Kabanata 46

5.9K 165 3
                                    

Kabanata 46
•Wedding Day

  My heart doesn't hurt. The butterflies in my stomach doesn't fly. My body doesn't ache. I feel numb. Wala akong maramdaman habang nakatingin sa kabuuan ko sa salamin. Nakatulala lamang ako roon habang hinihintay na magbago ang repleksyon ko pero habang tumatagal paunti-unti kong nararamdaman ang mahinang pagpintig ng puso ko kasabay nang pagkabuhay ng maliliit na paru-paro sa tiyan ko at pagdaloy ng iba't ibang emosyon sa sistema ko.

"It fits you." Deklara ng isang pamilyar na boses.

I saw her in the mirror. Elizabeth wearing her long beautiful white dress came. Hindi ko na siya nagawang lingonin dahil  siya na mismo ang lumapit para tingnan ako at suriin ang suot ko. It was like a dream. Wearing this kind of Italian Queen-inspired wedding gown is really out of my mind. Hindi ko alam na ganito pala ito.

It has a low V neckline that reveals my upper chest and hugs my breast in a comfortable manner. My stomach is perfectly fitted. And the bottom is decorated with innumerable sparkling dots of diamond.  Sobrang haba no’n na halos buong sahig na ng kwartong inuukupa ko ang sinakop no’n pero hindi ko maramdamang mabigat iyon. Sa likod naman ay halos makita ang kabuuan ng likod ko dahil wala iyong itinago hanggang sa bewang ko. Tanging manipis lamang na klase ng tela na kasing kulay ng balat ko ang naroon. It is as if I am a queen, especially now that I'm wearing my crown. Hindi na nila inayos ang belo ko dahil mamaya na raw iyon sa simbahan.

This gown is actually beyond my expectation. Hindi ko inakala na makakapagsuot ako ng ganito kagandang wedding gown. It is because of Elizabeth. The woman behind this idea. She sketched this. She planned for this. At hindi ko alam kung paanong nagawa niyang lahat ng preparasyon na ganito kaengrande sa loob lamang ng tatlong buwan.

Nang magtama ang mata namin sa repleksyon malinaw kong nakita ang kislap ng saya sa mga mata niya kaya pumihit ako paharap para lamang makita pa iyon. Her lips formed a small smile. May kung ano sa puso ko na nalusaw dahil sa ngiti niya.

"You look gorgeous." She mumbled.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko kaya hindi na ako nagtaka nang abutin niya iyon, pero nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na metal sa balat ko napukaw non ang atensyon ko dahilan para mapatingin ako sa emerald bracelet na naroon. She then smiled. Nang bitawan niya ang kamay ko agad ko iyong tiningnan. It was real!

"Something blue." Aniya.

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at nang magsalubong ang tingin naming dalawa bahagya pang lumungkot ang kaniyang mga mata.

"I'm not used to say sorry. But I never forgot what I've done to you before." She weakly smiled.

"Naiinis ako sayo kasi kamukhang-kamukha mo ‘yong taong kinaiinisan ko. I even slapped you. Gusto ko lang inisin ka noon pero nang araw na ‘yon agad kong napagtanto, may mali." She laughed.

Saglit lamang iyon at ngumiti na lamang. "Kasi kahit magkamukha kayo marami kayong pagkakaiba. Nakita ko ‘yon agad. I told Kuya Alted about that. Pero alam mo ang sabi niya? Maybe, people change." Umiling siya't natawa.

"I know Candice can't change that easily. She's a living demón. Alam na alam ko ang ugali no’n at kung hanggang saan ang pasensya no’n kaya nagduda agad ako. But I never insisted my doubt. Kasi alam ko, masaya sa’yo sila Snow at Winter. You took good care of my cousin. Ibang iba ka kay Candice, iba ka sa kaniya, natatakot silang mawala ka at iniisip na lamang na baka nagbago lamang ang dati nilang mommy."

Wala akong masabi. Kumikirot ang puso ko pero sa nakikita kong emosyon sa mga mata ni Liza, alam ko. Alam kong tama itong ginagawa ko.

"You came into their lives to show them a kind of true love, a better wife, a loving mother, a trusted friend, and someone they can love too. Dumating ka sa buhay nila para palitan yung taong hindi sila kayang alagaan at mahalin. You're so much better than her, Aurora. Kaya you deserve them. You deserve this."

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon