Kabanata 37

5.1K 174 4
                                    

•Kabanata 37
Ready

  "DON'T move!" Malakas na sigaw ni Elizabeth nang maramdaman kong kumirot ang likod ko.

Nagmamadaling lumapit siya sakin at hindi lang isang beses na nagmura nang masilip ang bandage sa balikat ko.

"Dumudugo na naman!" Aniya na iginaya ako paupo sa mahabang sofa sa salas. Mula rito ay diretsong matatanaw ang dalampasigan.

Nakatayo malapit sa dagat ang rest house ni Nexon. Wala rito ang lalaki dahil may inaayos itong problema sa isang negosyo. Tanging kami lang ni Elizabeth ang narito.

"Bakit kasi naglilinis ka ng mga muwebles!" Pasigaw na naman niyang sabi. "Ang tigas din ng ulo mo, Aurora.  Look what you've done to yourself. Dumudugo na naman ang sugat mo! Minsan kasi pinapairal mo yang katangahan na meron ka."

Siguro kung noon niya ito sinabi baka na-offend na ako. Pero nasasanay na ako sa mga salitang binibitawan niya. Noong una hindi ko matanggap na ang isang Elizabeth Marie Dela Fuente ay may tinatago pa lang kabaitan sa katawan dahil mas mukha siyang mataray kesa maamo.

"Hindi naman gaanong dumudugo. Sabi ni Dra. normal pa rin na dumugo yan paminsan-minsan dahil masilan ang balat ko. Huwag kang mag-alala, hindi mauubos ang dugo ko." Natatawa kong sagot sa kaniya pero tinaasan niya lamang ako ng kilay.

"Sa bagay, paanong mauubusan ka ng dugo? E, madami ang supply ng blood sack sa hospital ni Dra. De Guzman." Aniya sa pinaka sarkastikong boses.

Looking at her right now, I felt safe. Dahil hindi siya umaalis dito hangga't wala pa si Nexon. Wala silang katulong dahil ayaw ng kuya niya, sila mismong dalawa ang gumagawa sa lahat ng gawaing-bahay. Nahihiya na rin naman ako na lagi na lang akong nasa guestroom at nagpapahinga. Pero sa tuwing sinusubukan kong gumalaw mabilis na nagdurugo ang sugat ko sa balikat.

Some of my wounds healed. Ang balikat ko na lamang ang hindi pa tuluyang naghihilom dahil malalim ang tama ng bala doon. Ang sugat ko sa gilid ng ulo ay naghihilom na kaya kahit papano nagiging maayos na ako.

Hindi na rin ako dumidepende sa IV kaya ako na mismo ang nagpapalakas sa sarili ko.

"Thank you, Elizabeth." I mumbled.

Kasalukuyan niyang tinatanggal ang bandage sa balikat ko para mapalitan iyon at malinis. Marunong siya sa dapat na gawin kaya minsan hindi na niya pinapatawag si doktora at siya na mismo ang nagpapalit non. Hindi siya tumigil sa ginagawa pero nakita kong sinulyapan niya ako.

"Araw-araw akong may thank you galing sayo. Akala mo ba libre lahat to?" Aniya.

Ngumiti ako dahil ganiyan din lagi ang sinasabi niya kapag nagpapasalamat ako.

"Aba! Kapag maayos ka na kailangan natin bumalik kayna kuya Alted. Kung hindi lang dudugo ang sugat mo at baka mawalan ka pa ng malay talagang kinaladkad kita so we could kick out that goddamn Candice." Iritable niyang dagdag.

"Kamusta si Alted? Ang mga bata?"

Sa pagkakataong ito gusto ko siyang lingonin pero nasa likod ko na siya at inaayos na ang pagkakabenda sa sugat ko.

"Don't move." She coldly said and I obliged.

"Maayos pa sila. Don't worry that much, may mga tauhan si kuya na nagbabantay kayna Snow at Winter. Wala pa naman ginagawa si Candice sa kanila, mukhang humahanap pa siya ng tyempo." Pang-aalu niya. "You know what, it is really creepy. Normal sayo ang maging mabait pero abnormal ang kambal mo. Trying hard na maging mabait sa lahat."

Kambal. I sighed.

Dati pa man alam kong imposibleng maging magkamukha kami ni Candice ng walang siyentipikong dahilan. Nitong na-coma ako, dahil sa pagiging kuryuso nilang magkapatid sinubukan nilang ipa-DNA test kaming dalawa ni Candice. Kahapon pa lang dumating ang resulta. Identical twin.

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon