•Kabanata 34
•ExchangedMAY mga bagay sa mundo na kahit anong pilit natin, sa panaginip lang natin makukuha, doon lang natin maaangkin ng bou. Pero ngayon, nakikita ko siya at pwede ko rin hawakan kung gugustuhin ko. Hindi ko lang magawa.
Alas tres pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa ko. And the best greeting in the morning is his peaceful sleep. Malaya ko na ngayong mapagmamasdan ang bawat angulo at detalye sa kaniyang mukha.
From the thick black eyebrows and eye lashes, to his proud pointed nose, to that well shaped lips and defined square jaw. God. Surely you take time for making him look gorgeous.
Noon hindi ko inakala na mamahalin ko siya. Naaalala ko ang sarili ko bilang isang takot na babae dahil sa pinapakita niyang galit. The way his piercing eyes darted on me, the way he gritted his teeth and clenched his jaw, lahat ng yon nagdudulot ng kaba sa akin. Kaya paanong mamahalin ko siya gayong takot ako sa kaniya?
Alam na alam ko rin kung saan ang lugar ko sa buhay nila kaya hindi ko inaasahan na sa lumipas na mga araw tuluyang uusbong ang damdamin na sa una pa lang dapat pinigilan ko na. But how can I stop myself from falling for this man?
Kung tatanungin ako tungkol sa kahulugan ng pag-ibig, marahil ang isasagot ko sa taong nagtanong ay sarkastikong tawa. Love is nothing more but a feeling. A feeling that might make you as a person or destroy you as an individual. Maraming tumitino dahil sa nagmamahal sila, pero marami rin ang nababaliw dahil sa pagmamahal na nararamdaman nila. I always see love negatively, kung magmamahal man ako sisiguraduhin ko kung kailan tama na ang panahon, sa tamang pagkakataon at tamang tao iyon.
Pero sino ba naman ang mag-aakala na magmamahal ako sa maling panahon at maling pagkakataon? Ang tama lang yata ngayon, ang taong pinili kong mahalin. Kasi hindi ko pagsisisihan na minahal ko siya.
Every story has an end, it could be happy, sad or tragic. Ang kwentong pinasok ko ngayon, hindi ko alam kung magkakaroon ba ng masayang wakas dahil alam ko sa oras na magising siya at maalala niya ang nangyari kagabi at tuluyan na niyang mapagtanto ang lahat.. magiging maliwanag na iyon sa kaniya.
A woman could be devirginized only once. Alam ng lahat iyon, at sa nangyari kagabi imposibleng bumalik sa pagiging birhen si Candice kaya malalaman niya agad ang pinagkaiba namin dalawa. He is my first, I won't regret the thought that I gave it to him. Dahil wala na akong mamahalin ng higit pa sa kaniya. Kung may dumating man, alam kong hindi magaging madali na mapalitan siya.
I love him. My heart says that. Ngayon na alam kong matatapos na ang lahat, hindi iyon magbabago. I have learned to love him as Aurora not because I pretended as someone else. Mahal ko siya bilang si Aurora, kaya sa huli mamahalin ko pa rin siya bilang ako kahit hindi na ako maging parte ng buhay niya at ng mga bata.
I sighed, hoping it could help me. Kaso mas bumigat pa yata ang dibdib ko.
Maingat akong umupo mula sa pagkakahiga. Nang saglit na gumalaw ang mga binti ko may kirot pa akong naramdaman. Kaya ang lungkot at sakit na kanina ay lumulukob sakin, ngayon naman ay napalitan ng kaba.
Makakalakad pa ba ako?
Nilingon ko ulit siya at pumikit saglit nang sumagi sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Goodness! Kay aga-aga hindi na agad maganda ang nararamdaman ko. It won't happen again! It is our first and definitely our last. Baka magalit pa siya sakin mamayang gumising siya.
Kaya umiling ako para iwaglit lahat ng bumabagabag sa isip ko. Maingat akong lumayo sa kaniya. Kahit naman pakiramdam ko hindi siya magigising agad dahil lasing yan kagabi, late na siya magigising sigurado ako.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
RomanceShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...