KINABUKASAN
"Buti na lang wala tayong mga klase ngayon noh?" Sabi ni Maurice.
"Kaya nga eh, buti kami ding mga Senior." Dagdag pa ni Jhade.
"Bakit nga pala tayo mga walang klase?" curious na tanong ni Sanmer.
"Diba nga, araw daw nating mga estudyante ngayon." Sagot ni Aldren.
"Ayy oo nga pala, ang astig noh? May pa ganyan dito sa school natin." Manghang sabi ni Sanmer.
"Kaya nga eh, kaya maswerte tayo haha." Masayang sabi naman ni Verl Jhon.
"Guys, may napapansin ba kayo?" Pang-aasar ni Sanmer.
"Oo nga guys, may napapansin ba kayo? Para kasing tahimik yung isa diyan eh. Wawa naman." Pagpaparinig pa ni Aldren.
"Oy kayo ha, wag niyong ma-away away 'tong Pre ko." Sabi ni Verl Jhon na pakunwaring niyakap ako. Tapos nagtawanan silang lahat.
Kapag tumatawa sila ay iniirapan ko na lamang sila pero lalo silang natatawa dahil sa inaasta ko.
"Maurice" pagtawag ni Sanmer pero sa akin nakatingin.
"Bakit tol?" Tatawa-tawang tanong ni Maurice habang sa akin din nakatingin.
Pagti-tripan na naman ako ng dalawang 'to.
"Ilibre mo nga ulit kami, kami lang ha. KAMI LANG." Sagot ni Sanmer na may diin pa sa dulo. Tinarayan ko na lang sila.
Kakainis!
Dahil sa pag kainis ko ay bigla na lamang akong tumayo at naglakad palayo sa kanila. Dumiretso na lamang ako sa library.
Nakangusong kumuha ako ng librong babasahin.
Lumipas ang mahigit limang minuto ay mahigit walong pahina na ang aking nabasa pero ni-isa doo'y wala akong naintindihan. Wala kasing pumapasok sa isip ko dahil na rin siguro sa inis na nararamdaman ko.
Kakainis pinagtutulungan ba naman ako?!
VERL JHON'S POV
Hanggang ngayon ay tawa parin kami ng tawa sa mga inasta mi Krezhie. Ang cute niya kasi kapag naiinis lalo na kapag ngumunguso hahaha.
Natripan kasi ng mga 'to na inisin si Krezhie kaya nakisali na rin ako sa trip nila. Mukha kasing magigibg masaya at ngayon...SUCCESS! Hahaha
"Ang cute mainis ni Boss noh?" Tatawa-tawang sabi ni Jhade.
"Haha sinabi mo pa." Pag sang ayon ni Maurice.
"Pero mga tol, baka magtampo sa atin yun." Alalang sabi ni Aldren.
"Hindi yan at kung sakali man, ay di natin hahayaan." Paninigurado ni Sanmer.
"Pano natin yun susuyin?" Tanong ko.
"Hmmm...edi bibilhan natin soya ng bagong teddy bear. Diba mahilig naman sa mga bears?" Suggest ni Maurice.
"Parang di naman effective yan eh." Sabat ni Aldren.
"Eh kung...bilhan natin siya ng bagong gitara? Diba mahilig naman siya tumugtog ng iba't-ibang instruments?" Suggest naman ni Sanmer.
"Okay sa akin yan. Sa inyo?" Tanong ni Aldren.
"Ped--" hindi ako natuloy sa pagsasalita ng biglang umimik si Jhade na kadarating lamang.
"Guys, may misyon tayo." Sabi nito.
"Misyon?" Tanong ni Maurice.
"Anong misyon naman?" Takang tanong naman ni Sanmer.
"Ganito kasi yan, diba tumawag si Tita Jasmin? May sinabi siya sa aking secret. Isusurprise daw nila si Boss at kailangan daw nila ng tulong natin." Pagtutuloy ni Jhade.
"Ano ba yun secret? Tsaka paano tayo makakatulong?" Curious kong tanong. Tapos inilapit ni Jhade ang mga tenga namin sa kaniya at ibinulong ang kasagutan sa aking itinanong.
"Ahh yun lang ba? Sus yakang-yaka natin yan!" Nakangiting sabi ni Sanmer na sinang ayunan naming lima.
"Mga tol, sa tingin ko...pwedeng yun na ang maibabawi natin kay Pre." Sabi ko na ikitigil nila.
"Oo nga noh? Galing mo dun tol ah!" Pagpuri ni Aldren sa akin na ikinatawa ko.
Parang ang laking tulong naman nung ginawa ko hahaha.
Bigla akong natigilan ng lahat sila'y tumingin na sa akin.
"B-bakit?" Taka kong tanong.
"We are so proud of you Tol!" Sigaw ni Sammer tapos sabay-sabay silang nagsihagalpakan ng tawa.
"Haha sira!"
Grabe ang saya. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kasaya dito sa paaralang ito. Hindi ko akalain na magiging close ko silang lima. Akala ko kasi noon ay mortal kong kaagaw ang mga ito pag dating kay Krezhie pero mali pala ako. Hindi pala iyon totoo. Mabuti na lamang at naisipan kong magpalipat ng school dito kasi bukod sa nakakasama ko na si Krezhie, nagkaroon pa ako ng ibang mga kaibigan. Ang bait nila at ang gagaling makisama. Nasabi ko iyon kasi diba nga newbie lang ako sa school na 'to? Pero hindi nila ako itinuring na ganun. Itinuring nila ako na parang gaya nila na matagal na doon at kaibigan na noon pa. Hindi nila ako itinuring na iba. Dahil sa kanila, unti-unti ko nang nababago ang ugali ko. Kung noon ay madali akong mainis at mapikon, ngayon ay hindi na. Natututo na akong kontrolin ang sarili ko. Pero kahit nagbabago na ako ay ako pa rin ang lider ng gang na aming pinamumunuan. Hindi ko kasi pwedeng iwan at talikuran na lang yun ng basta-basta kasi sinumpaan ko iyon.
Paminsan-minsan ay bumibisita pa rin ako sa dati kong pinapasukang paaralan para na rin mabisita ang mga miyembro ko doon. Syempre naging kaibigan ko na sila bago pa sina Jhade. Mga kaibigang nakasama ko noon nung wala pa sila. Mga kaibigan na hindi ko kayang kalimutan kailanman.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520