CHAPTER 12

140 19 0
                                    

"Okay class, you may now take your recess. Class dismiss."

*bell rings...

RECESS TIME...

Gaya ng nakasanayan, pagkalabas ng aming guro ay kaniya-kaniya na kaming ingayan lalo pa at recess na. Ang iba ay nagdadaldan sa isang sulok, ang iba naman ay magbabarkadang pumunta sa canteen para bumili. Pero ako, maya-maya na ako lalabas ng classroom. Wala pa naman sa tambayan ang mga boybest ko eh. Tanaw kasi dito sa classroom namin ang bench na tinatambayan namin. At nakikita kong wala pang tao doon, kaya minabuti ko munang manatili dito sa classroom.

Maya-maya pa lang ay biglang nagsi-tilian ang mga babae kong kaklase, hindi ko alam kung bakit.

Nakita kong nasa gawing pintuan ang kanilang mga tingin.

Sino bang tinitingnan nila dun?

Dahil sa pag ka-curious ko ay akin itong sinilip.

Bigla akong natigilan nung akin itong makita.

Wala pa rin siyang pinagbago, pinagkakaguluhan  pa rin siya mg mga babae dito sa campus. Sino ba namang hindi mai-inlove sa kaniya eh napaka gwapo, napakalakas ng appeal at dating. Hays...

Biglang nagsi-tigil ang tilian ng biglang may babaeng lumapit kay Van Josh, si Trisha.

"Love, hinahanap mo ba ako?" Tanong nito sa may pang-aakit na tono.

"Oo love. Na-miss agad kita tsaka yung warm hugs mo." Sagot bi Van Josh na ikina-blush ni Trisha.

Yan, diyan magaling yang tokmol na yan. Sa mga pakilig niya. Hays..naalala ko na naman.

Bigla napaawang ang aking bibig ng makita ko silang dalawa na magkayakap.

Wow ha, dito pa talaga? Sa harap ng maraming tao? Pa-eksena?

Teka bakit ba ako affected? Dzuhh! Bahala na nga sila diyan.

Hays makapunta na nga lang sa cr. Habang naglalakad ako patungong banyo ay di ko maiwasang lumingon dun sa dalawa.

Inaamin ko, nakakaramdam pa rin ako ng selos pag nakikita ko si Van Josh na may kasamang ibang babae. Kahit maraming buwan na ang lumipas mula nung aming break-up ay may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Hindi naman gaya ng dati, konti lang. Kahit na niloko niya ako, hindi pa rin naman mawawala sa isip ko na minahal ko din naman siya kahit papano. Hindi naman sa mahal ko pa siya, what I mean is may kaunting feelings pa rin ako para sa kaniya. Kaunti lang.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng cr nang biglang may sumigaw ng aking pangalan.

"Krezhie, excuse daw!"

Kaya naman ako ay napalingon.

Baka mga boybest ko na yun.

Kaya agad na akong nagtungo sa labas ng aming classroom at nilinga-linga ang mga boybest ko pero ni-isa sa kanila ay hindi ko nakita.

Sinong nag-excuse sakin?

"Krezhie"

Napalundag ako sa gulat ng biglang may magsalita sa aking likuran.

"Uy John Neil, ginulat mo naman ako." Natatawa kong sabi.

"Ay sorry, hindi ko sinasadyang gulatin ka."

"Haha okay lang yun. BTW, nakita mo ba kung sino yung nag-excuse sakin?" Tanong ko na ikinatawa niya. "B-bakit ka tumatawa?"

"Ako yun hehe."

"Ahh ikaw pala, hmm bakit?"

Hindi ko na narinig ang kaniyang kasagutan sa aking tanong ng biglang maagaw nina Van Josh ang aking pansin.

Nandito pa rin pala sila. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa ikinikilos nila. Hinahaplos ni Van Josh ang pisngi ni Trisha na todo pabebe pa.

Sa bawat haplos nito ay isang tingin ang binibigay niya sa akin. Hindi lang basta tingin ha, yung tingin niya iba eh...para bang tingin ng isang demonyon nang-iinggit.

Wow ha, kailangan talagang tumingin sakin? Kung maka-tingin naman 'to, wagas. May galit ba sakin 'tong tokmol kong ex?

Habang patagal ng patagal ay palala ng palala ang ginagawa nito kay Trisha. Hanggang sa umabot na siya sa point na hahalikan na niya ito. Si Trisha naman ay para bang robot na walang kagalaw-galaw. Siguro iniintay niya ang paglapat ng labi ni Van sa  makati niyang labi. Grabe, hindi ba sila nahihiya sa mga kapwa estudyante naming nakakakita?

Nung maglalapat na ang kanilang mga labi ay biglang ibinaling ni John Neil ang aking tingin sa kaniya at ako'y niyakap.

Dahil sa pagka-bigla ko sa ginawa niya ay itinulak ko siya pero hindi man lang siya napa-atras. Yakap-yakap niya pa rin ako.

"Anong ginagawa m--" hindi na ako natuloy sa pagsasalita ng bigla siyang umimik.

"Wag kang gumalaw." Bulong nito.

"B-bakit?"

"Basta"

"Anong basta? Bitawan mo'ko baka may makakita sa'tin." Sabi ko sabay subok na itulak siya pero nanatili pa rin siyang matibay.

"Krezhie ple--"

"Oy kayong dalawa! Wag nga kayo dito maglampungan!"

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon