JOHN NEIL'S POV
"Ako yun hehe." Nahihiyang sabi ko.
"Ahh ikaw pala, hmm bakit?" Tanong ni Krezhie.
"May bibigay kasi sana ako sayo." Sagot ko sabay tungo dahil syempre, nahihiya ako.
Ilang segundo ang lumipas ay napansin kong natahimik ito. Kaya naman siya ay aking nilingon. At nung akin siyang lingunin ay isang nagseselos na Krezhie ang aking nakita.
Bakas na bakas ang selos sa kaniyang mukha. Kahit di niya sabihin ay alam kong nagseselos siya. Nakatingin siya sa isang lalaki at babae na naglalambingan. Batid ko ang kwento nila ng lalaking yun. Batid ko na meron silang nakaraan noon. Nakaraan nila ng nag ngangalang Van Josh Salveta. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganito siya.
Habang nakatingin siya sa mga ito ay napansin ko na panay ang tingin ni Van Josh kay Krezhie, na para bang iniinggit niya ito. Biglang nabuo ang inis sa aking loob.
Maya-maya pa lamang ay tangkang hahalikan nito ang babaeng kasama niya at alam kong ginagawa niya yun para pagselosin si Krezhie.
Syempre ayaw ko ng gaganunin niya si Krezhie kaya gumawa ako ng paraan.
Nung maglalapat ng ang mga labi nung dalawa ay agad kong ibinaling ang tingin ni Krezhie sa akin at siya'y niyakap. Alam kong mali 'tong ginagawa ko pero ito lang ang naisip kong paraan para bawian si Van Josh.
"Anong ginagawa m--" gulat na sabi niya sabay tulak sa akin pero hindi man lang ako nito napa-atras sa aking pagkakatayo. Alam ko na kasing gagawin niya yun kaya inihanda ko na ang sarili ko.
"Wag kang gumalaw." Bulong ko. Baka kasi marinig ni Van Josh edi sira ang plano ko?
"B-bakit?"
"Basta"
"Anong basta? Bitawan mo'ko baka may makakita sa'tin?"
"Krezhie ple--" hindi na ako natuloy sa aking sasabihin ng biglang magsalita ang aking hinihintay hehe.
"Oy kayong dalawa! Wag nga kayo dito maglampungan!" Galit na sabi nito.
"Bakit bawal ba?" Pang-iinis na tanong ko.
"Oo bawal! PDA kayo eh!"
"Wow! So PDA pala kami, eh ano pa yung sa inyo? SPDA? Super Public Display of Affection?"
"Hoy, wala kang karapatang sabihan kami niyan."
"At bakit? Ano yun, kayo bawal sabihan tapos kami pwede? Ang unfair naman ata nun."
"Wala akong pake! Isusumbong ko kayo sa guidance office."
"At anong isusumbong mo? Na PDA kami? Baka gusto mong kayo ang isumbong ko? Para sabihin ko sayo, niyakap ko lang si Krezhie. Eh ikaw? May pahaplos-haplos at pahalik ka pa. Ngayon sabihin mo, sinong PDA sa atin? Akala mo, hindi ko pansin na pinagseselos mo si Krezhie? Dude, style mo bulok!"
"Ang yabang mo ah."
"Tinatapan lang naman kita dude." Sabi ko na alam kong mas ikina-inis niya.
"Baka gusto mon--"
"Tama na nga yan! Umalis ka na nga dito Van!" Pag-aawat sa amin ni Krezhie.
Umalis na galit na galit si Van Josh tss.
Pasalamat yang Van Josh na yan at pinigilan ako ni Krezhie. Kung hindi, talagang patitikimin ko naman ng isang suntok yan. Napaka yabang!
"John Neil, salamat ha."
"Para san?"
"Dun sa ginawa mo kanina. Salamat talaga."
"Nako wala yun, napansin ko kasi na iniinggit ka ng mokong na yun kaya nag-isip agad ako ng gagawin and nag work naman hehe."
??? POV
Ikaw na naman? Kailan mo ba tatantanan si Krezhie? Naku! Napupuno na talaga ako sayo.
Alam naman niyang may boyfriend si Krezhie, lapit pa ng lapit. Ayaw ba namang tantanan. Hindi pa rin sumusuko sa panliligaw. Umaasa pa rin na sasagutin siya ni Krezhie. Hay naku, umaasa lang siya sa wala.
Taas-taas kaya ng standards ni Krezhie pagdating sa magiging boyfriend niya at ang pinakamahirap i-reach dun ay ang pagiging matalino. Sabi niya kasi sa amin ang gusto niya ay yung may maihaharap siya at maipagmamalaki sa mga parents niya. Alam naming may point siya dun. Ikaw ba namang magkaroon ng mga magulang na mataas mag-expect diba?
Gaya na lang nung kasalukuyang boyfriend niya, si Samjun. Matalino, mabait at gwapo yun. Mayaman din gaya nina Krezhie. Tapos magkakasundo pa parents nila. Actually, gustong-gusto nga ng parents nila sila para sa isa't-isa. Hindi na rin ako magtataka kung sila na ang ikakasal balang-araw.
Gusto ko rin si Samjun para kay Krezhie. Lahat kasi ng hinahanap ng isang babae sa isang lalaki ay na kay Samjun na at lahat naman ng hinahanap ng isang lalaki sa isang babae ay na kay Krezhie na. Oh diba, ang perfect nila? At bagay sila sa isa't-isa.
Sana makahanap rin ako ng ganyang lovelife. Yung ganyan kasaya at katatag. Hays sana all kasi may jowa haha.
Di bale na nga, saka na yang lovelife na yan. Kailangan ko munang ipaalam 'to kina Jhade at Sanmer.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520