CHAPTER 8

179 21 0
                                    

Ngayon ay nandito kami sa ARAX ACADEMY. Nandito kami para lumaban ng Chess. Oo kasali ako sa mga lalaban at kasama ko pa ang ibang mga players ng chess sa campus namin. Habang naglalakad kami ay pinagmamasdan kong maigi ang paaralan. Maganda...tsaka gusto ko ang disenyo ng bawat silid.

Maya-maya pa lamang habang nag mamasid ako ay napansin kong parang wala na akong kasama kaya agad ko silang nilingon.

Hala! Wala na nga! Asan na ang mga yun?

Dahil sa pagkataranta ko ay nagmamadali akong tumakbo habang lumilinga-linga sa paligid.

Asan na ba ang mga yun?? Myghad!

*bumped

Aray!

Bigla akong napa-upo sa semento ng biglang may nakabanggaan ako. Hays! Ang shakit!

"Miss are you okay?" Tanong nito.

"O-okay lang ako."

"Sorry ha hindi ko kasi napansin."

"Ako nga ang dapat mag sorry. Kasi ako yung mamalag-malag dito." Natatawa kong sabi na ikinatawa din niya.

"Grabe naman yung word mo hah--"

"Myghad mga chess pieces ko!" Gulat kong sabi ng mapansin ko na nahuho pala ang mga ito dahil sa pagkakabangga ko sa lalaking 'to.

"Tulungan na kita." Sabi niya sabay tulong sa akin sa pag lilimot ng mga chess pieces ko.

Nung nalimot na namin lahat ay akin siyang pinasalamatan.

"Salamat"

"Wala yun, binibini." Nakangiting sabi niya.

TIME SKIP...

Myghad kinakabahan ako. Sino kayang makakalaban ko? Huhu

Ms. Krezhie Cortez VS. Mr. Aldren Manabat

Aldren Manabat? Sino yun?

Maya-maya pa lamang ay dumating na din amg sinasabi nilang Aldren Manabat.

SIYA?

Napatingin akong maigi sa aking makakatunggali. Siya ba talaga ang makakalaban ko? Myghad kakahiya!

"Hi" nakangiting bati nito kaya napangiti na rin ako pero pilit hehe.

"Hello..."

"Good luck"

"Same"

Maya-maya ay natapos na din ang aming laban at ako ang nagwagi. Can't believe it!

"Congrats!" Nakangiting bati nito sa akin.

Grabe ha, kanina ka pa. Jusko! Porke may dimple ka ha! Haha joke lang.

"Thank you." Nakangiting sabi ko naman.

"Aldren" sabi niya sabay aro ng kaniyang kamay. Kaya naman inaro ko din ang sa akin.

"Krezhie"

At nagkamayan kami.

"Galing mo pala mag chess."

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon