KREZHIE'S POV
"Hinahanap niyo raw ako?" Tanong ni John Neil at tumango naman ang mga boybest ko as their response.
"Amm bakit?""Bakit m--" hindi na natuloy sa pagsasalita si Sanmer ng biglang dumating ang Third Period Teacher nina John Neil.
"Pano ba yan? Andito na ang teacher namin." Sabi ni John Neil.
"Tsk sige, mamaya na lang uwian. Dun sa may pathway. Aantayin ka namin dun at kung ikaw naman ang mauna, antayin mo kami. Gets?" Inis na sabi ni Sanmer.
Ano bang nagyari sa lalaking 'to? Bakit inis na inis?
"Sige makakarating ako." Sabi ni John Neil sabay pasok sa loob ng classroom nila. Kaya naman nagsimula na rin kaming umalis doon baka kasi maka-abala pa kami sa kanila.
"Halika na boi, hahatid ka na namin sa classroom mo." Nakangiting sabi ni Maurice at ngumiti naman ako sabay tango.
"Uy ano ba kasing sasabihin mo kay John Neil?" Curious kong tanong kay Sanmer. Pero tiningnan lang ako nito na ikinataas naman ng kilay ko. "Wuy! Tinatanong kita."
"Malalaman mo rin mamaya. Just wait." Sagot nito sabay kindat sa akin.
"Okay--"
Bigla akong napahinto sa pagsasalita ng biglang may mga babaeng humarang sa aming dinadaanan.
"Hi Sanmer!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito na ikinagulat ko. Pero seryosong nakatingin lang si Sanmer sa kanila.
"Sanmer, can I take picture with you?" Pabebeng tanong nung isang babae tapos nakigaya na din yung iba.
"Ako rin!"
"Crush ako din!"
"Cutie sige na, isa lang!"
"Please Sanmer!"
Kaniya-kaniyang sigawan ang mga babae na nasa harapan namin.
Myghad! Kakabingi mga besh.
Biglang nagsi-tigil sa pag sigaw ang mga babae ng biglang daanan lamang sila ni Sanmer.
"Sanmer please! Matagal na kitang crush, kaya sana pagbigyan mo ako." Lakas loob na sabi nung babaeng maputi na medyo pandak.
Napalingon naman si Sanmer dahil sa sinabi nito.
"Sorry coz I don't want to." Seryosong sabi nito.
"Bakit?"
"Coz you're not my type." Sagot ni Sanmer na ikinahagulgol nung babae.
Ambad mo naman Sanmer.
"Tara na." Pagyayakag ni Sanmer kaya naman nagpatuloy na kami sa paglalakad at dinaanan ang mga babaeng humarang sa amin kanina.
"Grabe ka naman pre, hindi mo man lang sila pinagbigyan kahit isa lang." Natatawang sabi ni Maurice.
"Tss bahala sila." Sabi naman ni Sanmer.
"Gwapo ka sana pre eh kaso hindi ka mabait haha." Pagbibiro ni Jhade na ikinatawa namin.
"Haha kasalanan ko ba kung di ko sila type?"
"Pre, kahit naman di mo sila type pede ka pa rin namang makipag picture sa kanila."
"Haha ayoko nga."
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi.....secret." sagot nito sabay kindat sa akin.
Nakakailan na 'to ha. Isa pang kindat pepektusan na kita haha.
Nung nasa may paliko na kami ng daan patungong classroom ko ay biglang dumaan sa tabi namin ang barkada nina Maynard at laking gulat ko nang bigla ako nitong kindatan. Hindi pa nakuntento, nginitian pa ako. Buti na lang at hindi yun nakita ng mga boybest ko dahil kung hindi, patay yun haha.
"Oh pano? Hanggang dito na lang muna, mamaya na lang ulit uwian. Aantayin ka namin sa tambayan at sabay-sabay nating tatagpuin yung John Neil yun." Sabi ni Jhade na ikinangiti ko.
"Sige, ingat kayo." Huling sabi ko sabay kaway sa kanila at kumaway din naman sila tapos tumalikod na sa akin at nagsimula ng maglakad palayo.
Nung ako'y naka-upo na aking upuan ay biglang naalala ko yung nangyari kanina, yung tungkol kay Maynard. Hay naku! Lagi na lang, hindi ba siya napapagod na ngitian at kindatan ako? Jusko naman! Aaminin ko, kakainis siya. Tagal-tagal ko na yung sinasabihan ng hindi ko naman siya type, todo pa-cute pa rin lagi sakin. Hays, para sa kaalaman niya...hindi siya cute sa paningin ko kundi para siyang t*nga. Kakainis kaya! Lalo na yung ngiti niya, parang baliw. Kung makangiti wagas, daig pa ang baliw. Abot langit ba naman ang ngiti. Dagdag pa yung pagkindat niya. Alikabok ba ako para maging dahilan ng pagpikit ng isa niyang mata sa tuwing nakikita niya ako?hays...
Daming-daming nagkakagusto sa kaniya tapos nagpapaka-awa siya sakin? Dzuhh! Dapat di na niya sinasayang oras niya sakin noh. Tsaka isa pa, kung ako sa kaniya...hindi ko na sasayangin pa ang oras ko sa taong may jowa na. Ano yun, manliligaw ka parin kahit alam mong may jowa na? Ay parang di ata tama yun.
Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya, what I mean is hindi ko siya type. Kasi ilan lang sa standards ko ang na-reach niya, gaya ng pagiging mayaman at may hitsura. Pero hindi pa rin sapat sakin yun eh. Wala sa kaniya yung pinaka hinahanap ko at yun ay ang pagiging mabait at matalino. Lingid naman kasi sa kaalaman ng lahat sa campus na si Maynard Garson ay isang mayabang na tao. Hindi naman sa jina-judge ko siya pero magaling lang siya sa papormahan pero pagdating sa pag-aaral b*plax ang dating niya. Oh diba? Dun pa lang sa pagiging matalino, bagsak na. At isa pa, napaka yabang niya. Akala niya kasi lahat ng babae ay makukuha niya. Gaya ng ginagawa niya sakin, akala niya makukuha niya ako sa mga pakindat niya. Dzuhh! Never! Kadiri kaya haha peaceyow. FYI mabait akong tao ha pero minsan talaga, nagiging harsh ako sa mga sinasabi ko. Di rin kasi maiwasan eh, pasensya na tao lang hehe.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520