Recess time
"Krezhie tara, bibili." Pag-aaya sa akin ni Aldren.
"Wait lang, tatawagan ko lang si Pre." Sabi ko sabay lapit sa upuan ni Verl Jhon. "Pre, tara na."
"Mauna na kayo, susunod ako. Mag c-cr pa ako eh." Sabi naman nito.
"Ahh sige. Antayin ka namin sa tambayan." Pagpapaalam namin at tumango naman ito kaya lumabas na kami ng classroom at nagtungo sa canteen.
Pagbalik namin ay dumiretso na kami sa tambayan. Nagtaka ako bigla kasi kami pa lang dalawa ang nandito.
"Nasaan ang iba?" Tanong ko.
"Ewan, baka na-late lang ng labas." Hula ni Aldren na ikina palagay naman ng aking loob.
Luminga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling makikita ko sila. Pero biglang napatuon ang aking tingin sa aming classroom na parang may nagkakagulo.
Biglang nabuo ang kaba sa aking dibdib nang mapagtanto ko na si Van Josh ang nanggugulo doon. Biglang napasagi sa isip ko ang aking kinakatakutan noon na baka pag-initan ni Van Josh si Verl Jhon dahil type ni Trisha ang Pre ko.
Tatayo na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Aldren.
"Saan ka pupunta?" Takang tanong nito.
"Sa classroom natin." Sabi ko sabay lakad pero biglang humarang si Aldren sa aking dadaanan kaya ako'y napahinto. "Aldren, padaanin mo ako."
"Bakit ka ba pupunta dun? Diba aantayin na nga natin dito si Verl Jhon? Bakit babalik ka pa dun? Dito na tayo maghintay."
"Aldren, hindi mo ba nakikita? Nagkakagulo sa classroom natin at nag-aalala ako para kay Pre. Baka siya yung sinusugod dun lalo pa at si Van Josh yung sumusugod, yung boyfriend ni Trisha." Sagot ko na ikinagulat niya.
"Ano? Nagkakagulo?"
"Oo, tingnan mo." Nagmamadali kong sabi sabay turo sa direksyon ng aming classroom. "Tara samahan mo ako." Dagdag ko.
"Bakit? Manonood ka?"
"Sira! Syempre aawatin ko."
"Ahh pero wag na."
"Ano? Aldren, kabigan ko yun. Hindi ko yun pwedeng basta na lang pabayaan."
"Alam ko naman yun pero di na kailangan. Nandun na sina Jhade at Sanmer oh." Mahinahong sabi niya sabay turo sa may bandang classroom namin.
Mula dito sa tambayan ay nakita ko nga ang dalawa na pumasok sa classroom namin.
Myghad ano kayang nangyayari?
Maya-maya pa lamang ay biglang nagsilabasan ang mga estudyante sa aming classroom at lumabas na din sa Van Josh na bakas ang galit at inis sa mukha. Bugnot itong naglakad palayo.
Maya-maya ay nakita ko na rin sina Boi, Boss, Sanmer at Pre na naglalakad patungo dito sa aming tambayan. Agad ko silang sinalubong at ganun din ang ginawa ni Aldren.
"Pre, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Alala kong tanong na ikinangisi ni Verl Jhon. "At masaya ka pa?" Pataray kong tanong.
"Ito naman oh, taray taray agad." Natatawa niyang sabi.
"Syempre naman kanina pa akong nag-aalala dito, tapos tatawanan mo lang ako?" Pagmamataray ko pa.
"Haha ano ka ba naman pre, okay lang ako. Tingnan mo oh, wala namang na-damage." Pagbibiro niya habang pinagmamasdan ang kaniyang mga braso.
"Hay naku, yan kasi. Binalaan na kita noon pa. Sabi ko naman sayo na wag ka masyadong lalapit kay Trisha." Inis kong sermon tapos bigla kong napansin na ako lang yung dakdak ng dakdak sa aming anim. Napansin ko rin na nakatingin sila sa akin. "Bakit kayo nakatingin?"
"Haha ang cute mo kasing magalit Pre." Sagot ni Verl Jhon na nakapag pangiti sa akin.
"Ala kakainis kayo! Galit ako dito tapos sasabihan niyo ko ng cute? Che! Isa pa nga!" Pagbibiro ko na ikinahagalpak nila ng tawa.
"Ang saya ah? What did I missed?" Tanong ni Maurice na kadadating lang.
"Oh ikaw, san ka galing? Bakit bgayin ka lang?" Tanong ko.
"Hehe sorry po, late kasi kami pinag recess ng MAPEH teacher namin eh. Nag overtime kami kasi kinulang sa oras." Pagpapaliwanag niya sabay kamot sa kaniyang batok.
"Ahh ganun ba? Okay lang Boi, naiintindihan ka namin."
"Salamat haha. Nga pala, anong nangyari bakit kayo tumatawa?" Curious niyang tanong.
"So yun nga, muntik ng mapaaway si Verl Jho--" biglang napatigil sa pagsasalita si Sanmer ng biglang umimik si Maurice.
"Ano? Mapapaaway si Verl Jhon?" Gulat nga gulat nitong tanong na kinatawa namin.
"Haha kalma tol, patapusin mo muna ako."
"Ay haha sige sorry sorry."
"So yun nga, muntik ng mapaaway si Verl Jhon pero hindi natuloy kasi dumating kami agad at inawat namin sila."
"Teka, curious lang ako ha. Paano niyo nalaman na may away?" Tanong ko.
"Ano kase...papunta kami sa classroom niyo kasi medyo natagalan kaming tatlo sa pag iintay dito sa tambayan. Pag dating kasi namin dito kami pa lang ang tao. Kaya naisipan naming puntahan kayong dalawa sa classroom niyo at ayun nga, nakita namin na parang mapapaaway si Verl Jhon kaya dali-dali kaming pumasok at inawat sila." Pag tutuloy ni Sanmer.
"Ah--"
"Napakayabang talaga ng Van Josh na yun! Kung maka sugod, akala mo kung sino? Palibhasa, di niya kilala ang sinugod niya. Naku kung sinabi ko sa kaniya kanina na isang Gang Leader si Verl Jhon, he! Tiyak akong sabog ang ihi nun sa takot haha."
At talagang humirit pa.
"Bakit ka nga pala sinugod nun, tol?" Tanong ni Jhade kay Verl Jhon.
"Gaya nga ng sabi ni Pre Krezhie, may kinalaman kay Trisha kung bakit ako sinugod ng gag*ng yun. Akala ba naman ay inaagaw ko sa kaniya ang girlfriend niya? Tss asa pa! Kahit kailan hindi ko magiging type ang babaeng gaya ni Trisha." Sagot ni Verl Jhon na mukhang nandidiri pa.
Napangisi na lang ako sa inasal niya hahaha. Minsan talaga, may pagka-judgemental 'to eh pero nasa lugar naman.
"Naku naku!" Nakangusong sabi ni Maurice na ipinagtaka naming lima.
"Bakit naku naku?" Natatawang tanong ni Aldren.
"Naku naku! Kung ako yung nandun, babanatan ko ng husto yung Van Josh na yun, tatapakan na parang langgam at kekembotan." Pagbibiro niya na ikinatawa naman namin.
"Nice one, men!" Tatawa-tawang sabi ni Sanmer sabay apir kay Maurice.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Fiksi RemajaGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520