•Kabanata 44
•RejectionMALI, yan ang sabi ng isip ko noon. Mali ang mahalin sila dahil kahit anong pagkukunwari ko alam ko sa sarili ko na hindi ako si Candice at hindi ako magiging siya. Sabi ko ibabalik ko sila. Sabi ko din kakayanin kong maging masaya kapag makita kong masaya sila kahit wala na ako. Akala ko noon kaya kong dayain ang sarili ko, akala ko noon magagawang kalimutan sila pero mali na naman ako. Dahil kahit itago ko ang totoo kong nararamdaman sa dilim ng gabi matatagpuan ko na lang ang sarili na umiiyak. Kasi wala pa rin papatayin sa sakit kapag tuluyan ko silang mawala.
Kaya ngayon, kung panaginip lang ang lahat ng 'to sana hindi na lang ako magising. Pipiliin kong manatili dito dahil pagod na akong gumising at umasang baka bukas sanay na ako na wala na sila. Kaya dito na lang ako.
"Mommy!"
Wala sa sariling bumaling ako sa kaliwa kung saan nakabukas na ang pinto ng sasakyan at naroon sila Snow at Winter nakangiti ng malapad.
Mali ang mahalin sila. Pero kailan ba naging mali ang magmahal? Kapag umasang masusuklian ang pagmamahal na binibigay natin? Kasi kung mali ang mahalin sila, ayaw kong sundin ang tama dahil sa pagkakataong ito handa akong gawin ang mali kung mali man ang mahalin sila.
"Nandito na tayo!" Si Snow na sumulyap sa harap ng mansyon.
My heart jumped from my ribcage. Hindi ko man lang namalayan ang halos kalahating oras na byahe papunta rito. Pigil ang hiningang bumaba ako at nang makaapak sa lupa agad na hinawakan ng kambal ang magkabila kong kamay, para bang takot na tatakbo ako palayo.
My heart sinks when I saw the entrance. Nabitin sa ere ang ngiti ko nang makita sila Sonya at Nay Consing na kapwa nagpupunas ng luha habang nakaabang sa pintuan kasama ang iba pang kasambahay. It feels weird. Naalala ko noon, nang huli akong bumalik sa mansyon na ito natatakot ako dahil haharapin ko ang katotohanan sa oras na pumasok ako. Pero ngayon, nakikita ko, nararamdaman ko, hinihintay nila ako bilang si Aurora at hindi bilang si Candice.
Hindi ako haharap sa kanila bilang ibang tao kundi ako na mismo bilang si Aurora. Bakit ang sakit? Bakit tumitibok ang puso ko sa pinakamasakit na ritmo? Masaya naman ako pero bakit nasasaktan ako?
"C'mon, mommy!"
Hila ng dalawa ang kamay ko nang umakyat kami sa marmol na hagdan at agad naman nagsingitian ang mga katulong nang sinalubong kami. May dalawang lalaki ang sumalubong para kunin ang bag at maleta na dala ko. Doon ko lang din napansin na nasa likod pala namin si Alted at nakasunod dala ang gamit ko.
May ilan pang ngumiti sakin na tinanguan ko na lamang dahil masyadong panis ang ngiti ko dahil sa halo-halong emosyon na bumabalot sa damdamin ko. Gusto kong maiyak, tumawa at maging masaya pero kalaunan nangunguna ang lungkot sa damdamin ko sa hindi malaman na dahilan.
Sumalubong samin si manang Osmet na naiiba sa lahat dahil seryoso ang ekspresyon ng mukha.
"Buti nakabalik ka na.." aniya at unti-unting sumubok na ngumiti. "Aurora."
"Welcome home." Si Sonya na mukhang hindi na napigilan dahil napangiwi din nang lingunin siya ni manang Osmet.
"Masaya kaming bumalik ka na," si Nay Consing na sandali pang napailing pero maaliwalas ang ngiti sa labi.
"Manang Osmet, pakihatid siya sa kaniyang kwarto." Turan ni Alted na nginitian sila Snow para sumunod sa kaniya papunta sa kusina.
"Pupunta kami mommy sa kwarto mo mamaya. Come on, Winter. Daddy needs us." Ani Snow.
Bumitaw siya sa kamay ko pero nginitian naman ako bago sumunod sa ama na tinatahak na ang daan papuntang kusina. Si Winter din ay bumitaw sa kamay ko at bumaling din sa akin na may maliit na ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
His Fake Wife [COMPLETED]
Roman d'amourShe is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got married without her consent and knowledge. How come? Her name is Aurora and she didn't even know him...