KINABUKASAN
KREZHIE'S POV
Halos mabingi ako sa ingay ng mga kaklase ko. Vacant ba naman, wala kasi ang MAPEH teacher namin na dapat magkaklase sa oras na ito at wala din siyang iniwan na gawain para sa amin. Kaya ayun ang mga kaklase ko, daldal here...daldal there.
Nakikipagdaldalan din naman ako dito sa katabi kong si Grace, mahina lang. Pareho kasi kaming tahimik hehe. Oo tahamik ko noh, dzuhh! Hahaha. Pero halos hindi na kami magkaintindihan dahil sa ingay ng paligid.
Mapapagalitan na naman kami ng mga teachers nito. Naku!
Katabi lang kasi namin ang Math Department. Pag nakakarinig sila ng ingay ay agad kaming pinupuntahan dito at sinisita. Kami lang kasi ang classroom na katabi ng Math Department kaya pag may ingay, sigurado sila na sa amin galing yun at hindi naman sila mali doon. Maiingay naman talaga ang mga kaklase ko. Kahit nga ako ay naiirita na din minsan sa kanila eh. Pero nananahimik na lang ako kasi baka barahin nila ako. Iba din kasi ang ugali nila.
Maya-maya ay biglang nagsi-tahimik ang lahat.
Bakit kaya?
Napalingon ako sa paligid kasi nagtataka ako kung bakit ba natigil ang ingay.
Nakita kong may tao sa may pinto, hindi ko alam kung sino. Hindi ko kasi kita, nahaharangan kasi iyon ng ulo ng mga kaklase ko.
Sino yun?
"Krezhie" pagtawag ni Grace sa akin kaya naman ako ay napatingin sa kaniya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Tawag ka ata."
"Huh? Nino?"
"Ma'am Eva"
Ahh, si Tita Eva pala.
Kaya naman ito ay aking nilapitan.
"Bakit po?"
"Balita ko, wala daw kayong teacher ngayon?" Tanong nito at tumango naman ako. "Halika, sumama ka sa akin." Dagdag pa niya sabay hila sa akin palabas ng classroom.
"Tita saan po tayo pupunta?" Curious kong tanong.
"Magpapasama sana ako sa iyo. Papunta kasi ako sa ARAX Academy."
"Ahh"
"Sasamahan mo ba ako?"
"Opo naman." Nakangiti kong sagot.
"So...tara na?"
"Sige po."
Mabilis kaming nagtungo sa kaniyang sasakyan sa may parking lot at sumakay na. Kaya naman nag simula na siyang mag drive.
"Amm tita, bakit po pala kayo pupunta dun?" Tanong ko.
"Bibisitahin ko lang ang mga dati kong co-teachers doon, total wala din naman akong klase hanggang mamaya."
"Ahh sabi niyo po, mga dating co-teachers. Ibig sabihin po ba nun ay nagturo din kayo doon before?"
"Oo mga tatlong taon din."
...
Pagdating namin dito sa ARAX Academy ay agad kaming dumiretso sa Faculty Office. Nandoon daw kasi ang mga teachers sabi ng school guard dito.
Pagkapasok namin sa Faculty Office ay bumungad sa amin ang mga nag-uusap na mga teachers. Tapos bumakas ang gulat sa kanilang mukha ng makita nila si Tita Eva.
"Eva! Nice to see you again, it's been a long time!" Sabi ng isang teacher na naka braces sabay yakap kay Tita Eva.
"Amm excuse me po." Nahihiya kong sabi kaya naman nabaling lahat ng kanilang atensyon sa akin. "Tita Eva, pwede po bang sa labas muna ako? Maglilibot lang po sana."
"Sure, sige mag iingat ka." Pagkasabi ni Tita Eva niyan ay lumabas na agad ako doon.
Naisipan kong lumabas kasi feeling ko mao-OP ako sa loob haha. Tsaka para makagala din ako sa school na ito. Pangalawang punta ko na dito at ang unang pagkakataon ay nung lumaban ako ng board game na chess.
Ay haha naalala ko na naman. Para akong sh*nga nun eh, kung saan-saan ba naman nakatingin, yun tuloy nagsi-patakan ang mga chess pieces ko pero dahil dun nakilala ko si Aldren. Hindi na rin masama haha.
Ang ganda talaga ng eskwelahang ito. Hindi ako magsasawang mamangha dito. Masasabi kong may pagkakatulad ito sa aming eskwelahan pero iba ang disenyo nito.
Ang ganda!
Habang pinagmamasdan ko ang mga ito ay biglang may humawak ng aking balikat na talaga namang ikinagulat ko. Dahil sa pagka-inis ko ay mabilis kong nilingon kung sino yun at nagulat din ako kung sino yun.
"Hi Krezhie!" Nakangiting bati nito.
"Uy Aldren, ikaw pala haha. Papatayin mo naman ako sa gulat." Tatawa-tawang sabi ko na ikinangisi niya.
"Nagulat pala kita,haha sorry."
"Haha okay lang basta wag mo ng uulitin."
Waring may sasabihin si Aldren pero bigla siyang nahinto dahil may narinig kaming sumisigaw at papalapit ito sa amin.
"Aldrrreeennnn!"
"Oh, bakit ka sumisigaw? May galit ka ba ha?" Tanong ni Aldren na natatawa pa.
"Wala, sumigaw ako para marinig mo agad haha."
"Ayos ka ah haha."
"Haha pasensya na." Natatawang sabi nung lalaki tapos bigla itong napatingin sa akin kaya nginitian ko ito. "Amm Aldren, sino itong kasama mo?"
"Ahh si Krezhie kaibigan ko." Nakangiting sagot ni Aldren sabay tingin sa akin. "Krezhie, si Allan...tropa ko."
"Nice to meet you po." Bati ko na ikinangiti naman nung lalaki.
"Nice to meet you din, Krezhie."
"Allan, bakit mo nga pala ako hinahanap?" Tanong ni Aldren.
"Yayayain sana kitang pumunta sa library." Sabi ni Allan na ikinagulat ko.
"Magbabasa ba kayo?" Excited kong tanong.
"Oo, sasama ka?" Tanong ni Aldren.
"Umm, pede ba?"
"Oo naman, tara!" Masayang sabi ni Allan sabay lakad at sumunod kami sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520