KINABUKASAN...
ACZEL'S POV
Ngayon ay nandito ako sa may gate dito sa campus namin. May inaantay kasi ako at may sasabihin ako sa kaniya.
Antagal naman nun. Papasok pa kaya yun? Sana naman pumasok siya. May gusto talaga akong sabihin sa kaniya eh. Matagal ko ng gustong sabihin 'to kaso wala akong lakas ng loob. Hayss..
Pagkalingon ko sa may gate ay biglang nasulyapan ko ang aking hinihintay.
Krezhie...
"Krezhie, Krezhie" pagtawag ko nung bigla siyang dumaan sa harap ko.
Hindi niya kasi ako napansin.
"Oh, Aczel? Anong ginagawa mo diyan? Sinong inaantay mo?"
"Ikaw"
"Huh? Ako?"
"Oum"
"Bakit?"
"Ano kas--" hindi na ako natuloy sa aking pagsasalita ng bigla siyang umimik.
"Yung tungkol ba dun sa hinihingi mong keychai--"
"Hindi yun Krezhie, hindi yun."
"Eh ano?"
"Amm nahihiya kasi ako."
"Sabihin mo na."
"Amm ano kase, pwede bang..."
"Pwedeng?"
"Pwede bang hindi na ako sumabay sa inyo kapag uwian?"
"Bakit naman?"
"Nahihiya pa rin kasi ako sa mga boybest mo. Hindi ko maisali yung sarili ko sa inyo. Alam mo yun? Yung parang hindi ako belong?"
"Luhh"
"Please?"
"Ayaw ko man pero anong magagawa ko?" Malungkot na sabi niya. Pero syempre ayaw ko ng nalulungkot siya kaya...
"Salamat Krezhie! Don't worry, sasabay naman ako sa'yo tuwing umaga. Sasabayan kita mula dito gate hanggang sa classroom mo." Sabi ko na ikinabuhay ng ngiti sa kaniyang labi.
"Talaga?"
"Oum"
"Yay!" Masayang sigaw nito sabay gulo ng buhok ko.
Hays buhok ko na naman haha.
"Buhok ko na naman nakita mo." Natatawa kong sabi na ikinatawa din naman niya.
"Hahaha sorry akin."
"Halika ka na, hahatid na kita sa classroom niyo. Baka ma-late ka pa." Sabi ko na sinang-ayunan naman niya.
Kaya naman nagsimula na kaming maglakad patungo sa classroom niya. At nung nakarating na kami sa tapat nito ay muli kaming nagpaalam sa isa't-isa.
Salamat naman at pumayag siya sa aking nais. Hindi ko na kasi matiis ang pagka-ilang ko sa mga boybestfriends niya eh. Hindi ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko sa kanila. Pero buti na lang talaga at pinagbigyan niya ako. Ang bait niya talaga.
KREZHIE'S POV
Pagkadating ko sa aming classroom ay nadatnan kong nagdadaldalan lamang ang mga kaklase ko kaya napaupo na lang ako sa aking upuan at napa-isip sa mga sinabi ni Aczel kanina.
Hindi ko alam na ganun pala ang pakiramdam kapag kasama niya ang iba kong mga boybest. Kung alam ko lang, edi sana naagapan. Sana naka-usap ko ang mga boybest ko tungkol dun para naman maging kumportable sa amin si Aczel pag kasama namin siya.
Ayaw ko mang pumayag sa gusto niya kanina ay pumayag na lang ako. Syempre, sino ba naman ako para tanggihan ang gusto niya diba? Kaibigan niya lang ako kaya kung san siya mas magiging kumportable ay dun na lang din ako.
Ayy teka, kaya pala ganun na lang ang inasta niya kahapon. Nung pinagsasabihan ako nina Boss, tahimik lang siya nun eh. As in walang imik. Saka lang siya tumawa nung nag group hug.
Ant*nga-t*nga ko! Bakit di ko agad napansin yun? Hays! Yae na nga. Yae na, nangyari na eh. Di bale, makakasabay ko parin naman siya tuwing umaga. Atleast...
Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na balang-araw, magiging close din si Aczel sa kanila.
Siguro nga hindi pa ngayon, pero malapit na. Sabi nga nila, NOT NOW BUT SOON haha mema lang.
Can't wait na mangyari yun. Ngayon palang, excited na 'ko! Haha. Can't wait na halimbawa, magbobonding kaming lahat. Kasama ang lahat ng mga boybest ko, syempre kasama din dun ang mga bago kong boybest sina Aldren at Aczel. Yung kakain kami sa isang restaurant tapos gagala kung saan-saan. Mag ro-road trip haha. Ang saya nun! Tapos lilibutin namin ang buong mundo at sa bawat lugar na aming pupuntahan ay may mga litrato na mag papaalala kung gaano kasaya yun. Can't wait to make memories with them. Pero sana mangyari yun.
Sa tingin ko naman talaga, magiging close din si Aczel sa kanilang lahat. Ganun din kasi ang nangyari kay Maurice nung bago ko pa lang siya naging kaibigan. Mahabang panahon din bago siya natanggap ng iba ko pang boybest lalo na si Sanmer. Pero ngayon, close na sila gaya ng gusto kong mangyari at gusto ko ring mangyari yun kay Aczel at pati na rin kay Aldren.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520