ACZEL'S POV
Mula dito sa canteen ay matatanaw ang tambayan ng grupo nina Krezhie, tambayan na minsan ko na ring tinambayan at grupo na minsan ko na ring kinabilangan.
Kay sarap balikan ang mga panahon na kaming lahat ay masaya. Na kahit medyo naiilang ako ay napapatawa rin pag silay nagtatawanan.
Sana ay kasama rin nila ako ngayon. Sana ay masaya rin ako ngayon. Miss ko na sila lalong-lalo na si Krezhie, miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa. Kailangan kong lumayo para na rin sa kaniya. Alam kong masaya na siya kapiling ng mga kaibigan niya at alam ko rin na di niya na kailangan pa ng gaya ko. Isa lamang akong dumi kung sasama ako sa kanila. Kasi pakiramdam ko pagkasama ko sila, ako ay naiiba. Hindi ko alam kung bakit pero na o-OP talaga ako. Hindi ako maging komportable kahit anong pilit ko. Pinilit ko naman eh, pinilit kong isali ang sarili ko sa kanila para kay Krezhie pero wala eh. Di talaga belong. Di talaga siguro ako nabibilang sa kanila. Wala kasi akong confidence sa sarili. Palagi kong dino-down ang sarili ko kasi ayaw kong magmataas. Ayaw kong magmarunong, takot ako na mahusgahan ng ibang tao. Kaya minabuti kong lumayo na lang kaysa ipilit pa ang sarili ko.
Masaya na ako basta makitang masaya si Krezhie. Actually, lagi ko siyang sinusulyapan. Lagi akong tumatambay dito sa may canteen para lang tingnan siya tuwing recess.
Ang saya niya oh. Ang ganda ng ngiti niya, lalo siyang gumaganda. Isa rin ito sa mga dahilan kaya lumayo ako sa kaniya. Unti-unti kasing nahuhulog ang loob ko sa kaniya na hindi dapat mangyari. Alam ko kasi sa sarili ko na kahit kailan ay hindi magugustuhan ni Krezhie ang gaya ko. Hanggang kaibigan lang ako, hanggang kaibigan LANG. Kaya okay na ako sa pasulyap-sulyap sa kaniya. Sa simpleng bagay na yun, ay nasaya ako ng lubos. Makita ko lang siya, buo na ang araw ko.
Kaya Krezhie, mapatawad mo sana ako sa mga nagawa ko. Yun lang kasi ang alam ko eh para makalimutan ka. Pero di ko naman nagawa. Pero atleast ngayon, nakalimutan mo na ako.
Alam mo ba na nung ipinagtanggol mo ako ay pinakaba mo ako ng husto? Natakot ako kasi baka pag-initan ka ng mga mok*ng na yun. Pero hindi, ikaw pa yung kinatakutan nila. Bilib talaga ako sa tapang mo, wala kang katulad. Ikaw pa rin ang Lodi ko. Gustong-gusto kitang pasalamatan at yakapin nun pero syempre may misyon ako na kailangang gawin at yun nga ay ang kalimutan ka at makalimutan mo ako. Alam kong nasaktan kita nun pero anong magagawa ko? Mahina ako eh hehe. Alam kong nagalit ang mga boybest mo dahil sa ginawa ko. Hindi ko naman gusto yun eh, no choice lang talaga ako.
Krezhie, wag mo sanang isipin na ayaw ko na sayo. Naghanap lang ako ng ibang girlbest kasi sinusubukan kong lumingon sa iba. Sinusubukan kong malimutan ka. Nagbabakasakaling magkagusto ako sa iba. Pero wala, dahil dun muntik pa akong magulpi. Hindi ko naman kasi alam na may mga jowa pala yung mga nagcomment sa post ko eh. Hays...
Krezhie kahit ngayong nakalimutan mo na ako, gusto kong malaman mo na hinding-hindi kita kakalimutan. You will always be my best girbestfriend. The prettiest and the kindest woman I know. I love you Krezhie. I love you.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520