KINABUKASAN
KREZHIE'S POV
Pagdating ko dito sa campus ay tumigil ako sa may bench dito sa tabi ng pathway. Dito ko naman lagi iniintay si Aczel. Kasi nga sasabayan niya daw ako tuwing umaga gaya ng napag-usapan namin noon. Nagpapasalamat ako kasi ginawa naman niya.
Bigla kong naalala na may meeting pala kaming mga classroom officers mamaya sa may Library. Nakalimutan ko lang kung anong oras.
Kaya kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at chineck ang aking to do list.
Ahh mamaya palang last period.
Nung akin nang ibabalik sa bag ang aking cellphone ay biglang may narinig akong nagbubulungan sa aking likuran. Kaya naman pasimple ko silang pinakinggan.
"Diba siya yung babae kahapon? Yung niyakap nung gwapo?"
"Oo nga, siya yun. Nakakapagtaka nga eh, bakit siya niyakap?"
"Baka kakilala?"
"Imposible! Baka isa yung gwapo sa nilalandi niya. Diba nga puro lalaki ang mga kaibigan niyan?"
"Hala oo nga. Baka hindi niya lang basta kaibigan yung mga yun, baka FRIENDS WITH BENEFITS."
"Hahaha baka nga."
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib.
Grabe naman sila magsalita. Hindi naman ako ganung klase ng babae.
Gustong-gusto ko silang sabunutan at sampalin para ipamuka sa kanila na hindi ako ganun pero wala, wala akong nagawa. Natalo ng sakit sa aking dibdib ang aking katapangan. Sobra akong nasaktan sa kanilang mga sinabi patungkol sa akin. Kung iisipin naman ay kayang-kaya ko silang saktan pero ngayon ay hindi ko kaya. Kahit ako'y nakatalikod sa kanila, alam kong ako ang kanilang tinutukoy kasi kami lang naman ang tao ngayon dito sa pathway.
Bigla akong nakaramdam ng basa sa aking pisngi. Naluha pala ako. Hindi ko na namalayan dahil sa aking naramdaman.
Maya-maya pa lamang ay bigla kong nakita si Aczel. Kakapasok lang nito sa gate kaya naman agad kong pinunasan ang aking luha gamit ang aking panyo at dali-daling sinalubong si Aczel.
"Aczel" masaya kong bati pero isang matipid na ngiti lamang ang ipinalit niya sa akin.
"Krezhie" sabi nito.
"Amm Aczel, pasensya ka na kahapon ha."
"Bakit?"
"Kasi ano, hindi na kita naintay."
"Ahh okay lang."
"Hehe male-late na kasi ako eh pero na-late pa rin." Natatawa kong sabi pero nanatili siyang seryoso.
"Ahh"
"Aczel?" Pagtawag ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako. "Okay ka lang?" Tanong ko.
"Oo naman." Sabi nito sabay balik ng tingin sa daan.
Natahimik na lang ako.
Hanggang sa makarating kami sa harap ng classroom ko ay ganun parin. Hindi siya umiimik. Umiimik lang siya kapag tinatanong ko.
Ang weird niya.
"Aczel bukas ulit ha?" Nakangiti kong sabi. Seryoso naman siyang tumango.
Habang naglalakad ako patungo sa aking upuan ay hindi ko mapigilang mapa-isip sa mga ikinilos ni Aczel. Ang weird niya talaga. Anong nangyari sa kaniya?
Nung sinabi ko naman sa kaniya kanina na hindi ko na siya naantay kahapon ay okay lang daw. Kung ganon ay anong dahilan, bakit siya nagkaganun? Bigla-bigla. Isang araw ko lang naman siya hindi nakasabay, nagbago na siya agad. Para kasing nag-iba siya. Pansin ko na parang pa-iwas lagi siya kanina nung akin siyang kinakausap. Tapos parang ang cold niya din.
Hays anyare ba?
---TIME SKIP---
(sa bahay)
Ngayon ay nakahiga ako sa aking kama, nagpapahinga na. Tapos na kasi akong gumawa ng mga assignments ko, ang dami hehe pero kinaya naman.
Mahigit 30 minuto na rin akong nakahiga pero di pa rin ako dinadalaw ng antok.
Hays makapag-online na nga lang.
Bumangon ako sa aking pagkakahiga sa aking kama at kinuha ang aking cellphone sa may mesa.
Pagkakuha ko ay bumalik akong muli sa aking kama at doon naupo.
Nagscroll-scroll ako sa aking news feed. Oo nag scroll-scroll na lang ako kasi alam kong tulog na si Samjun para ichat ko pa.
Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pag s-scroll ay biglang may nakita akong post ni Aczel.
Aczel Pasia's post
(1 hour ago)"GIRLBESTFRIEND NEED
sino pede?"
Bigla akong natulala sa aking nakita.Girlbestfriend need? Ano ba ako sa kaniya? Hindi ba't kaibigan niya ako? Yun ang alam ko kasi yun ang sabi niya sa akin noon. Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit ba siya nagkakaganito? Bakit siya naghahanap ng girlbest gayong nandito naman ako?
Bigla akong nanlumo. Naging masama ba akong kaibigan kay Aczel? Ano ang nagawa kong mali? Wala naman eh. Bakit ganun? Ngayon lang ako nagkaganito. Ngayon lang 'to nangyari sakin. Oo sanay akong masaktan sa mga ex ko pero sa mga kaibigan? Hindi pa, ngayon pa lang at napakasakit pala. Mas masakit pa sa break-up na narasan ko noon. Masakit sa dibdib. Oo kakikilala ko lang sa kaniya pero napamahal na din siya sa akin kasi syempre, kaibigan ko siya at lahat ng kaibigan ko ay tinuturing kong pamilya.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520