yang cheap mong sapatos! Kung maka pag sabi ka na bayadan ko, parang ang ganda ng sapatos mo ah? Para sabihin ko sayo, ang cheap ng sapatos mo." Pagmamataray ko na alam kong ikina-inis niya and that was my plan.
Ang yabang mo eh, sorry pero mas mayabang ako. Oo mabait ako, sa mabait nga lang. Mali ka ng kinalaban girl...
Hindi na naka-imik ang babaeng kaharap ko. Nakatingin na lamang siya sa akin ng masama, naka-yukom ang mga kamao habang tumutulo ang mga luha na ikinangiti ko. Abot tengang ngiti ang aking pinapalit sa kaniyang mga tingin na nanlilisik na alam kong ikina-iinis niya lalo. Mas ngumiti pa ako ng mapansin kong unti-unti kaming pinag-uumpukan ng mga tao.
Sige mag tawag pa kayo, ng maraming makakita sa gagawin kong pagpapahiya sa babaeng 'to hehez.
Naalis ang tingin ko sa kaniya ng biglang may isang lalaki ang lumapit sa amin na lalong ikina-hagulgol nung babae.
"Baby what happened? Why are you crying?" Alalang tanong nito sa babae.
"Baby she made me cry. She said that cheap daw yung shoes ko." Sagot ng babae habang nagpapabebeng umiiyak.
Eww..
"Who said that?!" Galit na tanong ng lalaki na ikina-taas ng kilay ko.
Gaya ng inaasahan ako ang itinuro nung babae. "She!"
Kaya naman agad akong nilingon nung lalaki. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa . Tiningnan ako sa mga mata at tinitigan and syempre, I stared back ng may katarayan.
"Ikaw pala..." mahinahong sabi ng lalaki habang nakatitig parin sa akin.
"Oo, ako. I was the one who said that." Taas noo kong sagot.
"Baby did you hear that? She call my shoes again cheap!" Galit na sabi nung babae na mukhang hindi naman pinansin nung lalaki kasi nakatingin parin ito sa akin kaya naman muling nagpaawa yung babae para makuha ang atensyon ng kaniyang boyfriend. "Baby! She cal--" hindi na ito natapos sa pagsasalita ng biglang sigawan ito nung lalaki, "Shut up!"
Nagulat ako ng bigla akong lapitan nung lalaki habang nakatitig parin sa akin.
"Sorry sa ginawa ng girlfriend ko ha. Oo totoo yung sinabi mo, cheap yung sapatos niya. Cheap naman talaga siya. Makikipaghiwalay na nga ako sa kaniya eh, kasi nga cheap siya. Pwede ba tayong magmeet mamaya? Para makabawi naman ako sa kasalanang ginawa ng girlfriend ko?" Tanong nito habang sinusubukan akong hawakan sa aking braso pero agad ko itong iniiwas. Pati girlfriend nito ay ikinagulat din ang ikinilos nito.
Unti-unti akong nakaramdam ng takot ng patuloy parin akong sinusubukang hawakan nung lalaki. Kaya naman unti-unti akong umatras pero patuloy niya parin akong nilalapitan. Mas natakot pa ako ng makarinig ako ng papuri mula sa kaniya. "Ang ganda mo..."
Napatigil ako sa pag atras ng maramdaman ko ang matigas na pader sa aking likudan. Pataas ng pataas ang takot na nararamdaman ko habang papalapit siya ng papalapit.
Hahawakan niya na sana ako sa balikat ng bigla akong magsalita, "Wag mo akong hahawakan!"
"Easy baby girl, easy..."
What?! He called me baby girl?! Wtf!
"Don't call me baby girl!"
"Why not? You're cute heh----" hindi na natuloy sa pagsasalita yung lalaki ng biglang may humawak na lalaki sa balikat nito.
"Pre, may problema ka ba kay Krezhie?"
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520