CHAPTER 7

199 23 0
                                    

KINABUKASAN...

KREZHIE'S POV

Ngayon  ay nandito kaming mga boybest ko sa aming tambayan, recess na kasi.

Pero ngayong araw ay iba hehe. Guess why? Hmmm... Haha kasama ko kasi ngayon si Aczel. Ipapakilala ko kasi siya sa mga boybest ko. Syempre gusto ko ding makilala nila ang bago kong kaibigan.

"Boss, Boi, Sanmer." Pagtawag ko sa kanila tapos tiningnan nila ako ng may blangkong ekspresyon. "Si Aczel, bago kong kaibigan." Pagdudugtong ko pero napansin ko na parang hindi sila nagulat.

"Kilala niyo ba siya?" Tanong ko.

"Hindi" sagot ni Sanmer.

"Ahh...bago ko nga pal--" hindi na ako natuloy sa  aking pagsasalita ng biglang umimik si Maurice.

"Alam na namin."

"Huh? Paano?"

"Sinabi na samin ni Jhade kahapon."

Kaya naman pala...

"Aczel, say hi to them" nakangiting sabi ko.

"H-hi, I'm Aczel. Aczel Pasia" nahihiyang sabi nito na ikinatawa ko.

"Bakit ka nahihiya? Haha ano kaba, mga kaibigan ko din sila gaya mo. Don't worry, mababait yang mga yan. For sure, makaka-close mo din sila." Sabi ko na nakapagpangiti sa kaniya.

"Boss"

Napalingon ako bigla. "Po?"

"Boss, alis na ako. Bukas na lang ulit. May gagawin pa kasi ako sa room namin eh."

"Ah sige boss. Chat chat nalang maya."

"Sige" sabi nito sabay takbo palayo sa amin.

"Boi ako rin alis na ako." Sabi naman ni Maurice.

"Bakit? Time na ba kayo?" Tanong ko.

"Oo eh, bukas na lang ulit."

"Sige" pag ka-sabi ko nun ay umalis na rin siya.

"Ako din, alis nako." Sabi ni Sanmer.

"Eh?"

"Ingat ka sa pag-uwi mo mamaya ha. Geh bukas na lang ulit." Pagpapaalam nito sabay lakad palayo.

Ang weird lang...

"Ang weird nila. Napansin mo ba?" Tanong ko.

"Huh? Parang hindi naman." Sagot ni Aczel.

"Eh?"

"Malay mo, may gagawin talaga sila."

"Siguro nga..."

"Krezhie"

"Hmm?"

"Salamat ha."

"Para san?"

"Kasi pumayag ka na maging kaibigan ko."

"Naku, wala yun. Ano ka ba, tsaka alam kong mabait ka kaya pumayag ako."

"Salamat sa tiwala. Pangako, hindi ka magsisisi na naging kaibigan mo ako." Nakangiti niyang sabi na ikinangiti ko.

"Haha sabi mo yan ha? Aasahan ko yan."

"Hahaha sige ba. Makaka-asa ka."

"Hahaha"

"Nga pala Krezhie."

"Ano yun?"

"Sa tingin mo ba, gusto ako ng mga kaibigan mo para maging kaibigan ka?"

"Ano ka ba, oo naman!"

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon