CHAPTER 10

156 21 2
                                    

KINABUKASAN...

*bell rings...

Tumunog na ang bell, hudyat na oras na para magsi-uwi.

Gaya ng nakasanayan, dumidiretso ako sa tambayan namin dito sa campus. Naabutan ko silang nag-uusap-usap.

"Wuy!" Masayang bati ko sa kanila.

"Oh andito na pala si Krezhie." Sabi ni Jhade.

Bigla kong napansin sa hindi inaasahang pagkakataon ay kasama pala ni si Aczel.

"Aczel!" Nakangiting bati ko sabay kaway.

Ngunit isang matipid na ngiti lang ang isinukli niya sa akin. Na naging dahilan ng aming katahimikan. Nung lumingon ako kay Sanmer ay nakita ko itong tinitingnan ng mariin si Aczel.

Problema nito?

Biglang nabasag ang aming katahimikan ng biglang magsalita si Maurice.

"Guys, kanina ko pa napapansin yung lalaking yun oh." Sabi nito sabay turo sa lalaking nasa gawing direksyon na aking pinanggalingan. "Kanina pa yan diyan eh, parang may hinahanap."

Nilingon naman namin ang kaniyang itinuro. Hindi naman namin ito mamukhaan kasi nakatalikod. Likod nito ang nakaharap sa amin.

"Tanungin kaya natin? Baka sakaling makatulong tayo." Suggestion ko na agad tinutulan ni Jhade.

"No! Krezhie yan ang wag na wag mong gagawin."

"At bakit?" Taka kong tanong na nakataas pa ang kilay.

"Syempre hindi natin kilala yan. Malay ba nating masamang tao yan."

"Oo nga, uso yan ngayon eh. Yung kunware may hinahanap tas pag may tumulong yun yung gagawing biktima." Sabi pa ni Maurice.

"Oh diba? Sabi ko naman sayo." Sabi ni Jhade sa akin na ikina-irap ko.

Hays! Kainis naman. Pinagtulungan na naman ako nitong dalawa.

"Teka, malay naman natin diba? Baka naman talagang may hinahanap yung tao." Sabi ni Sanmer.

Ayun! May kakampi ako hehe.

"Hindi ako papayag." Pagtutol ni Jhade.

"At bakit?" Tanong ni Sanmer.

"Baka mapahamak pa si Krezhie."

"Oh edi ako ang gagawa." Mayabang na sabi ni Sanmer sabay kindat sa akin na ikinatawa ko naman.

Dumale na naman hahaha.

Magsisimula na sanang maglakad si Sanmer papunta doon ng biglang humarap sa aming direksyon ang lalaki.

Ikaw?

"Teka!" Pag sigaw ko na naging dahilan para bumaling sa akin lahat ng kanilang atensyon.

"Bakit?" Tanong ni Sanmer.

"Ako na." Sabi ko sabay lakad papunta dun sa lalaki.

"Krezhie!" Pagsaway sa akin ni Jhade na hindi ko pinakinggan. Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglakad hanggang sa makarating ako doon.

"Aldren?" Nahihiya kong tanong na ikinalingon niya. Pagkalingon niya ay bakas ang gulat sa kaniyang mukha.

"Krezhie!" Masayang sabi nito na todo ngiti pa. Napatawa na lamang ako sa kaniyang inasta.

Angkyut haha.

"Anong ginagawa mo dito? May hinahanap ka ba? May sinusundo ka?"

"Ahh oo, hinahanap kasi kita."

Bigla akong natigilan sa kaniyang sagot.

"A-ako? Bakit?"

"Amm wala lang, gusto lang kitang makita."

"Ahh okay? Amm halika, papakilala kita sa mga kaibigan ko." Nakangiting sabi ko sabay hila sa kaniya.

Pagkadating ko sa aming tambayan ay bumungad sa akin ang mga tingin nilang nanlilisik.

Luhh...

"Guys?" Sabi ko pero nanatili pa rin silang nakatingin ng seryoso sa akin.

Hala...

"Guys, si Aldren nga pala." Naiilang kong pakilala sa kanila. "Nakilala ko kahapon, dun sa pinaglabanan ko ng chess. Siya yung nakalaban ko." Pag dudugtong ko.

Ganun parin...nakatingin parin sila sa akin ng seryoso.

Paglingon ko kay Aldren ay nahalata kong naguguluhan din siya sa mga nangyayari.

Teka ano bang nangyayari sa mga boybest ko?

Biglang nabasag ang aming katahimikan ng biglang magsalita si Aldren.

"Sige Krezhie, next time na lang. Mukhang hindi pa ata ako handang makilala ng mga kaibigan mo." Nahihiyang sabi nito sabay kaway habang naglalakad palayo sa amin.

Okay...

"Krezhie" pagtawag ni Jhade na ikinalingon ko.

"Hm?"

"Ano yun?"

"Alin?"

"Kakakilala mo lang sa lalaking yun? Close na agad? Kahapon mo lang siya nakilala diba?"

"Eh mukha namang mabait e--" biglang naputol ang aking pagsasalita ng biglang magsalita ulit si Jhade.

"Yan ang problema sayo boss eh. Porket mabait sa paningin mo, papayag kana agad makipagkaibigan.  Paano kung masamang tao yun? Nagtitiwala ka agad, hindi mo pa nga lubusang kilala yung tao."

Bigla akong natahimik sa sinabi ni boss sa akin. Bigla akong napatungo nang biglang may tumulong luha mula sa aking mga mata. Tumungo ako para hindi nila ito makita.

"Boi, wag kang umiyak. Pinagsasabihan ka lang ni Jhade. Para din naman yun sa kaligtasan mo eh. Iniisip lang namin yun kasi ayaw ka naming mapahamak." Sabi ni Maurice.

"Oo nga naman Krezhie. Iniisip lang namin ang kapakanan mo. Mahal ka namin eh." Sabi ni Sanmer sabay yakap sa akin na lalong ikinaluha ko. "Tahan na.."

"Boss sorry napa-harsh ata yung pagkakasabi ko sayo kanina. Sorry
..." sabi ni Jhade sabay sali sa yakap.

"Aba, aba. Ako din!" Sigaw ni Maurice na nakisali din. "Uy Aczel, halika sali ka samin."

Biglang akong napangiti ng sabihin ni Maurice yun. At mas lalo pa akong napangiti ng sumali nga sa aming group hug si Aczel.

Swerte ko sa kanila.

Para ko na din silang mga kuya. Pero sana matanggap din nila si Aldren bilang bago kong kaibigan.

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon