KREZHIE'S POV
Nandito kami ngayon ni Maurice sa aming tambayan. Naglakad-lakad kasi kami kanina tapos nung napagod kami, dumito na muna kami.
"Kakainis naman si Sanmer eh." Nakabusangot kong sabi na ikinatawa ni Maurice.
"Bakit naman?" Natatawang tanong niya.
"Bakit ba ayaw niyang marinig ko yung pag-uusapan nila? Tsaka tungkol ba saan yun?"
"Ewan"
"Hays, bakit ba ganun si Sanmer?"
"Boi alam mo naman na sa aming mga boybest mo ay si Sanmer ang pinaka mainitin ang ulo pagdating sa mga manliligaw mo. Diba? Nga pala Boi."
"Hmm?"
"Nanliligaw pa rin ba yung John Neil na yun sayo?"
"Ewan ko, tsaka wala naman akong pake dun. Manligaw siya kung gusto niya, basta wag siyang aasa."
"Hahaha that's my Krezhie!" Masayang sabi nito sabay apir sa akin kaya napatawa na rin ako. "Boi, pano kung isang araw ma-inlove ka sa lalaking yun?" Napatawa naman ako. "Hmm bakit ka tumawa?"
"Haha imposible naman kasi Boi yung sinasabi mo."
"Paano ka nakakasigurado?"
"Remember my standards Boi."
"Ayy oo nga pala."
"See? Hehe. Tsaka never kong ipagpapalit si Samjun noh. Kuntento na ako sa kaniya. Tsaka isa pa, nangako kami sa isa't-isa na walang lilingon sa iba."
"Yan ganyan dapat. Magbago ka na haha." Natatawa niyang sabi na nakapagpatawa din sa akin.
"Grabe ka sakin ha. Parang ang sama ko naman para sabihan mo ng magbago na hahaha."
"Wag mo na ding uulitin yung mga gawain mo noon. Maawa ka naman sa mga nagiging jowa mo! Hahaha"
"Siya sige sabi mo eh, kakatakot." Sabi ko na ikinahagalpak niya ng tawa.
"Haha sorry naman."
Dahil sa mga sinabi niya ay naalala ko na naman ang mga kalokohan ko noon.
Yung mga panahon na nagiging timer ako. Tanda ko pa ang mga panahon na yun. Pakiramdam ko kasi nun, yun ang kasiyahan. Mahabang panahon ko ring ginawa yun. Kaya hindi man lang ako nasaktan sa break-up namin ni Van Josh noon. Nagcheat kasi siya sakin kaya kami nagbreak. Huli na rin ng malaman niya na nag cheat din ako sa kaniya haha. Magaling kasi akong magtago. Hahaha sorry akin.
Pero nagbago ang lahat nung dumating si Samjun sa buhay ko. Tinulungan niya akong magbago. Tinuruan niya akong makuntento. Pinaramdam niya sakin ang tunay na pagmamahal.
Biglang nawala ang lahat ng aking iniisip ng mapagtanto ko na nakatingin pala sakin si Maurice.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong na ikinatawa niya.
"Bigla ka kasing natahimik at natulala . Anong nangyari sayo ha?"
"Ahh wala may naalala lang."
"Pwede ko bang malaman?"
"Naalala ko lang yung mga panahon na..."
"Na?"
"Yung gaya nung mga sinabi mo kanina." Nahihiya kong sabi.
"Ahh yun pala. Naalala ko tuloy nung nagbreak kayo ni Cheztah. Grabe ang iniiyak mo nun kahit cheater ka. Noon ko lang nalaman na may umiiyak pala ang cheater? Hahaha."
"Sira! Hahaha syempre minahal ko din yung tao noh? Tsaka alam kong totoo siya, yung tipong...totok siya magmahal."
"Aww!" Sabi niya na naging dahilan ng paghampas ko sa kaniyang braso. "Aray! Haha masakit yun."
"Aww ka diyan."
"Pero Boi sa totoo lang...sa lahat ng naging boyfriend mo, si Cheztah ang pinakaminahal mo ng todo."
"Ayy grabe ka ha, sumbong kita kay Samjun eh haha."
"Sabi mo si Samjun ang pinakaminahal mo. Pero Boi, hindi yun ang pakiramdam ko. Kahit maraming taon na ang lumipas, mas matimbang pa rin ang pagmamahal mo kay Cheztah noon kaysa sa pagmamahal mo kay Samjun ngayon. Sorry Boi kasi gaya nga ng sabi ko, yun ang pakiramdam ko dahil saksi ako sa buhay pag-ibig mo."
Bigla akong napa-isip sa sinabi niya. Hindi kaya totoo yun? Bakit at Paano? Aaminin ko, si Cheztah nga ang pinakainiyakan ko. Si Cheztah ang pangalawa sa mga naging boyfriend ko. Grabe ang iniiyak ko sa kaniya noon. Hagulgol talaga as in. Matagal na panahon din ang iginugol ko sa pag mo-move on ko sa kaniya. LDR kasi kami kaya naging malabo ang relasyon namin. Nawawalan na siya ng oras sakin nun, hindi ko alam kung bakit? Siguro napagod na rin siya sa ugaling meron ako. Hindi ko rin naman siya masisisi kasi deserve ko namang masaktan. Pero kahit naman may iba ako nun, hinding-hindi naman ako nawalan ng time sa kaniya. Actually, siya pa nga ang pinaka priority ko sa lahat.
Hindi naman sa sinasabi ko na proud ako sa pagiging cheater noon, sinasabi ko lang ang mga nararamdaman ko nung mga panahon na yun. Pinagsisisihan ko na rin ang mga gawain kong yun at nangako na ako sa sarili ko na hinding-hindi na ako muling magbabalik sa dating ako.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
TeenfikceGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520