KINABUKASAN
"Mga tol, anong ganap?" Tanong ni Verl Jhon na naka-upo habang nakapatong ang dalawang paa sa katapat niyang upuan.
"Ayun, tayo na namang lima. Wala na naman tayong kasamang luka-luka." Pagbibiro ni Aldren na kumakain ng waffle.
Napatawa naman kami sa sinabi niyang iyon. Tunay yun, masaya kasi kapag kasama namin si Krezhie. Masaya din naman kahit di namin siya kasama pero mas masaya pag kasama siya.
"Kakamiss pala kakulitan ni Krezhie noh?" Nakangusong sabi ni Maurice.
"Miss ka ba?" Tanong ko tapos bigla niya akong sinuntok ng mahina sa may braso.
"Ulol! Dadale ka na naman." Tatawa-tawang sabi niya na ikinatawa ko naman.
"Kayong dalawa talaga, para kayong mga sira." Pang-aasar sa amin ni Sanmer.
"Kami lang? Sure ka?" Nakangisi kong tanong.
"Haha baliw---"
*phone rings...
"Tumatawag si Tita Jasmin." Sabi ko habang hawak-hawak ang cellphone ko na nag vi-vibrate.
"Sagutin mo tol." Sabi ni Sanmer.
Sasagutin ko na sana ito pero biglang nawala ang tawag.
"Anyare?" Tanong ni Aldren.
"Nawala eh" taka kong sagot. Tapos biglang may na receive akong text message galing kay Tita Jasmin.
*message from Tita Jasmin Cortez
Jhade hijo, nasa ospital
Kami ngayon. Isinugod namin
Si Krezhie, bigla kasing
Tumaas ang lagnat niya.
Ininform ko lang kayo baka
Kasi makapunta kayo sa bahay,
Wala kami dun."Guys isinugod daw si Krezhie sa ospital!" Sigaw-sigaw ko na ikinataranta nila.
"Hala! Bakit daw?" Alalang tanong ni Maurice na napatayo pa sa kaniyang kinauupuan.
"Bigla daw tumaas ang lagnat niya."
"Ano pang hinihintay natin? Tara na!" Nagmamadaling sabi ni Sanmer.
"Paano? Baka di tayo payagan? Baka hindi tayo palabasin ng guard." Sabi ni Verl Jhon na nakakunot pa ang noo.
"Edi sasabihin natin na emergency lang. Tiyak na papayagan tayo nun makalabas." Sabi naman ni Aldren na ikinapalagay ng loob namin.
Dali-dali kaming nagpunta sa may guard house malapit sa gate at kinausap ng masinsinan ang guard at sa kabutihang palad, pumayag ito sa aming hiling.
Pagkalabas na pagkalabas namin ng school ay pumara agad kami ng taxi at madaling pinag drive ito patungo sa ospital.
...
"Tita kamusta na po si Krezhie?" Alalang tanong ko.
"Okay na naman siya. Biglaan lang talagang tumaas ang lagnat niya." Sagot naman ni Tita Jasmin habang haplos-haplos ang buhok ni Krezhie na himbing ang tulog sa kama.
"Makakapasok na po ba siya bukas?" Concern na tanong ni Aldren.
"Ahh oo, pwede na daw. Bantayan niyo siya ha baka kasi mabinat, mahirap na. Mabuti na yung nag-iingat."
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Ficção AdolescenteGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520