Kabanata 25

5.2K 180 7
                                    

•Kabanata 25
Tears

MABILIS na lumipas ang araw at linggo at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa masaya ako o sadyang mabilis lang ang paghila ng oras sa bawati minutong pumapatak. Everything is worth it. Iyon lagi ang nasa isip ko kahit minsan inuusig ako ng sariling konsensya. Paanong nagagawa kong angkinin ang pagkatao ng isang taong kinamumuhian ko noon?

Ayaw kong maging si Candice, ayaw kong tinatawag nila ako sa pangalan na yon dahil alam ko sa sarili ko na ako si Aurora. Pero paunti-unti parang gusto kong maging ako siya, huwag na lang bumalik ang totoong Candice at hayaan na lang ang lahat sa ganito. Alam kong mali ang hilingin iyon pero sa tuwing nakikita ko si Alted at ang mga bata, gusto kong maiyak dahil kahit hindi ko man aminin boung-bou nilang kinuha ang puso ko at tuluyang napamahal sa kanila. Kung darating ang araw na babalik ang totoong Candice pakiramdam ko kamumuhian ko ang sarili ko dahil hindi ako siya at kahit kailan hindi ako magiging siya.

"Mommy?"

Mula sa pagtanaw sa malawak na sakop ng karagatan ay nilingon ko ang nagsalita. Si Winter. May hawak siyang starfish na kulay kahel sa gilid at pula naman sa gitna.

Magsasalita na dapat ako patungkol sa hawak niya pero mas naging pokus ako sa unti-unting paglungkot ng mga mata niya.

"What's wrong, baby?" Alu ko sa kaniya at agad siyang hinila palapit sakin para yakapin.

Isinama ni Alted si Snow sa Elteko dahil may bibilhin daw sila, nagpaiwan naman sakin dito si Winter dahil ugali niya talaga na ayaw niyang pinagtitinginan siya ng mga tao.

"You're sad, why?" She asked while pouting.

Natawa naman ako, kahit alam kong peke iyon pinilit kong maging totoo.

"Mommy is just thinking about random things. I'm not sad, baby. Don't worry."

Lumayo siya saglit sa yakap ko at pinakatitigan ako sa mata. She's still pouting but the sadness in her eyes was gone now. Isa sa pagkakaiba ni Snow at Winter ay ang pagkakaroon ng emosyon sa mga mata, Snow's eyes are alive and always sparkling with happiness while Winter's eyes are cold and emotionless. Sa mura niyang edad hindi ko alam kung paanong nagagawa niyang mawalan ng emosyon ang mga mata. Ngunit mas nagpaganda iyon sa kaniya, mas naging misteryosa ang mga mata niya na alam kong sa isang tingin pa lang iyon agad ang unang mapapansin.

Snow's asset is her smile, hindi mo maiiwasan na hindi punahin ang mga ngiti niya at mahahawaan ka pa. While Winter's asset is her mysterious eyes. Manang-mana sila kay Alted at ilang feature pa ang nakuha nila kay Candice dahilan para mas magmukha silang anghel nang walang kahirap-hirap.

"I hate you, mommy." She murmured.

Kung si Snow alam at pinipili ang mga binibitawang salita, iba si Winter. Straight-forward and never sugar-coated.

"Why?" May kumirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero paulit-ulit pa iyong kumirot nang hindi siya agad nakapagsalita.

"Why, baby? May nagawa ba si, mommy?" Masuyo kong tanong habang hawak niya pa rin ang magkabila kong pisngi.

"You are lying."

"Ha? Saan?"

"You told me you're not sad but I can see mommy, you are." Mas lalo pa siyang ngumuso pero wala pa rin emosyon sa mga mata niya.

"Hmm." Ngumiti ako. "How can you say that mommy is sad?"

"I just saw it." Agaran niyang sagot.

"I am happy, super happy." Ngumiti ulit ako, this time pilit man alam kong kumbinsido siya. "May mga bagay lang talaga, baby, na kapag naiisip natin nagiging malungkot tayo."

His Fake Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon