Kabanata 39

5.2K 194 14
                                    

•Kabanata 39
Leave

Dahil sa namayaning katahimikan tanging paghikbi na lamang ni Snow at ni Winter ang naririnig. Nag-angat sila sakin ng tingin.

Walang lumabas na salita sa labi nila pero alam kong marami silang gustong sabihin. Natigilan lamang ako nang haplusin ni Winter ang kwentas na sout ko.

Bumaba rin ang tingin ko doon at napagtantong iyon ang naging basehan nila para makilala ako. I'm still wearing the necklace. Singsing lang ang kinuha sakin ni Candice noon dahil akala niya iyon lang ang mahalaga. Now that I still have this, I thanked them for remembering my words.

"Ano ba!" Galit na boses iyon ni Candice dahilan para mapatingin kami sa kaniya. Sinubukan niyang umalis sa pwesto niya pero nahawakan siya ng babaeng pulis sa braso. Nagpumiglas pa siya habang nadedepina ang galit at iritasyon sa mukha niya.

"Take her," ani Elizabeth nang makabawi. "Make sure na hindi yan sa inyo makakawala."

"Damn! No!" Malakas na sigaw muli ni Candice at sinubukan pang magpumiglas pero mahigpit ang pagkakahawak ng babaeng pulis.

"Alted!" She cried his name. "Hindi niyo pwedeng gawin to sakin! Wala akong ginagawa!"

"Too much for the drama Candice." Awat ni Elizabeth. "Doon ka na lang magdrama sa kulungan baka sakaling may makinig pa sayo!"

"Alted, please! Wala akong alam dito. They're only fooling you! Wala akong ginagawang masama!" Pagmamakaawa niya pa lalo.

Hinawakan ng isa pang pulis ang braso niya para madali nilang madadala si Candice palabas pero nagpupumiglas pa rin ito. Sinulyapan ko si Alted, wala nang bakas ng emosyon ang mukha niya. Malamig ang tingin nito at mariin na nakatikom ang bibig.

"Goddamnit!" Malutong na mura ni Candice nang tuluyan siyang makaladkad.

Nang matapat siya samin agad na nagtago sa likod ko si Snow pero nanatiling nasa harap ko si Winter at pinagmamasdan ang nangyayari. Tila naiintindihan lahat.

"Damn you, Aurora!" Sigaw niya. Pinilit niyang tumigil sa harap ko kaya naglakad papunta samin si Elizabeth at agad hinila si Snow at mula sa kung saan dumating si Sonya para kunin si Winter.

Tumigil din sa pagkaladkad ang dalawang pulis kaya tuluyan siyang nabigyan ng pagkakataon na tumigil sa harap ko. Pulang-pula ang mukha niya, nangingilid ang luha sa mga mata pero lumiliyab doon ang galit at ano mang minuto sasaktan na niya ako kung hindi lang hawak ng mga pulis ang magkabila niyang braso.

Dahil sa galit na nakita ko sa kaniya napangiti ako. Look at her, naka blouse na puti, nakasout ng shorts at halatang naglagay pa rin ng makeup. Magkamukha kami pero nakikita ko pa rin sa kaniya ang pagiging Candice niya. I can still remember that day when her men kidnapped me. Hawak nila ang braso ko habang nagpupumiglas ako. Ako ang sumisigaw at humihingi ng tulong dahil ayaw kong sumama. Nanalangin na sana panaginip na lang yon dahil natatakot ako. Pero ngayon iba na, ako na ang nasa harap niya at nakangisi habang siya naman ang hawak ng dalawang tao sa braso.

Ang pinagkaiba lang, hindi ito kidnapping, inaaresto siya para sa krimen na ginawa niya. Hindi rin siya makakatakas kagaya nang ginawa ko dahil panghabangbuhay niya pang pagbabayaran ang lahat ng kasalanan niya.

I stepped forward and without hesitation I slapped her hard. Namutawi ang ingay nang pagdapo ng palad ko sa pisngi niya.

"Baka isipin mong panaginip lang to kaya gigisingin kita."

Muli kong itinas ang kamay para sa mas malakas na sampal. Ang dalawang pulis ay walang ginawa humigpit lang ang hawak nila sa braso ni Candice para hindi ito makalayo sakin. Napabaling ang tingin niya sa kaliwa dahil sa lakas ng sampal.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon