1 MONTH LATER
Lumipas ang isang buwan, kay rami ng nagbago. Masasabi kong, mas gusto ko ito kaysa sa nakaraan kong kay pait. Masaya na ako ngayon at kontento sa mayroon ako.
"Krezhie, tara na! Iniintay na tayo nina Jhade." Sigaw-sigaw ni Aldren habang tumatakbo palabas ng classroom namin.
Oo, classroom namin. Nagpalipat na kasi siya ng school at sumaktong kaklase ko pa. Madaya nga daw siya sabi nina Sanmer at Boi kasi naging kaklase ko daw siya, sila hindi hahaha. Lalo naman si Boss, haha grade eleven kasi yun kaya imposible na makaklase ko siya. Mas matanda siya saming lahat, grade nine lang kami eh.
Maya-maya ay biglang pumasok sa classroom namin ang aming principal at sinabing magsi-upo.
Nakinig naman kaming lahat at ginawa ang sabi niya. Tapos maya-maya ay naalala ko na nasa labas pa nga pala si Aldren. Bigla akong napatawa.
Lagot ka Aldren, late ka hahaha.
Hindi ko na kasi nagawang sumunod pa sa kaniya kanina kasi sinamahan ko pang mag cr si Grace. Tas ayun nga, pagkatapos ni Grace mag cr ay saktong dumating ang aming school principal na si Sir Jeffrey Taquis.
Nang makita namin ito ay dali-dali kaming nagsi-upo sa aming mga upuan at ibinigay ang aming atensyon sa kaniya. Habang siya'y naglalakad ay makikita mo ang kaniyang kakisigan. Kung kaya't maraming babae ang naghahabol sa kaniya sa loob man o labas ng paaralan. Pero sa kabila nun ay isa siyang masungit at striktong tao. Isa siguro iyon sa mga dahilan kaya hanggang ngayon ay single siya. He is already 30+ but hindi halata hehe ganun siya kagwapo.
Pagkapunta niya sa unahan ay nakita na naman namin ang masungit niyang mukha.
"Grade nine Sunstone, good morning." Seryosong bati nito.
"Good morning Sir Jeffrey." Sabay-sabay naman naming bati.
"Sunstone, mayroon akong isang malapit na kaibigan na lumapit sa akin dahil ang kaniyang anak raw ay labis na nag nanais na makapasok at makapag-aral sa ating paaralan. Labis akong nagagalak roon dahil sa dami ng mga magagandang paaralan ay sa atin pa napili ng kaniyang anak na mag-aral. Isa kasi sila sa mga kilalang pamilya dito sa ating bansa kung kaya't ganun na lamang ang aking galak. Dito ko napiling ilagay ang kaniyang anak, dahil ito rin ang hiniling niyang seksyon sa akin." Dire-diretsong sabi ni Sir Jeffrey na aming ikinamangha.
"Umm Sir, can I ask a question po?" Tanong ni Janine, president ng aming klase.
"Go ahead."
"Sir curious lang po kami, babae po ba?"
"Nope, lalaki siya at siya ang kaisa-isang anak ni Mr. Jayson Adamian." Sagot ni Sir Jeffrey na ikinagulat ko.
Ano? Jayson Adamian? Adamian? Kung hindi ako nagkakamali, Jayson ang pangalan ng Daddy ni Pre, ni Pre Verl Jhon. Hindi kaya...
Ohmyghad!
"Mr. Adamian, please come in." Sabi ni Sir sabay senyas sa may gawing likuran namin. Dahil nga sa pagka-curious namin ay amin itong tiningnan.
Halos hindi ako makapaniwala nung akin itong makita.
Myghad! Is this true?
Dahan-dahan itong naglakad papunta sa unahan, kung nasaan si Sir Jeffrey. Maririnig ang tilian ng ilan kong kaklaseng babaeng lalong-lalo na si Trisha.
"Oh my! Si cutie is back!" Sigaw nito sabay irit.
"Good morning Sir, sorry I'm late." Napatingin kaming lahat sa may pintuan nang may magsalita.
"Mr. Manabat! Saan ka naman galing, hmm?" Nanlalaking matang tanong ni Sir Jeffrey na ikinakaba ni Aldren.
Halos matawa ako sa hitsura ni Aldren hahaha, grabe! Daig pa ang nakakita ng multo.
"Amm...may pinuntahan lang po sa may Senior High."
"Okay, come in."
Dali-dali namang pumasok si Aldren at umupo sa tabi ko. Oo, katabi ko siya.
"Bakit hindi ka na pumunta dun sa tambayan?" Tanong nito sa akin.
"Haha sorry na agad, sinamahan ko kasi si Grace mag-cr tas pagkalabas niya, bigla namang dumating si Sir Jeffrey."
"Teka bakit nga pala nandito si Sir? Tsaka sino yung lalaking kasama niya?" Taas-kilay na tanong niya.
"So yun nga, pinakilala niya yun...new classmate natin."
"Ahh, gwapo ha."
"Haha syempre naman! Boybest ko yan eh!" Natatawa kong sabi na ikinagulat niya.
"Huh? B-boybest mo? Yung gwapong yun?"
"Haha oo"
"We?"
"Oo nga"
"Hmmmmm..."
"Haha ayaw maniwala?"
"Baka kasi jino-joke mo lang ako eh haha."
"Haha totoo nga, tunay yun. Boybest ko yan."
"Sige nga, ano pangalan?"
"Verl Jhon Adamian."
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Ficção AdolescenteGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520