CHAPTER 29

119 18 0
                                    

KINABUKASAN

(Break Time)

Ngayon nandito ako sa tambayan namin. Mag-isa, malungkot at patapon. Puro na lang sakit ang nararanasan ko. Ayaw ko na sa buhay na 'to!

"Boi, pasensya na ha na-late ako." Sabi  ni Maurice. Nandito na pala siya. "Nasaan ang iba?" Tanong nito.

"Ewan" seryoso kong sagot.

"Oh nandito na pala sina Sanmer at Jhade eh." Sabi ni Maurice sabay turo sa dalawa na kadadating lang. "San ba kayo galing?"

"Ahh sinamahan ko lang si Jhade sa may Science Department may kinuha lang." Sagot ni Sanmer.

"Kanina pa kaya dito si Krezhie, wala siyang kasama. Kadadating ko lang din kasi."

"Okay lang" sagot ko habang nakatingin sa kawalan, nakatulala.

"Nga pala Boss, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Alalang tanong ni Jhade.

"Okay na ako."

"Kalimutan mo na si Acz--"

"Wag mo ng banggitin pa ang pangalan  niya Boss."

"O-okay pasensya na."

"Amm Boi" pagtawag ni Maurice sa akin kaya naman akin siyang nilingon. "Ito nga pala cookies para sayo. Pinadala sakin ni Mommy, ibigay ko daw sayo." Sabi niya sabay aro ng isang box sa akin. Akin naman itong kinuha at ipinatong sa mesa. Binalik ko na ulit ang aking tingin sa kawalan.

Samjun...

Maya-maya ay biglang pumatak ang mga butil ng aking luha.

"Krezhie okay ka lang? Umiiyak ka ba?" Tanong ni Sanmer na aking ikinataranta.

Kita niya pala ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan gamit ang aking kamay.

"Boss may problema ka ba?"

"Boi magsabi ka lang sa'min."

"Okay lang ako." Sabi ko tapos biglang may lumabas ulit na luha sa aking mga mata. Dali-dali ko itong pinunasan, baka kasi makita nila.

"Boss di ka okay eh. Umiiyak ka." Alalang sabi ni Jhade na akin namang itinanggi.

"Di ah, okay lang ako."

"Boi, kilala ka namin. Alam naming may problema ka, ano yun?" Concern na tanong naman ni Maurice.

Naluha na naman ako. Hindi ko na mapigilan.

"Guys" sabi ko at lahat naman sila ay tumingin sa akin at inaabangan ang sunod kong sasabihin. "Guys, wala na kami ni Samjun."

"Ano?!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Kelan pa?" Tanong ni Jhade.

"Bakit? Anong dahilan?" Tanong naman ni Sanmer.

"Sinong nakipag break?" Galit na tanong ni Maurice.

"Nakipag break siya kagabi. Sabi niya, feel niya daw pagod na ako. Sabi niya, hindi niya na daw ako napapasaya. Hindi niya na daw ma-feel na mahal ko siya. Alam niya daw na pagod na ako sa relasyon namin kaya mabuti pang tapusin. Hindi naman totoo yung mga sinabi niya eh. Mahal ko siya at mahal na mahal. Hindi ko alam kung bakit niya naisip yun. Siguro siya yung pagod at hindi ako. Kaya hinayaan ko na, pinalaya ko na kahit ayaw ko. Kasi alam ko rin naman na di ako sasapat sa kaniya gaya ng nangyari sa pagkakaibigan namin ni Aczel. Mag tataka pa ba ako? Kailan ba ako naging sapat? Haha wala akong maalala." Tatawa-tawa kong kwento sa kanila.

"At nakuha mo pang tumawa?" Taas-kilay na tanong sa akin ni Sanmer.

"Kakapagod ng umiyak, itawa na lang natin." Pilit ngiti kong sabi.

Nakita ko ang awa sa kanilang mga mata habang nakatingin sa akin. Nginitian ko na lang sila kahit pilit.

"Boi, nandito kami. Masasandalan mo kami. Di ka namin iiwan kahit anong mangyari." Sabi ni Maurice sabay hagod ng kaniyang kamay sa aking likod.

"Oo nga naman Boss. Iwan ka man ng lahat, nandito kami at ang pamilya mo para samahan ka sa lahat ng bagay." Dagdag pa ni Boss sabay dahan-dahang humawak sa aking balikat.

"Alam mo ba Krezhie, itong mga nangyayaring 'to? Walang-wala 'to sa tatag mo. Lilipas at matatapos din ito. Alam naming kaya mo, lagi mo lang isipin na nandito kami para sayo. Handang umalalay anumang oras." Nakangiting sabi ni Sanmer sabay luhod sa aking harapan.

"Salamat, salamat ang swerte ko kasi mayroon akong kaibigan na katulad niyo." Nangingiyak-ngiyak kong sabi.

"Amm Boss, may sasabihin pala kami sayo." Sabi ni Jhade na nakalabas ngipin pang nakangiti.

"Ano yun?" Tanong ko.

Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon