Kabanata 2

6.1K 207 2
                                    

Kabanata 2
•Attitudes

  NAG-ANGAT ako ng tingin, isang katulong ang pumasok at may dalang tray na puno ng pagkain. Matapos niya iyong ilagay sa kama ay walang imik din siyang lumabas.

Kasalukuyan akong nakahilig sa may pintuan ng teresa at tinatanaw ang malawak na harden sa labas. Para lang akong ibon na nakakulong sa hawla at walang kalayaan. Apat na araw na rin simula nang kunin nila ako at ikulong sa kwartong ito. Laging may nakabantay sa labas ng silid kaya hindi ako makalabas, wala rin akong maisip na pwedeng paraan para makaalis sa lugar na ito. Kain, tulog, at pagtanaw lamang sa harden ang nagagawa ko buong araw. Para akong pinaparusahan ng langit, para akong bilanggo sa isang marangyang silid.

Narinig kong bumukas ulit ang pinto pero hindi na ako nag-abalang lingunin iyon, baka isa rin sa mga katulong. Siguradong maglilinis lang iyon ng kuwarto.

"Ba't hindi ka pa kumakain?"

Para akong tinamaan ng kidlat nang marinig ang boses na iyon. Dali-dali akong umayos ng tayo at pumihit paharap. Doon nagtagpo ang mga mata namin ng lalaking apat na araw ko na ring hindi nakikita. Simula nang gabing iyon, hindi na siya bumalik dito, hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero mukhang umalis siya dahil kahit anino at boses niya ay hindi ko nakita at narinig.

"Ayaw mo ba sa pagkain?" Walang buhay niyang tanong.

Kinabahan na naman ako, hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagsasalita siya para iyong ungol ng isang mabangis na hayop sa pandinig ko.

Hindi ko pa rin magawang makasagot kaya naglakad siya palapit. Natagpuan ko lamang ang sarili na umaatras dahil sa takot. Malalaki ang hakbang niya dahil sa mahahaba ang kaniyang paa. Nasa teresa na ako kaya't malamig na bato ang siyang lumapat sa likod ko.

"Why are you not talking to me? May lakas ka pa talaga ng loob na magmatigas sa akin?" Sipat niya at hinawakan ang braso ko nang mahigpit.

Napakislot ako sa pagdampi ng kamay niya sa balat ko. Nakasuot ako ng sando kaya malaya niyang nahahawakan ng mahigpit ang braso ko at namumula na iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Marahas niya akong hinila papasok ng kwarto at itinulak sa kama. Wala pa rin akong imik kahit na sobra na ang ginagawa niya.

"Eat that, you're going to pay me starting today. Make it fast because you will have to clean the garden after you finish that."

Tiningnan ko siya, salubong ang kaniyang kilay at naroon na naman ang naglulumiyab na galit sa mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin at sinunod ang gusto niya. Fried rice, egg, hotdog at sandwich and nakalagay sa tray kasama ang isang basong orange juice. Siguro kung sa probinsya ito, kape at tinapay lang ang almusal ko.

Walang pag-iinarte ko iyong kinain habang nariyan pa rin siya at nakatingin sa akin. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya, basta inubos ko ang pagkain at ininom lahat ang orange juice. Naiisip ko palang na malawak ang harden nila, paniguradong kailangan ko ng lakas para malinis iyon.

Nang matapos ako tiningnan ko siya, mas salubong pa ang kilay niya at kunot na kunot ang kaniyang noo na para bang may hindi tama sa ginawa ko. Bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang katulong, ang isa ay kinuha ang tray at ang isa naman ay may dalang damit na ipinatong sa ibabaw ng kama.

"Ano 'to?" For the first time, ngayon lang may lumabas na salita sa bibig ko. Kinuha ko ang damit at nakitang kulay itim iyong kamisita at itim na pajama. Parang ginagamit ng isang hardenera. So ito ang isusuot ko?

"Wear that." Maawtoridad niyang saad.

Saglit ko lang siyang tiningnan at kinuha nga ang damit. Dumiretso ako sa banyo at nagpalit. Isa to sa gusto ko dito sa kwartong to, masyadong malaki ang banyo, may shower, may bathtub, may toilet at may sink pa. Kumpleto na lahat.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon