Kabanata 7

5.2K 161 2
                                    

Kabanata 7
•Kiss

BUMABA rin ako pagkatapos kong maligo at tumuloy sa harden para magdilig ng mga halaman. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko habang ginagawa iyon, parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing naiisip ang mga sinabi ni Alted. Snow and Winter are not mine, they're not my daughters but I feel more complete whenever I'm with them. Sa laki ng mansyon, sa dami ng mga katulong at kasambahay, at sa rangya ng buhay dito, isa pa rin iyong hawla para sa akin. Tanging si Snow at si Winter lang ang dahilan kung bakit nakakalimutan ko kung sino ako at kung nasaan ako.

Sa tuwing iniisip ko kung ano ang katauhan ni Candice ayon sa kwento sa akin ni Sonya, parang ang sama ko, parang hindi talaga kayang patawarin ng mga tao ang isang katulad ko.

Hindi man diretsahang sabihin ni Sonya ang gusto niyang ipunto noon, isa lang ang nasa isip ko, hindi kuntento si Candice sa buhay niya, materialistic, mata-pobre, at mainitin and ulo. Ganoon ang nakikita ko, ganoon ang naiisip ko. Ngunit hindi kayang maaruk ng isipan ko kung gaano kasama si Candice sa pamilya niya, sa mga anak at asawa niya.

Malalim akong napabuntong-hininga at ibinalik sa lagayan ang mga gamit nang matapos ako sa pagdidilig. Didiretso na dapat ako sa kusina para tumulong nang maulinagan ko ang pag-uusap nila roon.

"Hindi rin naman natin masisisi si señorito."

Nagkusang tumigil ang mga paa ko nang marinig iyon. Para bang may bumubulong sa akin na huwag na akong tumuloy. Huwag na akong pumasok at makinig na lang sa usapan nila.

"Pero Nay Consing, nagbago na si Candice. Hindi niyo ba napapansin? Sobrang laki nga ng pinagbago niya." Boses iyon ni Lilac.

"Naroon na tayo, Lilac. Oo nga at malaki ang pinagbago niya pero malaki rin ang pinagbago ni señorito. Sa mga ginawa ni Candice, naku! Hindi na ako magtataka na ganoon na lamang ang pagtrato niya sa asawa."

"Kawawa naman si Candice." Sa pagkakataong ito boses na iyon ni Sonya. "Kanina kung nakita niyo lang ang nakita ko, umiyak talaga siya sa harap ni señorito. Siguro nahihirapan na rin siya ngayon lalo na at inilalayo sa kaniya sila Snow at Winter."

"Paanong hindi ilalayo? Baka nakakalimutan niyo kung paano pagbuhatan ng kamay ni Candice ang mga bata noon. Isang pagkakamali lang naririnig na natin na binubulyawan niya ang mga bata at kung minsan sinasaktan pa."

"Oo nga pala, ikinulong niya noon si Snow sa kabinet. Tiyaka nasampal niya rin noon ng ilang beses si Winter dahil umuwi siyang mainit ang ulo." Segunda ni Lilac.

Tuluyang hindi ko na naihakbang ang mga paa ko dahil sa pag-uusap nila. Para akong natuod sa kinatatayuan.

"Tapos malay natin nagkukunwari lang na mabait si Candice 'no?" Ani Lilac na kahit hinaan ang boses ay naririnig pa rin sa labas ng kusina.

"Hindi ba ginawa na niya ito noon? Yung kunwari nagbago na siya para mapatawad siya ni señorito, pero nang umalis si señorito papunta sa San Francisco bumalik na naman ang pagiging demonyita niya."

"Lilac! Iyang bibig mo. Mamaya niyan marinig ka." Si Sonya ang sumaway.

"Ano ka ba, mahina na nga ang boses ko. Tiyaka hindi ba marami siyang kalaguyo? Isipin niyo lang ha, sa gwapo at bait ni señorito nagawa niya pang makipagharutan sa iba't ibang lalaki."

"Lilac! Tumahimik ka na!" Suway naman ni Nay Consing.

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Tinakpan ko ang bibig para hindi makagawa ng ingay. God! Nagawa iyon lahat ni Candice?

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi at hindi na nagbalak na pumasok sa kusina. Tumalikod ako't mabilis na naglakad paakyat. Kung kanina awa sa sarili ko ang nararamdaman ko, ngayon parang kumikirot ang puso ko sa mga imaheng pumapasok sa isip ko.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon