KINABUKASAN
Ngayon ay nandito kami ng mga boybest ko sa mall para syempre maggala. Sayang nga eh, hindi kasi nakasama si Aczel. May gagawin daw kasi siya, next time na lang daw.
"Guys dun tayo oh!" Nakangiting sabi ko habang naka-turo sa isang teddy bear shop.
"Tara" sabi ni Maurice. Kaya nagsi puntahan na kaming apat doon.
Pagkapasok pa lang namin ay bumungad na agad ang mga naglalakihang bears.
Myghad!
Maya-maya pa lamang ay biglang may naisip akong pakulo.
"Guys?" Pagtawag ko sa kanilang tatlo. "Dito muna kayo ha, may titingnan lang akong bears dun sa may dulo." Pagpapaalam ko at tumango naman sila as their response.
Kaya ako ay mabilis na nagtungo sa mga bears na iba't-iba ang kulay. Humanap ako ng pinakamagandang klase at nung nakahanap na ako ay kumuha ako ng apat na kulay asul. Apat kasi ibibigay ko kina Boss, Boi at Sanmer yung tatlo . Asul kasi yun ang favorite color ko hehe. Naisipan ko silang bilhan ng teddy bear para kahit nasa bahay sila feel nila yung presence ko haha mema. Luminga-linga ako sa paligid baka kasi kita nila ako and mabuti na lang hindi.
Maya-maya pa lang ay mabilis kong binayadan sa cashier ang mga binili ko. Pagkabayad ko ay hinanap ko ang mga kasama ko.
Nasaan kaya ang mga yun?
Ayun! Nakita ko si Sanmer, nagtitingin-tingin sa mga teddy bears. Agad ko siyang nilapitan.
"Sanmer!" Pagtawag ko.
"Oy"
"Nasan yung dalawa?" Tanong ko.
"Amm may binabayadan lang sa cashier."
"Ahh may binili din sila?"
"Oo may pagbibigyan ata."
Pagbibigyan? Sino? May nililigawan na ata 'tong mga 'to, di nagsasabi sakin. Edi sana natutulungan ko sila, naku naman hahaha.
"Ahh...ikaw bumili ka din?" Muli kong tanong.
"Oo"
"Nasaan?"
"Pinadala ko na kina Jhade. Tinatamad akong pumunta sa cashier eh haha."
"Hahaha ayos ah, kelan ka ba sinipag?" Pagbibiro ko na ikinatawa niya.
"Grabe?"
"Haha biro lang."
"Hahaha" napatawa siya tapos tinulungan niya ako sa dala ko. "Oh, nandito na pala sila."
Kaya naman napalingon ako sa aking likuran at gaya nga ng sabi ni Sanmer nandito na sila at may dala-dalang mga paper bags na teddy bear daw ang laman sabi ni Sanmer.
"Uy may nililigawan na pala kayo ha, di kayo nagsasabi sakin. Dapat natutulungan ko kayo." Sabi ko tas bigla silang humagalpak ng tawa pati na din si Sanmer. "Bakit kayo tumatawa? May nasabi ba akong katawa-tawa?"
"Hahaha ano sabi mo? May nililigawan kami? Pwe!" Sabi ni Sanmer na pautas na ng pagtawa.
"San mo naman nakuha yun ha?" Natatawang tanong ni Jhade.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Novela JuvenilGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520